Chapter 5 Brothers' love

8 2 0
                                    

A/N: Hi guys. Just want to take this opportunity to promote my other stories: The Gift and Everyday with Dylan. Happy reading!!!

Again, thanks to my second born child, Mariane Antonee for the cover photo. Labyu!!!

YVES'S POV:

Nang marinig ko ang sinabi ni Max, agad akong tumayo at nagtungo kay coach para magpaalam. Dinahilan ko si mommy na may ergency para payagan ako agad ni coach. Buti naniwala si coach sa palusot ko. Binilisan ko ang takbo.

Kumusta na kaya si Ysay? Nag aalala talaga ako sa kanya. Kahit di ko kasundo yung pangit na kapatid ko, nag aalala pa ring ako sa kanya.

Binilisan ko ang takbo papunta sa parking lot. Agad ako sumakay sa kotse ko at binuhay ang makina at pinaandar ito. Pagkarating ko sa may waiting shed kung saan niya ako madalas hintayin, nakita ko siya nakaupo kasama si Beky.

Agad akong bumaba at nilapitan sila.

"Are you okay?" tanong ko sabay hawak sa pisngi niya. Nagulat siya sa ginawa ko at agad na hinawi ang kamay ko. Tumango lang siya bilang tugon sa tanong ko pero bakas ko pa rin sa mukha niya na hindi siya okay. Hindi kasi siya nagsusungit e.

"Beky salamat sa pagsama sa kapatid ko ha." nakangiting sabi ko sa nagiisang balyenang BFF ng kapatid ko.

"Walang anuman Kuya Yves." nakangiting sagot niya.

"Bye besty. Magpahinga ka na ha. Bye kuya." sabi nito na mukhang nagpapacute sa akin.

Ang sarap sapatusin ng mukha ng balyenang to ha. Pero salamat na rin sa kanya at sinamahan niya tong pangit na kapatid ko.

Sinakay ko na si Ysay sa sasakyan. Tahimik lang siya. Ako na rin ang naglagay ng seatbelt niya at mukhang wala siya sa sarili niya.

Pagpasok ko sa sasakyan, hinawakan ko ang kamay niya. "Andito na ang kuya mong saksakan ng gwapo. Wag ka ng matakot." nakangiting sabi ko sa kanya.

She just smirked. What the f*ck! Napamura na lang ako sa loob loob ko. Nakakaasar talaga tong pangit na to. Sabay hawak ko sa manibela.

Habang nag ddrive ako mayat maya sinusulyapan ko siya. Tahimik pa rin ang pangit kong kapatid. Nakakapanibago.

*****FLASHBACK

"Ysay laro tayo." pagyaya ko sa kanya habang sarap na sarap siya sa pagkain ng ice cream.

Busy kasi sila mommy, daddy, at sina kuya Yvo at kuya Yñigo sa pag aayos mga gamit namin dahil bagong lipat kami sa bago naming bahay.

"Kuya bes, ano yayu natin?" bulol na tanong no Ysay sa akin.

"Tagu taguan tayo ako taya" sabi ko.

"Tige kuya, tago na ako." sabi niya sabay takbo.

"Tagu taguan maliwanag ang buwan....pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo...pito, walo, siyam, sampu. Ready or not here I come!" masayang sabi ko habang hinahanap ko na si Ysay.

"Ysay I'm gonna get you!" panakot ko sa kanya.

Nalibot ko na ang buong parking area wala siya. Pumasok ako sa sala, wala siya. Pati sa kusina hanggang sa likod ng bahay wala siya.

"Ysay, asan ka?" nagaalalang tanong ko.

Napansin ako ni mommy na kanina pa paikot ikot.

"Yves, may hinahanap ka ba baby boy?" malambing na tanong ni mommy.

"Si Ysay po. Play kami hide and seek." biglang namutla si mommy.

"Dad! Yvo! Yñigo!" sigaw ni mommy at agad naman silang lumapit.

Wattpader and the WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon