YVES'S POV:
Nasaan na naman kaya yung ugly duckling na iyon? Malilintikan na naman ako kila kuya. Sabi ko sa aking sarili habang iniikot ang aking paningin sa loob ng cafeteria.
"Bro, may hinahanap ka ba?" tanong ni Max sa akin sabay akbay.
"Captain dito!" Sigaw ni Troy sabay taas ng kamay.
Agad naman kaming nagtungo ni Max sa tabi nga iba pa naming ka team.
"Sino bang hinahanap mo dude? Kanina ka pa namin kinakawayan di mo kami nakikita." sabi naman ni Steve.
"Wala." tipid na sagot ko.
"Chicks ba?" mapangusisang tanong ni Max.
"Wala nga ang kukulit niyo. Kumain na lang tayo." pagyaya ko sa mga ka team mate ko.
Pagkatapos naming kumain, agad akong lumabas ng cafeteria para tawagan si Ysay.
[Hello kuya] sagot nito matapos mag ring ng dalawang beses.
"Asan ka ba?" pagalit na tanong ko.
[Kumain na ako kuya kung yan ang tatanungin mo. Bye] sabi nito sabay patay sa tawag ko.
"Aarrgghh!! Nakakagigil ka talaga!" sambit ko sa sobrang pagkainis sa ugly duckling kong kapatid.
"Woah! Easy man! Sino ba yang kaaway mo sa phone?" nakangising sabi ni Max
"Nothing." sagot ko.
"You look so pissed, nothing?" tanong nito sabay kunot ng noo.
Huminto ako sandali at tiningnan si Max. Huminga ako ng malalim.
"My sister." walang buhay na sagot ko sa kanya.
"May sister ka? Come on man, bakit hindi mo siya pinapakilala sa amin?" nagtatakang tanong nito.
"E sa ayaw ko nga!" pasinghal na sagot ko.
"Damn! Sa tagal nating magkaibigan hindi mo nababanggit sa akin na may kapatid ka palang babae." di pa rin siya makapaniwala habang nagsasalita.
Yes, bestfriend ko si Max, mas bata lang siya sa akin. Ka edad niya si Ysay. Actually, classmate niya yung ugly duckling na kapatid ko pero di niya alam. Wala atang nakaka alam sa buong campus na kapatid ko siya.
Hindi kaya kinakahiya ni Ysay na kapatid niya ako? Tanong ko sa aking sarili.
"Hey, tara na. Malelate na ako." sabi ni Max sabay hila sa backpack ko.
*****
YSAY'S POV:
Nilapag ko ang bag ko sa maliit na lamesa na nasa harap ko at inilabas ang baon kong pagkain. Buti na lang may natira pang ulam kagabi. Ayaw ko kasing kumain sa cafeteria. Bukod sa maraming tao, nakikita ko si Kuya Yves.
Mas gusto ko dito sa secret place ko. Wala ni isang estudyante ang napapadpad dito. Maraming puno, sariwa ang hangin at higit sa lahat tahimik ang lugar na ito. Parang wala ako sa loob ng school. Para akong nasa kagubatan.
Kahit na nag iisa lang ako dito, hindi ako natatakot. Wala naman sigurong multo dito.
Pagkatapos kong kumain nag ring ang cellphone ko sinagot ko naman ito kaagad
"Hello kuya" sagot ko.
[Asan ka ba?] pagalit na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Wattpader and the Writer
Novela JuvenilMadalas happy ever after ang ending ng kwento sa mga wattpad books ng wattpader na si Ysay. At dahil sa mga nabasa niya, umaasa siya na magkakaroon siya ng mala-fairytale na lovelife. Yung may happy ever after. Magkakaroon din kaya siya ng happy ev...