Chapter 3 Amazed

6 2 0
                                    

YSAY'S POV:

"Hoy ugly duckling, bumangon ka na diyan. Malelate na ako." boses ni Kuya Yves, ang nagsisilbing alarm clock ko sa umaga.

Pagdilat ko ng mga mata ko, tiningnan ko ang oras, ala sais pasado na.

Nagmadali akong bumangon. Naligo agad at nagbihis. Iniwan kong magulo ang aking kama dahil sa pagmamadali.

Pagbaba ko, wala na si Kuya Yves.

"Umalis na ang mga kuya mo." sabi ni Manang Sana.

"Manang sa school na po ako magbbreakfast." sabi ko kay manang sabay takbo palabas ng bahay. Buti na lang may taxing dumaan kaya agad akong nakapunta sa school.

Pagpasok ko sa gate, nakabantay na si Max sa gate. Siya ang SSG President sa school.

"Bangs, anong pangalan mo?" tanong niya sa akin habang nakataas ang isang kilay.

"Classmate mo ako, di mo alam ang pangalan ko?" pagtataray ko.

"Bangs pangalan." may diin nitong sabi.

"Ysabelle Mendez" walang buhay kong sabi sabay hanap naman niya sa listahan niya.

"Kaano ano mo si Yves Mendez?" may pagtataka sa kanyang boses.

"Sino yun?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Di mo siya kilala?" dagdag na tanong nito.

"Ilang beses ka bang iniri na nanay mo, ang kulit mo!" sagot ko sa kanya habang pinapalaki ang butas ng ilong ko.

"Baka masinghot mo ako bangs. First warning mo ito ha." sabi nito habang naka kunot ang noo.

"Okay" walang buhay ko na sabi sabay takbo.

Humahangos ako na pumasok sa loob ng room. Buti na lang at wala pa ang teacher namin. Pag nagkataon masesermonan nanaman ako.

Maya maya pumasok na si Max kasabay ni Tr. Terry. Ang pinaka terrot naming teacher. Kaya ayaw kong ma late sa first period. Nagturo na ito agad di man lang bumati sa amin.

Sa wakas, break time na. Kaya dali dali akong lumabas sa room para makapag meryenda. After break vacant namin kaya may oras akong magbasa ng wattpad.

"Ysabelle." tawag sa akin ng isang lalaki.

Paglingon ko, si Max pala yun.

"Wait" sabi nito pero patuloy ako sa pagtakbo papuntang cafeteria.

Siguradong mahaba na ang pila doon. Ang laki laki ng gutom ko.

Pagdating ko sa cafeteria, buti wala pa masyadong tao. Bumili na ako ng meryenda pati na rin ng pang lunch para hindi na ako muling bumalik dito sa cafeteria.

Dumaan muna ako sa locker ko para kunin ang isang wattpad book at nag tungo sa aking secret place.

Naupo ako sa may maliit na upuan at inilapag lahat ng pinamili ko sinimulan ko nang magbasa.

"Ang galing talaga ng author na ito. Kilig na kilig ako sa mga kwento niya. Sana ako rin kiligin sa tunay na buhay." mahinang sambit ko sa aking sarili.

Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan ang author nito. Nakapagtataka na user name lang ang nakalagay. Walang ibang detalye.

"Ay sayang naman. Magpapa autograph pa naman sana ako sa kanya kung magpapa book signing siya." mahinang sambit ko.

Hindi naman sa pagmamayabang, napapirma ko na kasi sa mga sikat na author ang ilan sa mga books na gawa nila.

Simula noong grade 6 ako, nagkainterest ako sa pagbabasa ng wattpad. Mga 300+ na ang collection ko na books. Si Kuya Yvo ang madalas bumili ng wattpad books. Kasi ayaw niya na sa phone ako nagbabasa. Mas maganda daw pag sa book ako magbasa. Pero minsan sa cellphone ako nagbabasa lalao pag wala pang book na available.

Wattpader and the WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon