YSAY'S POV:
Vacant time namin, naisipan kong pumunta sa secret place ko. May meeting pa kasi ang mga teacher namin after break time kaya meron akong tatlong oras para magstay doon.
Habang naglalakad ako. May tumawag sa pangalan ko na isang pamilyar na boses. Huminto naman ako at kumaway sa kanya sabay ngiti at lumapit sa kanya.
"Max, alam mo may bagong tatlong chapters na update si seaanemone. Dumating na ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Kinikilig ako grabeeee....ramdam ko na mag kakaroon na siya ng mala fairy tale na love life. Yung may happy ending." sabi ko sabay ngiti. "Sana all." dagdag ko sabay nguso. Komportable ako na kausapin si Max. Mabait kasi siya at saksakan ng pogi.
"Wag ka ngang malungkot diyan. Andito naman ako." sagot nito na siya namang ikunagulat ko.
"Ha? Anong sabi mo? Tanong ko.
"A..e..sabi ko wag kang malungkot. Mahahanap mo rin yung para sa iyo." sabi niya sabay ngiti. Tumango lang ako sa sinabi niya. Kung alam mo lang na may lihim akong pagtingin sa iyo.
"Maiba ako, san ang punta mo? Vacant natin ngayon diba?" tanong niya sa akin
"Sa secret pla---" sabi ko sabay takip sa bibig ko. Nadulas ako.
"May secret place ka?" tanong nito sa akin habang naka ngiti. Ang sarap tingnan ni Max pag ngumingiti. Lumalabas yung mapuputi at pantay pantay na ngipin niya.
"Ay, di na tuloy secret Max. Pero secret pa rin. Di mo naman alam kung saan diba?" nakangiting sabi ko sa kanya. Kahit na alam na niyang may secret place ako hindi naman niya alam kung saan diba?
"Baka pwede mo akong isama sa secret place para dalawa na tayong nakakaalam." sabi niya sa akin. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.
"E di hindi na secret yun, kasi ang secret ay hindi na secret pag may isa o higit pang nakakaalam." sabi ko sa mahinahong boses. Oo Max, gustong gusto kitang makasam doon. Pero wag muna ngayon. Sabi ko sa loob loob ko.
"Ganon ba? Sayang naman." may pagkadismaya sa boses niya.
"Pupunta ka na ba sa gym?" tanong ko.
"Hindi pa bakit? Meron pa kasi akong tatlong oras." sagot nito.
"Samahan mo na lang ako sa library." sabi ko sabay hawak sa braso niya habang nakatingi ako sa medyo maugat pero mamasel na braso niya. Sarap pisilin.
Hawak hawak ko pa rin ang braso niya hanggang makapunta kami sa library. Ayaw kong bitawan.
Dumiretso kami sa bookshelf kung saan nakalagay ang maraming novels.
May inaabot akong libro sa may pinakataas na bahagi. Kahit nakatingkayad na ako, di ko ito maabot. Na out of balance tuloy ako. Nakakahiya. Buti nasalo ako bago ako bumagsak sa sahig. Pati tuloy siya natumba. Sumubsod ako sa dibdib niya. Natulala ako sa nagyari kasi nakapatong ako sa kanya. May naramdaman akong malambot sa may parteng tiyan ko kaya dali dali akong umupo.
"Ysabelle, okay ka lang?" tanong nito.
"Max, sorry. Nasaktan ka ba? Okay ka lang? Naku baka na injured ka? May laro ka pa naman mamaya." sunod sunod na tanong ko sa kanya. Alalang alala ako. Baka kasi di siya makapaglaro mamaya.
Nagukat ako nga idikit niya ang hintuturo ko sa mga labi ko.
"Shhhh, wag ka maingay." sambit nito. Nagtagal pa ng ilang segundo bago niya ito inalis. Nakatitig lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wattpader and the Writer
Teen FictionMadalas happy ever after ang ending ng kwento sa mga wattpad books ng wattpader na si Ysay. At dahil sa mga nabasa niya, umaasa siya na magkakaroon siya ng mala-fairytale na lovelife. Yung may happy ever after. Magkakaroon din kaya siya ng happy ev...