MAX'S POV:
Malapit na ang exams at malapit na rin ang basketball season. Struggle is real. Nabibigyan kaming mga players ng considerations pero hanggat maari, gusto kong mag attend ng klase namin. Iba pa rin kasi pag nasa loob ka ng classroom at nakikinig sa lecture ng teacher. Sabi ko sa isip ko habang nakatingin lang sa aking pagkain.
"Max, mukhang malalim ang iniisip mo a." tanong ni Steve sa akin.
"Babae ba yan dude. Sa pogi mong iyan, magugustuhan ka noon." pangaasar ni Yves sa akin sabay tapik sa balikat ko. Ako lang kasi ang hindi chickboy sa amin.
"Wala to, naisip ko lang malapit na ang basketball season." mahinang sabi ko.
"You don't have to worry. Isa ka sa pinakamagaling na basketball player dito sa school syempre next to me." pagmamayabang na sabi ni Yves.
Umiling na lang ako.
"Yves, maiba ako, anong grade level ng kapatid mo?" tanong ko sa kanya.
" Ten" tipid na sagot nito.
Pagkatapos naming kumain, dumiretso ako sa locker para kunin ang logbook ko. Tiningnan ko ang listahan ko ng mga names ng students na grade 10.
Tatlong babae ang may apelyido na Mendez. Nasa ibang sections yung dalawa. Sino kaya sa kanila ang kapatid ni Yves?
"Teka, bakit nga ba ako nagkakainterest malaman kung sino ang kapatid niya?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili.
Ibinalik ko ang log book sa aking locker at naglakad sa hallway para pumasok sa pang first period pang hapon.
Nang mapadpad ako sa tapat ng restroom na pambabae, nakarinig ako ng kalabog. Lumapit ako sa may pinto nito at dinikit ang aking tainga.
"May tao ba jan? Paki bukas naman tong pinto. May tao dito sa loob." sabi na babaeng nasa loob sabay katok ng malakas sa pinto.
Inikot ko ang door knob pero naka lock ito. Sinubukan kong banggain ang pinto para bumukas ito, pero ayaw.
"Wait lang hintayin mo ako jan. Tatawagin ko lang ang janitor para mabuksan yang pinto." sabi ko sa babaeng nalock sa loob ng CR at agad tumakbo sa room ng janitor. Buti naabutan ko siya doon na nagpapahinga.
"Manong, may na lock po sa CR ng mga girls jan malapit sa mga locker." natataranta kong sabi sa kanya.
Agad namang kinuha ni Manong janitor ang mga susi at dali dali kaming nag tungo sa CR.
Pag bukas ni Manong janitor sa pinto, agad na lumabas si Ysabelle at yumakap sa akin.
Nanginginig ang katawan niya at humihikbi siya.
"Tahan na Ysabelle." sabi ko sabay hagod sa likod niya. Pero ramdam ko na lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
"Thank you manong, ako na pong bahala sa kanya." sabi ko kay manong at agad naman siyang umalis.
Unti unti nang lumuwag ang pagkayakap ni Ysabelle sa akin hanggang sa kumalas na siya sa pagkakayakap.
"Max sorry." mahinang sambit nito pero patuloy pa rin sa pag hikbi.
"Okay ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.
Pinunasan niya ang luha niya. Pero patuloy pa rin sa pagtulo ang mga ito. Kinuha ko yung bottled water sa loob na bag ko, binuksan at binigay sa kanya.
"Inumin mo ito para mahimasmasan ka." sabi ko sabay hagod sa likod niya.
"Sorry Max, late ka na tuloy sa klase mo." mahinang sabi nito sabay unom sa tubig.
"Bakit ka ba na lock sa loob?" tanong ko sa kanya.
"Ewan ko nga. Di ko naman sinara yung main door. Pagpasok ko sa loob may mga estudyante sa loob. Tapos nung pumasok ako sa bakanteng cubicle, narinig ko na bumukas yung sa kabilang cubicle. Narinig ko nagtawanan sila. Tapos narinig ko na lang na nagsara yung pinto. Ayun pag labas ko ng cuble, binuksan ko na yung main door, di ko na maopen. May phobia pa naman ako sa close space." pagsasalaysay nito sa nangyari.
"Claustrophobia. Malamang nagpapanic attack ka kanina." may pag aalala sa aking boses.
"Oo, buti na lang agad mong nabuksan yung pinto. Medyo hirap na akong huminga kanina dahil sa takot." sabi nito sabay hinga ng malalim.
"I'll conduct an investigation. Irereport ko ito mamaya sa SSG adviser pati na rin sa grievance committee." sabi ko sa kanya. "Kamusta na ang pakiramdam mo" may pag aalala pa rin sa boses ko.
"Medyo okay na. Tara na, pasok na tayo. Baka magalit si teacher." pagyaya niya sa akin sabay hawak sa braso ko.
Ang lamig ng kamay niya. Hinawakan ko siya kanyang braso para alalayan siya sa paglakad hanggang makarating kami sa classroom.
"Good afternoon Tr. Elen. Sorry for being late. Someone locked Ysabelle in the CR." sabi ko kay Tr na mukhang worried kay Ysabelle.
Lumapit agad si Beky para alalayan si Ysabelle.
Lumapit ako kay Tr Elen. "She had panic attack awhile ago Tr. Buti na lang po nabuksan ko agad ang door." bulong ko kay Tr.
"Panic attacks can be very frightening. She might lose control, have heart attack or might die if it is severe." nag aalalang sabi nito.
"Do you want to go the clinic? Have some rest." sabi niya kay Ysabelle at bakas sa mukha nito ang pag aalala.
Umiling lang si Ysabelle sa kanya.
"Nireport mo na ba tong incident na to sa SSG adviser at sa grievance" tanong ni Tr Elen sa akin.
"Hindi pa po. Pupunta pa lang po sana ako after kong ihatid si Ysabelle dito." sagot ko.
"Punta ka na. At hindi biro ang ginawa sa kanyang pag lock sa CR. Anyway we don't tolerate such thing here in school." Seryosong sabi sa akin ni Tr. Elen.
Sinulyapan ko muna si Ysabelle bago lumabas ng room.
Medyo nagtagal kami sa guidance office. Dahil nagimbestiga na agad ang members ng grievance committee.
Pagdating ko sa gym, nag wawarm up na ang team mates ko. Dumiretso ako kay coach para magpaliwag. We value time in our team kasi.
Agad akong nag tungo sa court para makapag warm up na rin. Habang kasalukuyan ang practice lumilipad ang utak ko.
"Max" sambit ni Yves sabay pasa ng bola. Di ko ito nasalo.
"Max focus!" sigaw ni coach tapos nagpito siya at sumenyas ng time out.
"Come on dude. Focus." sabi ni Yves sa akin habang papunta kami kay coach.
"What is happening to you Clarkson? Wala ka sa focus. Break muna." pagalit na sabi ni coach
Naupo ako sa pinaka babang bahahi ng bleachers at tumabi naman sa akin si Yves.
"Dude, may problema ka ba?" nagaalalang tanong nito sa akin.
"Nag aalala lang ako kay Ysabelle. Nakulong kasi siya kanina sa CR. Buti nabuksan din agad. Nag panic attack siya." seryosong sabi ko.
Agad tumayo si Yves. Lumapit kay coach. Dinampot ang bag at tumakbo palabas ng gym. Ano kayang nangyari doon? Bakit biglang tumakbo. Nagulat din ang ibang team mates namin sa kanya. Lumapit kami kay coach.
"Coach ano pong nangyari kay Mendez? Bakit po kumaripas ng takbo? Nagtatakang tanong ni Steve.
"Mommy niya daw. Emergency. Everybody, practice na. Next week na start ng season." sabi sa amin ni coach sabay palakpak. Agad naman kaming bumalik sa court at nagpatuloy sa pagpractice.
Don't forget to vote, comment and share😊😊😊
![](https://img.wattpad.com/cover/218688918-288-k127312.jpg)
BINABASA MO ANG
Wattpader and the Writer
Teen FictionMadalas happy ever after ang ending ng kwento sa mga wattpad books ng wattpader na si Ysay. At dahil sa mga nabasa niya, umaasa siya na magkakaroon siya ng mala-fairytale na lovelife. Yung may happy ever after. Magkakaroon din kaya siya ng happy ev...