MAX'S POV:
Masaya ang lahat habang magkakaharap kami na nakaupo sa isang mahabang lamesa. Maraming pagkain at nakakalasing na inumin.
"We did it guys! Cheers!" sigaw ni coach.
"Cheers!" sigaw naman naming lahat sabay taas sa bote ng alak at pinag untog untog namin ang mga ito.
"Max, ang ganda ng laro mo kanina. Halos lahat ng bato mo pasok." nakangiting sabi ni coach.
"Syempre, inspired ata tong future na bayaw ko coach." sabi ni Yves sabay akbay sa akin.
"Kaya naman pala. May inspirasyon." sabi sa akin ni coach sabay gulo sa buhok ko. Kinantiyawan tuloy ako ng mga team mates ko.
"Bro, sabay ka na sa akin mamayang pag uwi." pag yaya sa akin ni Yves.
Tinawag niya akong bro. Nagdulot ito ng kakaibang kasiyahan sa akin.
Maya maya pa ay natapos na kami sa aming celebration. Agad kaming nagtungo sa parking area at agad na sumakay sa kotse niya.
"Bro, nililigawan mo na ba si Ysay?" tanong sa akin ni Yves habang nagmamaneho.
"H-hindi pa." sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Wag kang babagal bagal." nanlolokong sabi nito. "Boto ako sa'yo bro. I got your back" sabi nito sabay tapik sa braso ko.
Nasa tapat na kami ng bahay. Tinabi na ni Yves ang sasakyan niya. "Nasa bahay lang si Ysay." sabi nito bago ako bumamba at agad namang umalis.
Maya maya may natanggap akong text message.
From: Yves
Punta ka sa bahay bukas. 9 am. Magdala ka ng flower at cake.
Nagreply ako agad.
To: Yves
Okay
*****
Kinaumagahan maaga akong gumising para mag tungo sa flower shop at sa bakeshop.
Nang makarating ako sa bahay nila, nakabukas ang gate kaya naman pumasok ako. Nakatayo ako sa harap ng pinto. Para akong napako at naestatwa sa kinatatayuan ko. Kakatok na sana ako pero bumukas ang pinto. Tinago ko tuloy ang hawak kong bouquet at cake sa likod ko.
"Ay!" gulat na sambit ni kuya Yñigo.
"Bukas po yung gate kuya kaya pumasok na ako." nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Ganon ba? Halika, pasok ka." sabi nito habang pinagmamasdan ako. "Ang pogi natin Max ha. Aakyat ba kayo ng ligaw ni Yves?" tanong nito sabay haplos sa baba niya.
Pagpasok ko nakita ko si Yves, pababa sa hagdan.
"Bro wait, tawagin ko lang si Ysay." sabi nito sabay balik sa taas.
"Si Ysay namin ang popormahan mo?!" pasigaw na tanong ni kuya Yvo, nkatayo pala siya malapit sa sala. Nako patay na. Bumulis ang tibok ng puso ko. Nanuyo ang lalamunan ko. Kaya pala ako pinagdala ng bulaklak at cake ni Yves. Panindigan ko na ito.
"Opo kuya." ang tanging mga salita na lumabas sa bibig ko.
Maya maya lumapit din ang mommy at daddy niya. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko sa sa sobrang hiya at kaba.
"Hijo, take a seat." sabi ng mommy nila sabay upo sa sofa.
"Good morning po, tito, tita." sabi ko sabay mano bago ako naupo.

BINABASA MO ANG
Wattpader and the Writer
Teen FictionMadalas happy ever after ang ending ng kwento sa mga wattpad books ng wattpader na si Ysay. At dahil sa mga nabasa niya, umaasa siya na magkakaroon siya ng mala-fairytale na lovelife. Yung may happy ever after. Magkakaroon din kaya siya ng happy ev...