Chapter 18 King and Queen

1 1 0
                                    

YSAY'S POV:

Kalahating oras na ata ako dito sa may CR, ayaw kong lumabas, grabe kung makatingin sa akin ang mga school mates ko. Di ko alam kung na star struck sila sa akin o ano, kaya minabuti kong mastay dito sa CR para makaiwas sa mata ng mga tao sa paligid. Pero paano naman si Max my love. Malamang nag aalala na yun. Sabi ko sa aking sarili kaya napagpasyahan ko ng lumabas na dito at magtungo sa gym.

Pagpasok ko di ko inaasahan na tatama ang spotlight sa akin. Lalo tuloy akong nahiya. Nagtinginan silang lahat sa akin. Mukhang di nila ako nakilala. Buti nakita ko agad si Max sa di kalayuan. Naktayo ito at nakatitig sa akin habang ako ay papalapit sa kanya.

Inilahad nito ang kanyang kamay at agad ko namang ibinigay ang kamay ko. Hawak kamay kaming nagpunta sa gitna ng dance floor saktong nagsimula na ang unang piece.

Habang nagsasayaw kami ni Max nakaramdam ako ng pagkailang. Hindi kay Max na kasayaw ko kundi sa mga tao sa paligid na di pa rin naiaalis ang pagtititg sa amin. Pero binali wala ko ang mga ito dahil kaharap ko ang lalaking mahal ko. Parang bumagal ang takbo ng oras habang kami ay nagsasayaw. Nakatitig kami sa isat isa na tila ba nangungusap ang aming mga mata

Pagkatapos ng tugtog, dahan dahan akong hinila ni Max papalabas ng gym para dalhin sa aming secret place. Nilagyan niya pa ng piring ang aking mga mata para sa surprise niya.

Nang tanggalin niya piring, bumungad ka skin ang secret place namin. Talagang nag effort siya. Maramimg maliliit na bumbilya na nakasabit sa lamaking puno malapit sa mesa na madalas kong upuan. May nakalatag na table cloth. May maliliit na unan dito, mga bulaklak at may maliliit na lampara sa gilid. Tamang tama ang liwanag nito para makita namin ang isat isa.

Tumatak sa puso't isip ko ang bawat salitang binitawan ni Max. "Ysabelle my love, dito sa secret place na ito tayo gagawa ng maraming masasayang ala ala."

Naka ilan na nga tayo Max, simula ng inamin mo sa akin na ikaw si seaanemone...nung araw na sinagot kita...tapos ngayon.

Akala ko din dati na ako lang ang nagpupunta sa lugar na ito para makaiwas sa mga tao. Sadyang mapaglaro ang tadhana Max, dito ka rin pala naglalagi para kahit sandali ay makatakas sa magulong mundo. At syempre para tayo ay magkatagpo.

Walang mapaglagyan ang kasiyahan na nadarama ko sa mga oras na ito. Kasama kita, ang taong mahal na mahal ko.

Nagutat ako nang bigla niya akong hinalikan. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin niya na mahal na mahal niya ako.

"Mahal na mahal din kita Max" tugon ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya para ipadama ito.

Maya maya pa'y kumalas na kami sa pagkakayakap sa isat isa.

"Dito tayo maupo" sabi niya at inalalayan niya ako upang makaupo sa table cloth na nilatang niya sa sahig.

Natawa siya nang ipakita ko ang rubber shoes na suot ko. Ayaw ko kasi itong itapak sa table cloth.

"Wag mo nang tanggalin yan." nakangiting sabi nito. Himagikgk tuloy ako.

Nanlaki ang mga mata sa sinabii niya.

"My love, higa tayo." bulong niya sa akin.

Tuningnan ko siya ng masama. Akala ko kung anong gagawin namin. Tumawa tuloy siya

"Ang dumi ng isip mo a." pang aasar na sabi niya sa akin sabay hila.

Nakahiga kaming dalawa. Nakasandal ang ulo ko sa braso niya habang marahang hinahaplos niys ang mga buhok ko.

"Ang ganda ng kalangitan my love." sambit nito.

"Oo nga my love, ang daming bituin." sagot ko.

"My love, pagnawala ako wag kang malulungkot ha. Isipin mo lang isa ako diyan sa mga bituin na iyan." sambit nito.

Tila ba may kumurot sa aking puso dahil sa sinabi niya. Naguumpisa pa lang tayong gumawa ng masasayang ala ala Max.

"My love, wag ka ngang magsalita ng ganyan. Di ka mawawala. Gagawa pa tayo ng maraming masasayang alaala na magkasma tayo." sabi ko. "Max my love, ipangako mo. Mangako tayo sa isat isa na kahit anong mangyari, walang iwanan." dagdag ko habang nangingilid ang luha sa aking mga mata.

"Ano ka ba, wag kang umiyak." nagaalalang sabi nito. "Halika nga dito." sabi niya sabay yakap sa akin.
"Hinding hindi kita iiwan my love, tandaan mo yan" sabi niya habang magkadikit ang aming mga mukha. "Mahal na mahal kita." dagdag pa niya.

"Ayan na my love, magsisimula na." sabi niya sabay turo sa kalangitan.

Nagsisimula na ang metoer shower.

"My love, make a wish!" sambit niya. Taimtim akong nanalangin na sana pagtibayin ng Poong may kapal ang ating pagmamahalan.

Maya maya pa ay bumalik na kami sa gym. Masayang nagsasayawan ang mga estudyante kaya naman nakisayaw na rin kami.

Natapos ang masayang tugtug. Biglang umakyat si Tr. Terry sa stage.

"Ladies ang gentlemen, we have a special award for tonight. King and Queen of the Night. Naglibot ang mga teachers kanina bago magstart ang social gatherin na ito. And they come up with unanimous decision.....and our King and Queen of the night is none other than Max Clarkson and Ysabelle Mendez. Come up the stage please."

Nagulat kami ng tawagin ang pangalan naming dalawa. Magkahawak kamay kaming umagyat sa stage para kunin ang aming trophie, sash at bouquet ng bulaklak. O diba parang pageant lang.

Kitang kita ko ang reaksiyong ng mga esrudyante.

"Si Ysabelle yon?"
"Si Ysabelle pala yon."
"Sabi na si Ysabelle yon"

Halos maubos ang pangalan ko sa kababanggit nila at talagang di sila makapaniwala.

Nakita ko si Kuya Yves na masayang nag cheecheer sa amin. Nasa tabi niya si Beky na sumisigaw.

"Best friend ko yan!" proud na proud na sigaw niya.

Nagpatuloy ang sayawan. Hindi naman namin sinayang ang bawat sandali para maenjoy namin ang gabing ito kasama ang aming mga kaibigan.

Mayroon na naman kaming maitatala sa aming aming istorya tungkol sa aming buhay pag ibig.

Tulad nga ng sinabi ko Max, nagsisimula pa lang tayo.

Don't forget to vote, comment and share😊😊😊

Wattpader and the WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon