MAX'S POV:
Maaga ako nagising. Nakatulog ako na maayos kagabi dahil siguro sa pagod. Excited na akong pumasok at excited na akong makita si Ysabelle. Bakit kaya parang namimiss ko siya agad? Bakit kaya gustong gusto kong makita siya agad? Tila ba na may pagkasabik ako na nararamdaman. Hindi ko ito maipaliwananag. Basta ang alam ko masaya ako pag nakikita ko siya. Masaya ako pag kasama ko siya.
Kinuha ko ang notebook na pinagsusulatan ko ng pang limang istorya ko sa wattpad. Mas gusto ko munang isulat ito, bago magtype. Iilang chapters pa lang kasi ang napublish ko simula nung maumpisahan ko ito.
Sa chapter na ito, inilahad ko na natagpuan ko na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Kasama ko na gagawa ng mamasasayang ala ala sa bawat araw na lilipas.
Pero, tanong ko sa aking sarili kung paano ko ito magagawa? Parang wala akong lakas ng loob lumapit sa kanya. Nauutal ako sa tuwing kausap ko siya.
Nakatapos ako ng tatlong chapter. Nagsimula na rin akong magtype sa aking cellphone at pagkatapos ay pinublish ko na ito.
*****
Maaga akong nagpunta sa school. Buti na lang wala yung mga fans ko. Pag nagkataon dudumugin na naman nila ako.
Nakita ko si Ysabelle mag isang naglalakad.
"Ysabelle." tawag ko sa kanya. Huminto naman siya at kumaway sa akin sabay ngiti at lumapit sa akin.
"Max, alam mo may bagong tatlong chapters na update si seaanemone. Dumating na ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Kinikilig ako grabeeee....ramdam ko na mag kakaroon na siya ng mala fairy tale na love life. Yung may happy ending." sabi nito sabay ngiti. "Sana all." dagdag niya sabay nguso.
Agad na nagpalit ang kanyang emosyon.
"Wag ka ngang malungkot diyan. Andito naman ako." ano ba Max bakit yan ang nasabi mo sabi ko sa aking sarili.
"Ha? Anong sabi mo? Tanong niya. Buti di niya narinig yung sinabi ko.
"A..e..sabi ko wag kang malungkot. Mahahanap mo rin yung para sa iyo." sabi ko sabay ngiti. Tumango lang naman siya.
"Maiba ako, san ang punta mo? Vacant natin ngayon diba?" tanong ko sa kanya.
"Sa secret pla---" sabi niya sabay takip sa bibig niya.
"May secret place ka?" tanong ko sa kanya habang naka ngiti. As if hindi ko alam.
"Ay, di na tuloy secret Max. Pero secret pa rin. Di mo naman alam kung saan diba?" nakangiting sabi nito.
"Baka pwede mo akong isama sa secret place para dalawa na tayong nakakaalam." sabi ko sa kanya.
"E di hindi na secret yun, kasi ang secret ay hindi na secret pag may isa o higit pang nakakaalam." sabi nito sa mahinahong boses.
"Ganon ba? Sayang naman." may pagkadismaya sa boses ko.
"Pupunta ka na ba sa gym?" tanong niya.
"Hindi pa bakit? Meron pa kasi akong tatlong oras." sagot ko naman.
"Samahan mo na lang ako sa library." sabi nito sabay hawak sa braso ko. Pag hawak niya dito, tila nakadama ako ng kuryenteng dumaloy sa aking mga kamay hanggang sa aking katawan ganitong ganito ang pakiramdam nung niyakap niya ako sa room.
Hawak hawak niya pa rin ang braso ko hanggang makapunta kami sa library parang di pa rin nawawala ang kuryent dito.
Dumiretso kami sa bookshelf kung saan nakalagay ang maraming novels.
BINABASA MO ANG
Wattpader and the Writer
Roman pour AdolescentsMadalas happy ever after ang ending ng kwento sa mga wattpad books ng wattpader na si Ysay. At dahil sa mga nabasa niya, umaasa siya na magkakaroon siya ng mala-fairytale na lovelife. Yung may happy ever after. Magkakaroon din kaya siya ng happy ev...