Chapter 14 Quality Time

3 1 0
                                    

YSAY' POV:

Ilang oras na akong nakahiga sa aking kama pero di pa ako nakakatulog. Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan ang oras. Past 12 na. Inopen ko ang aking FB account, may bagong friend request. Nang buksan ko si Max. In-accept ko ang friend request niya maya maya may message.

[Thanks for accepting my friend request.] message galing kay Max.

You're welcome. Sagot ko.

[Can't sleep] message niya ulit.

Me too. Reply ko naman. Kinikilig ako grabe. Ang tagal niya bago mag message ulit. Baka naka tulog na siya. Sabi ko sa aking sarili.

Itatabi ko na sana ang phone pero nag message siya ulit.

[Good night my love. Sleep tight. I love you and I miss you. Mmmmuuuuaaaahhh.] napatili ako sa message niya sabay yakap sa cellphone ko. Tagos hanggang buto ang pagkakilig ko.

Hindi ko alam kung anong irereply ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Grabe talaga si kupido, tatlong arrow ata ang tinama sa akin. Hindi na ako nagreply pa sa sobrang kilig ko.

*****

Pagkagising ko agad kong tiningnan ang aking cellphone. May message ulit galing sa kanya.

[Good morning my love. Have a blessed sunday. I love you and I miss you. Hugs and kisses] grabe, ilang beses kong binasa ang kanyang message.

Pinindot ko ang icon ng wattpad sa screen, nakit ko may bagong update si seaanemone sa kanyang story. Agad kong binasa ito.

First time niyang makipag date! Grabe naman siya. Parang ako lang first time ko ding makipag date. Ang daming fisrst time na nagyari sa kanya pati ang first kiss. Gustong gusto ko na talaga makilala si seaanemone. Nilahad niya dito kung gaano siya kasaya na kasama ang babaeng mahal niya.

"Pero hindi pa sila?!" sambit ko. "Hindi pa siya sinasagot ni ate ghorl!" dagdag ko. Enebeyen. Ako na lang sana si ate ghorl.

Maya maya may kumatok sa pinto.

"Bukas po yan." sabi ko at iniluwal naman nito si Kuya Yvo. Nakangiti ang maaliwalas niyang mukha.

"Good morning princess." nakangiting sabi nito.

"Good morning kuya." sagot ko sabay upo sa gilid ng kama ko. Naupo naman siya sa tabi ko.

"I can't imagine you've grown so fast." sabi niya sa seryosong boses. Mukhang nagdadrama si Kuya Yvo.
"Parang kailan lang na naglalaro ka ng mga toys mo, but now, look dalaga ka na." dagdag nito. Nagdadrama talaga si Kuya.

"Kuya, nagdadrama ka ba?" nang aasar na tanong ko sa kanya.

Tumawa ito. "Oo, kasi magkaka boyfriend ka na" sabi nito sabay pout ng lips.

"Eeee, kuya naman. Nanliligaw pa lang si Max sa akin." nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Gusto mo ba siya?" tanong nito na para bang nang aasar ang itsura.

"Opo." sabi ko sabay tango. Sobrang close ko kasi si Kuya Yvo. Hindi ako nahihiyang magsabi sa kanya.

"Okay." sabi nito at sandaling tumahimik habang nakatingin sa akin. "Mukha naman siyang mabuting bata. At nakikita ko rin na sincere siya. Pansin ko na boto din si Yves sa kanya. Actually pati sila mommy at daddy walang masabi sa kanya. Just enjoy Ysay, alam ko nasa tamang edad ka naman na para sa mga ganitong bagay. Always remeber we're here for you." sabi nito sabay akbay sa akin.

"Kuya....you're so sweet talaga. Ay kuya paano mo ba malalaman kung siay na? What I mean is...." tanong ko sabay yuko.

"Ano bang nararamdaman po pag kasama mo siya?" tanong niya.

"I feel comfortable, I feel safe and I'm happy kuya. Yung parang hindi ako nahihiya sa kanya to express how what I feel, yung ganon ba" sabi ko habang nakangiti.

"Nice to hear that." sabi nito sabay ngiti. "Basta Ysay pag kayo na, wag kang mawawalan ng time sa amin ha." parang bata si kuya, nakapout habang naka puppy-eye. Kung makapag drama para na akong mag aasawa.

"Kuya talaga."sabi ko sabay yakap sa kanya.

"You're always be our little princess Ysay." sabi niya sabay hagod sa likod ko.

"Maligo ka na, magsisimba pa tayo. Pupunta pa tayo ng mall after para bumili ng isusuot niyo ni Yves para sa Ball." nakangiting sabi nito sabay gulo sa buhok ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay kuya at agad na nagtungo sa banyo para maligo.

Pagbaba ko nakaupo na sila mommy daddy at ang aking mga kuya sa hapag.

"Kain na Ysay" sabi ni daddy ay agad naman akong nagtungo sa ss hapag.

"He seem's nice Ysay ah." sabi ni daddy sa akin habang inaabot ang pritong itlog.

"Yes dad." sagot ni Kuya Yves. "He is." dagdag pa nito hahang nakangiti.

"Ano nga palang motif sa ball ninyo?" tanong ni mommy.

"Pink sa juniors mom and blue naman sa aming seniors." sagot ni kuya sa tanong ni mommy.

*****

Pagkatapos naming mag attend mass, dumirecho kami sa mall para tumingin ng gagamitin namin ni Kuya Yves.

Magkakasama sika Kuya Yves, Kuya Yñigo at si Daddy. Kaming tatlo naman nila Kuya Yvo at mommy ang magkakasama sa pamimili.

Sa sobrang dami ng pagpipilian, hindi ako makapili. Buti sina mommy at Kuya Yvo ang kasama ko.

"Ano bang design ang gusto mo anak?" mahinahong tanong ni mommy.

"Yung simple lang mom." sagot ko habang patuloy pa rin sa pagtingin ng ball gown.

"Try this one." sabi ni Kuya Yvo.

"Wow, kuya. Gusto ko yan." nakangiting sabi ko. Simple lang itong gown. Light pink ang color made from chiffon fabric.

Nagpunta ako sa dressing room para isukat ang gown. Nakakamangha naman parang sinukat sa akin. Ang ganda ng fitting nito at sakto rin ang haba. Simple yet classy.

"Pwedeng patingin?" sabi ni Kuya Yvo. Agad naman akong lumabas sa fitting room. At base sa ekspresyon ng mukha ni mommy at kuya, mukhang maganda tingnan sa akin.

"Ang galing mong pumili Yvo." sabi ni mommy sa kanya.

"Basta para sa prinsesa natin mom." sagot ni kuya sabay akbay kay mom.

"Okay, tingin naman tayo ng shoes." sabi ni mommy.

"No need mom." sagot ko.

"Ha?" nagtatakang tanong ni mommy sa akin.

"Meron pa ako sa bahay. Once ko pa lang nagamit yun. Wag na tayo bumili ng bago, sayang lang mom. Di ko lang na naman magagamit." sabi ko.

"Okay." tipid na sagot nito.

We spent the rest of the time together. Nag window shopping at kumain ng kumain.

Don't forget to vote, comment and share😊😊😊

Wattpader and the WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon