YSAY'S POV:
"Ysay, sa tingin mo sadya yung pagkaka kulong mo sa CR?" Pag basag ni kuya Yves sa katahimihan habang binabaybay namin ang daan papuntang school.
"Hindi ko alam kuya. Kasi pagpasok ko ng CR may mga students sa loob. Tapos nung pumasok ako sa bakanteng cubicle narinig kong bumukas yung sa kabila. Tapos may narinig akong nagtawanan. Ayun pag labas ko sa cubicle nakita kong nakasara na yung main door ng CR." pagkukwento ko kay kuya.
"Kung sadya man yan, sana masuspend ang may gawa." seryosong sabi ni kuya.
Pagdating namin sa school dumiretso ako sa room. Naupo sa aking upuan at sinimulan kong basahin ang susunod na lesson namin.
Maya maya pumasok si Tr. Vreznia ang aming guidance counselor.
"Good morning." masayang bati niya sa amin at binati rin naman namin siya.
"Ms. Loraine Concepcion, please follow me." mahinahon na sabi ni Tr. Vreznaia.
Agad namang tumayo si Loraine, bakas sa mukha nito ang pag aalala.
*****
THIRD PERSON'S POV:
"Be sitted" pinaupo ni Tr. Vreznia si Loraine sa upuan malapit sa table nito.
"Do you want to tell something Loraine?" malumanay ang boses nito habang nakatingin kay Loraine.
Nakayuko lang naman si Loraine at mukhang guilty na.
"Is there something bothering you." muling tanong nito.
Dahan dahan na inangat ni Loraine ang kanyang mukha.
"Sorry Tr. Vreznia. Di naman po alam na magkakaganon siya. Sorry po talaga." sabi nito. Nagbabadya na ring tumulo ang kanyang mga luha.
"Alam mo ba na kung hindi nakalabas agad si Ysabelle doon, pwede siyang mamatay?" parang nangongonsensiya ang tono niya. "I for one, I know how it feels kung pano mag panic attact. And the last time na magpanic attack ako muntik na akong mamatay. Dagdag pa nito.
"Kitang kita sa CCTV footage na ikaw ang huling lumabas sa CR nung pumasok si Ms. Mendez. Buti na lang napadaan si Max. Dahil diyan, napagpasyahan na committe na suspended ka ng 1 week at magrerender ka ng community service." sabi nito habang nakatingin kay Loraine.
"What?! Suspended? Community service? Oh no!" bulalas nito. Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig habang iling ng iling.
"Max, are you still there? Paki kuha naman yung form na fifill-up-an ni Loraine diyan sa may file cabinet." sabi ni Tr. Vreznia.
"Yes Tr." sagot naman ni Max na nasa receiving area ng guidance office.
"Natawagan ko na ang parents mo, they are on their way para ipaalam ang nangyari sa kanila at para mapirmahan din nila itong form. Just stay here and let's wait for them. Kasi after signing these documents start na ang community service mo." sabi nito habang kinukuha ang mga papel na inabot sa kanya ni Max.
"Max, pwede ka ng pumasok. Akin na yung log book mo at pipirmahan ko na." malambing na sabi nito kay Max.
Bagay talag siyang maging guidance counselor. She's so cool and pretty pa.
Maya maya dumating na ang mga magulang ni Loraine. Sobra ang paghingi nila ng dispensa kay Tr. Vreznia. Sobrang nahihiya din sila sa gunawa ng kanilang anak. And good thing, hindi sila konsintidor. Naniniwala sila na para sa ikabubuti ng kanilang anak ang punishment sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wattpader and the Writer
Teen FictionMadalas happy ever after ang ending ng kwento sa mga wattpad books ng wattpader na si Ysay. At dahil sa mga nabasa niya, umaasa siya na magkakaroon siya ng mala-fairytale na lovelife. Yung may happy ever after. Magkakaroon din kaya siya ng happy ev...