Chapter 8 Game 1

5 2 0
                                    

A/N: Just want to say that the characters, places and events in this story are fictitious. Any resemblance to any person, place or event is coincidence.

Typo errors ahead.

MAX'S POV:

Excited na ako sa unang laro namin. East Valley High ang unang school na makakalaban namin. Balita ko magagaling ang mga players ng school na iyon. Sana makayanan namin at mapagtagumpayan ang bawat laban.

Habang papasok ako sa school, ramdam ko na excited din ang mga tao sa paligid. May mga hawak na banner. Puti at pulang mahahabang balloon. Nakikita ko rin ang ibang naka suot ng t-shirt na may tatak na EVH, mga supporters ng kabilang kopunan.

Napadaan ako sa kumpulan ng mga kababaihan. Nabaling ang atensiyon nila sa akin. Bigla silang nagsigawan at dinumog nila ako.

"Max papicture!"
"Max pahug"
"Aaaaa!!!"
"Nakakakilig!"
"Ang pogi mo papa Max!"
"I'm single!"

Nagsisigawan silang lahat at di magkanda ugaga sa pagkuha ng picture. Feeling ko artista ako.

Napansin ko si Ysabelle na nakamasid lang sa amin sa di kalayuan. Kinawayan ko siya. At ngumiti naman ito.

Grabe para akong mahuhubaran sa mga babaeng ito. Saklolo kailanhan ko ng tulong! Solid din kasi tong mga fans ko.

"Hi girls!" sigaw ni Steve.

Nagsitigil ang mga babae sa pagtili. Natatawa ako sa expressions ng mga mukha nila. Para silang nalugi ng tig iisang milyon. Ang iba, laglag ang panga dahil sa pagkadismaya.

"Girls! Ayun si Papa Yves! Sugod!" sabi ng isa sa kanila at agad naman silang nagtakbuhan.

Napansin ko si Yves na kumaripas ng takbo nang makita niyang papalapit na ang mga kababaihan sa kanya.

"Anong problema ng mga babaeng iyon Max? Hindi ba sila napopogian sa akin?" nagtatakang tanong ni Steve.

"Dude, tara na sa locker room. May salamin doon. Masasagot nun ang katanungan mo." nakangising sabi ko kay Steve na hanggang ngayon takang taka pa rin.

Habang nasa loob kami ng locker room, dinig na dinig namin ang dagundong ng hiyawan ng mga tao. Ilang minuto na lang magsisimula na ang laro.

Naririnig ko na nagsasalita na ang announcer. Sinenyasan na kami ni coach. Lumapit kami sa isat isa. Nagkumpulan. Pinaharap ang kamay pinagpatong patong.

Nagsambit kami ng maikling panalangin para sa kaligtasan ng bawat isa sa amin.

"Anderson High!" sigaw ni coach
"Go! Fight! Win!" sigaw naming lahat.

Isa isa ng tinawag ang mga pangalan namin. Malakas ang hiyawan.

"....jersey number 8, Jerome Marquez. Jersey number 15, Max Clarkson.

Dinig na dinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao sa loob ng gym habang tumatakbo papalabas ng locker room.

"And the team captain, Jersey number 1, Yves Mendez! Pagka sabi ng announcer, lalong lumakas ang hiyawan. Parang magigiba na ang gym sa magkakahalong tunog sa loob.

Nagwarm up na ang mag kabilang kopunan. Kailangan naming galingan ang larong ito, mayroon lang kaming isang pagkakataon, single elimination kasi. Sana manalo kami.

Pumito na ang referee. Nagtungo na ang first five ng bawat kopunan sa gitna. Ako ang shooting guard sa team. Sana magampanan ko ng husto ang role ko.

"Prrrrrrrrrrrrrtttttttttt!" sabay tapon ng referee sa bola sa ere. Napunta sa akin ang bola. Unang pagkakataon kong mag shoot.

"Yes, three points." walang lugar ang kasiyahang nadarama ko, pasok ang unang bato ko.

Wattpader and the WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon