Chapter 17 Starry Night

3 1 0
                                    

A/N: Malapit ng mag end ang story na ito. Few chapters na lang po at matatapos na. I hope nagustuhan niyo itong Wattpader ang the Writer. Nagbabalak akong gumawa ng sequel nitong story na ito, ilalagay ko na lang yung title sa last part pag nakaisip na ako. Happy reading!!!

Typo errors ahead.

MAX'S POV:

Nakatayo ako malapit sa entrance ng gym para makita ang bawat taong pumapasok dito. Ilang munuto na akong nakatayo sa pwesto ko, naghihintay sa kanyang pagdating.

Maya maya pumasok na si Yves at patungo sa kinatatayuan ko

"Pogi bro!" naka ngiting sabi nito sabay ayos sa kwelyo ng polo ko.

"Si Ysabelle?" tanong ko sa kanya.

"Anjan na, papasok na." sagot niya na may ngiti pa rin sa kanyang mga labi.

Marami ng nag sidatingan, malapit na kasing mag simula pero di parin pumapasok si Ysabelle.

Ilang minuto pa ang nakalipas, natatanaw ko na si Beky, kahit na may katabaan ito, kayang kaya niyang dalhing ang cocktail dress niya. At naka high heels pa ito.

"Max!" sambit nito sabay kaway.

"Si Ysabelle?" tanong ko sa kanya.

"Nag CR lang." sabi nito. "Tara doon na tayo." yaya niya sa amin.

"Mauna na kayo." sagot ko. "Antayin ko lang si Ysabelle" dagdag ko at agad namang nagtungo sa mga tables na naka set para sa aming mga juniors at seniors.

Ang tagal dumating ni Ysabelle. Nagsimula ng magsalita ang Emcee para sa social gathering na ito pero di pa dumaading si Ysabelle.

Nagsimula na ang na ang short program wala pa rin siya. Dinukot ko ang aking cellphone dahil nag aalala na ako, di naman niya sinasagot ang tawag ko.

Patapos na ang short program at magsisimula na ang dance proper. Lalabas na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

Nabuhayan ako ng loob ng makita kong papasok si Ysabelle. Bagay na bagay sa kanya ang simple pero eleganteng long gown. Saktong tumama ang spotlight sa kanya. Nagsilingunan ang mga tao sa loob ng gym at gulat na gulat sa kanilang nakita.

"Sino yan?" halos pare pareho sila ng tanong. Hindi nila kilala kung sino itong babaeng naglalakad patungo sa direksiyon ko. Siya lang naman ang babaeng gusto kong makasama pang habang buhay.

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at inabot naman niya ang kamay niya. Saktong magsisimula na ang unang sayaw. Naglakad kami na magkahawak kamay sa dance floor.

Nang makarating kami s gitna, nagtitinginan pa rin ang mga tao sa amin. Tila ba nagtatanong ang kanilang mga mata kung sino ang babaeng sinasayaw ko.

Siya ang pinaka magadang babae sa aking mga mata. Inilagay ko ang dalawang kamay niya sa aking balikat at inilagay ko naman ang aking kamay sa kanyang beywang.

Titig na titig ang mga mata namin sa isat isa. Nangungusap ang mga ito. Parang bumagal ang pagkilos ng mga tao sa paligid. Hanggang sa tila ba kami langdalawa ang nasa loob ng gym.

Pinalibot ko ang mga kamay ko sa kanyang beywang para lalo siyang lumapit sa akin. At pinalibot naman niya ang kanyang mga kamay sa aking batok. Dinig na dinig ko ang lakas ng kabog sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng aking puso pero ang bagal ng takbo ng oras. Ang sarap sulitin ng bawat segundo habang nakatingin lang sa isat isa.

Nang matapos ang unang sayaw, nilibot ko ang aking paningin. Nakatingin pa rin sa aming dalawa ang mga tao sa paligid. Hinawakan ko ang kamay niya at dahan dahan siyang hinatak palabas ng gym. Ramdam ko na di siya komportable sa loob lalo at pinagtitinginan kami ng mga tao.

Wattpader and the WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon