Chapter 9 Reveal

8 3 0
                                    

MAX'S POV:

Malayo pa lang ako sa gate ng school, dinig na dinig ko na ang tilian ng mga babae. May hawak silang banner.

WE LOVE YOU MAX ang naka print sa mga banner na hawak nila.

Nang papalapit na ako sa kanila pinalibutan nila ako. Grabe gigil na gigil ang mga babaeng ito.

Halos mabingi ako sa tili nila.

Hila dito, hila doon. Picture dito, picture doon. Ang gulo gulo. Nahihilo na ako.

Biglang may pumito. Nagtinginan kami sa direksiyon kung saan galing ang tunog.

"Max takbo!" sigaw ng guard. Agad naman akong kumilos para di mahabol ng mga fans ko.

Imbes na sa gym ang punta ko, dito ako dumiretso sa likurang bahagi ng school. Mamaya pang alas tres ang practice. Dito muna ako. Wala kasing nagpupunta dito.

Pumasok ako sa gitna ng kakahuyan. Para kasing gubat dito sa likod ng school. Napatigil ako ng may nakita akong babaeng nakaupo sa paboritong upuan ko.

"Sino kaya yon?" mahinang sambit ko. Dahan dahan akong naglakad para lumatip ng kaunti. Nagtago ako sa isang malaking puno.

"Si Ysabelle." sabi ko sabay hawak sa bibig ko.

Tutok na tutok siya sa kanyang cellphone. Ano kaya ang tinitingnan niya doon? Nanonood kaya siya ng KDrama? May ka video call kaya siya? Ang daming tanong sa isip ko.

Ang sarap niyang pagmasdan. Kilig na kilig siya. Tumitili at pumapadyak. Pero di naman tumitigil sa pag kain.

"Oh my...ang daming pagkain sa harap niya." grabe makakain niya kaya lahat ng iyon? Muling tanong ko sa sarili.

Siguro matagal na siyang nagtatambay dito. Maalala ko dito niya ata napulot ang notebook ko.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi lang bola ang kaya kong hawakan. Kaya ko ring humawak ng pluma at kumatha ng istorya na tiyak kikiligin ka. Isa akong manunulat sa wattpad. Di ko lubos akalain na magugustuhan ng mga mambabasa ang aking mga ginawang kwento. Karamihan sa mga sinulat ko ay kabaligtaran ng love life na meron ako. Hindi ko pa naranasang magkaroon ng girlfriend pero ironic diba, nakakagawa ako ng storyang kakikiligan ang kahit sino man ang bumasa.

Meron na nga akong apat na libo. Published na lahat pero mas gusto ko ilihim sa ang tunay kong pagkatao. Tanging username lang ang gamit ko. Seaanemone. Paborito ko kasi yung isdang nawawala na nahanap ng isang isdang makakalimutin.

Sa pamamagitan ng pag sulat, naihahayag ko ang gusto kong mangyari sana sa buhay pagibig ko kung sakaling magkaroon ako. Pero parang di pa ata naipapanganak ang babaeng para sa akin. O baka naman nasa harap ko na pero di ko lang makita.

Maya maya napansin ko na nakatitig si Ysabelle sa kanyang pagkain. Parang di makapaniwala na ubos na ito.

Binuksan niya ang kanyang bag at muling nag labas ng isang paper bag. Inilabas niya rito ang mga pagkain na nakalagay sa palstic wear. Pagkatapos buksan ang mga ito nagpatuloy siya sa pagtingin sa kanyang cell phone. Napahawak siya sa kanyang labi. Mayat maya kitang kita ko ang pagtulo ng luha niya sa ibabang bahagi ng pisngi niya.

Mukhang nadadala siya sa binabasa o pinapanood niya. Hindi ko pa rin tinatanggal ang mga mata ko sa pagkatitig sa kanya. Kitang kita ko ang bawak kilos. Ang pagkakilig, pagpadyak at pag kain niya. Subo, sige subo pa. Ang takaw niya.

Binaba niya ang cellphone niya sabay tingin sa relo niya. Hinawi niya ang buhok niya. At tinanggal ang salamin niya at pinunasan ang mga ito.

Sa unang pagkakataon ngayon ko lang nakita ang mukha niya. "Wow" ang tanging salitang nasambit ko.

Wattpader and the WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon