A/N: Typo errors ahead.
YSAY'S POV:
Hindi pa rin matanggal sa isip ko ang nangyari sa amin kanina.
Si Max pala si seaanemone, ang writer sa wattpad na nagpapakilig sa akin. Hindi ko lubos maisip na pakikiligin niya pala ako sa totoong buhay.
Paulit-ulit na nag pplay sa utak ko ang sinabi niyang "Sa iyo kasi nakasalalay Ysabelle ang happy ending ng story ko." kaya pala ilang buwan na yung story di pa natatapos.
Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya Max. Gustong gusto kong gumawa ng masasayang memories kasama ka.
Habang muling binabalikan ang mga nangyari kanina biglang may kumatok sa pinto.
"Come in." sabi ko. Niluwal naman ng pinto sina mommy at daddy.
Naupo sila sa gilid ng kama ko.
"We heard a good news from your Kuya Yves." nakangiting sabi ni daddy.
"Yes dad. Sinagot ko na po si Max." Nahihiyang sabi ko kay dad.
"Baby no more." sambit ni daddy sabay akbay sa akin.
"Anak...." sabi ni mommy na tila ba ayaw lumabas ng mga salitang gusto niyang sabihin.
"Mom, dad." sabi ko sabay hawak sa mga kamay nila. "Thank you for trusting me and thank you kasi alam kong andiyan kayo parati para supportahan ako sa lahat. Napaka swerte ko sa inyo and to my siblings who always got my back. Don't worry mom, dad. We will not cross beyond our limits." sabi ko sa kanila habang nakangiti.
"Oh, Ysay." sabi ni mommy sabay yakap sa akin. Ginulo naman ni daddy ang buhok ko.
"Anak, what time tayo pupunta sa parlor?" pag iiba ni mommy sa usapan.
"Mom, pupunta si Beky dito mamaya. Siya na pang magaayos sa akin." nakangiting sabi ko.
"Okay, ikaw ang bahala." sabi nito sabay tayo. Tumayo na rin si daddy at sabay silang lumabas ng kwarto ko.
*****
Maya maya may kumatok sa kwarto ko.
"Ysay, si Beky nasa baba na." sigaw ni Kuya Yves.
"Okay kuya, lalabas na." sabi ko.
Nadatnan ko si Beky nakaupo sa sofa ay umiinom ng juice.
"Hi best." nakangiting bati ko sa kanya.
"Meryenda." alok nito.
"Busog pa ako." sagot ko.
"Himala!" nang aasar na sambit niya.
Nagtawanan kaming dalawa. Alam niyang malakas ako kumain, yun lang di ako tumataba. May alaga ata ako sa butika ko.
"Doon na lang tayo sa kwarto ko ha. May gusto ka pa ba? Magpapaakyat ako kay manang." sabi ko.
"May donut ba kayo?" seryosong tanong nito.
"Oo." sagot ko sabay ngiti.
Mukhang nasiyahan si Beky sa sagot ko. Madalas nag uuwi ki Kuya Yvo ng donut, pasalubong sa akin.
Nagtungo ako sa kusina para sabihin kay manang sana na magakyat ng donut sa krawto at dagdagan na rin ng cake at ice cream. Para ganahan si Beky sa pag ayos sa akin. Umakyat na kami sa kwarto.
"Beky, ito ang remote. Pili ka na kang ng channel na gusto mo. Connected din yan sa wifi kung gusto mong manood ng kdrama. Maliligo lang ako." sabi ko sabay abot ng remote sa kanya.
Pagkatapos kong maligo, tutok na tutok si Beky sa pinapanood. Kinuha ko ang blower para patuyuin ang buhok ko.
"Anong pinapanood mo best?" tanong ko.
"Descendants..." sagot nito at hindi maialis ang tingin sa tv.
"Tuyo na tong buhok ko best" sabi ko sa kanya.
"Paki patay na tong tv, nakaka addict kasi tong kdrama. Baka di kita maayusan niyan" sabi nito sabay abot ng remote sa akin.
Pinatay ko na ang tv at naupo na ako sa harap ng salamin. Inilabas naman na ni Beky ang kanyang mga make up at isa isa itong nilapag sa mesa.
Sinimulan na ni Beky ang pagmake up sa akin. Inabot din ito ng ilang minuto. Maya maya buhok ko naman ang inayos niya.
"Okay last na to, pikit" sabi niya sabay pusit sit ng kung ano sa mukha ko. "Tingnan mo na itsura mo sa salamin." sabi nito.
"Wow, best ako ba to?" sambit ko. Di ako makapaniwala sa nakikita ko sa salamin.
"Magic touch by Beky." pagmamayabang nito.
"Thanks best." pagpapasalamat ko na hanggang ngayon di pa rin makapaniwala sa itsura ko.
"Magbihis ka na. Mag aayos lang ako sandali." sabi nito at nagsimula na ring mag ayos ng sarili.
Ang galing talagang magake up ni Beky, ilang minuto lang tapos agad.
"Wow best, ang galing mo talaga." namangha talaga ako sa ginawa niya.
Nagbihis na rin siya. Kahit na may katabaan siya kering keri niya. Ang galing niyang magdala. Inilabas niya ang heels niya, wow 5 inches.
"Di ka ba mahihirapan diyan?" tanong ko.
"Kering keri ko to best. Mababa pa nga ito e." sabi niya sabay flip sa buhok niya.
Tinaas niya ang gown na suot ko.
"Bakit ka naka rubber?" nanlaki ang mga mata nito.
"Shhhh...wag kang maingay di naman halata na chucks ang suot ko diba? Natatakpan naman ng mahabang gown ko." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Sabagay." sabi nito sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
"Let's go" yaya nito.
"Mauna ka na, kukunin ko lang yung sling bag ko." sagi ko sa kanya.
*****
Habang pababa ako, naririnig ko na maraming boses sa ibaba. Mukhang masaya silang nagkukwentuhan.
"Wow!" sambit ni Kuya Yvo na siya namang nakaagaw ng pansin nilang lahat at sabay sabay na tumingi sa akin.
Kitang kita ko ang pagkamangha sa kanilang mga mukha.
"Nice Beky, yung ugly duckling namin nag transform na sa isang beautiful swan." pang aasar ni Kuya Yves.
"Magic touch by Beky." pagmamalaki ko sa kanila.
"Punta na kayo." sabi ni daddy na mas mukhang excited pa sa amin.
"Wait, picturan ko lang tong dalawang baby ko." sabi ni mommy sabay dukot ng cellphone niya sa kanyang bulsa.
Umayos kaming dalawa ni Kuya Yves. Kagalang galang ang dating. At sabrang bango. Para siyang naligo ng isang boteng pabango.
"Say cheese!" sabi ni mommy.
"Cheese" sabi naman namin ni kuya. Nakailang picture din kami bago lumabas ng bahay.
Don't forget to vote, comment and share😊😊😊
BINABASA MO ANG
Wattpader and the Writer
Roman pour AdolescentsMadalas happy ever after ang ending ng kwento sa mga wattpad books ng wattpader na si Ysay. At dahil sa mga nabasa niya, umaasa siya na magkakaroon siya ng mala-fairytale na lovelife. Yung may happy ever after. Magkakaroon din kaya siya ng happy ev...