MAX'S POV:
Maaga pa lang, nakatayo na ako sa may gate ng school. Inaantay kong dumating si Ysabelle. Sobrang miss ko na siya agad kahit nung sabado ay magkasama lang kami.
Maya maya, dumating na siya. Nasilayan ko ang matatamis na ngiti sa kanyang labi. Kinawayan ko siya at lumapit naman siya sa kinatatayuan ko.
"Hi" lang ang tanging salitang lumabas sa bunganga ko. Hi my love sana ang gusto kong sabihin pero tila ba nanuyo ang lalamunan ko.
"Hi" sagot naman niya at di pa rin nabubura ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. "Magtatagal k a pa ba dito Max?" mahinahong tanong niya.
"Oo, my lo-- Ysabelle." nahihiyang sabi ko. "Ako kasi ang naka assign na magbantay sa gate." dagdag ko. Kung alam mo lang gusto kitang sabayan sa paglakad papuntang room.
"Ganon ba? Mauna na ako Max. Bye." sabi nito sabay kaway at tumalikod.
"Bye my love!" sambit ko.
Lumingon siya at huminto sa paglakad.
"Bye too, my love" may lambing sa boses niya na siya namang ikinakilig ko. Agad naman siya tumalikod at tumakbo. Ibag sabihin kaya noon sinasagot na niya ako? Tanong ko sa aking sarili.
Pagpasok ko ng room, nakaupo siya sa kanyang upuan, nagbabasa. Hindi niya napansin ang pagpasok ko. Pagupo ko, lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Max, kakaiba ang kislap ng mga mata natin ah" pang aasar ni Beky. "Mukhang inlove ka Max ah." dagdag pa nito. Sobrang obvious ba. Di ko kasi maitago, tinamaan talaga ako e.
"Oo Beky, tinamaan ito ni kupido." sabi ko sabay turo sa puso ko.
"Ayeeeee"
"So cheeessseee"
Kantiaw ng mga classmates namin. Napansin ko na napakagat si Ysabelle sa babang bahagi ng kanyang bibig.Maya maya pumasok na ang teacher namin.
"What's the noise all about?" nagtatakang tanong nito.
"Love is in the air!" pasigaw na sagot ni Beky.
"Malayo pa ang araw ng mga puso. Mag aral muna kayo." pangaral naman ng aming teacher.
Biglang may pumasok na studyante sa pinto.
"Good morning teacher, may urgent meeting daw po kayo. Punta na daw po kayo sa conference room now na." sabi nito. Agad agad namang umalis ang teacher namin. Mukhang nataranta si teacher di man lang nag iwan ng gagawin namin. Mukhang importante ang pag mimitingan nila.
"Ysabelle, pinabibigay pala ito ni seaanemone sa'yo" sabi ko sabay abot nang maliit na papel.
Nanlaki ang mga mata nito sa habang binabasa ang nakasulat sa maliit na papel.
"Max, excited na ako." sabi nito na tila ba kinikilig.
Break time na. Napansin ko na agad lumabas si Ysabelle. Gutom na ata kaya nagmamadaling lumabas. Pagpunta ko sa cafeteria di ko siya nakita doon. Asan na kaya si my love? Tanong ko sa sarili ko.
Nagtungo ako sa likod na bahagi ng school. Nakita ko sin Ysabelle nakaupo sa kanyang secret place. I mean sa aming secret place. Nakatalikod ito kaya hindi niya ako napansin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Tinakpan ko ang mga mata niya.
"Seaanemone, ikaw ba yan?" mahinang tanong nito.
Iniba ko ang boses ko.
"Oo. Ako nga ito Ysabelle." sabi ko.
Bago ako magpakilala sa'yo hingi sana ako ng tawad." dag dag ko habang nakatakip pa rin sa mga mata niya."Ha?" nagtatakang tanong nito.
"Sorry kasi unang una, naglihim ako sa iyo." malungkot ang boses ko pero di pa rin niya nahahalata na ako lang ito, si Max.
"Ano bang pinagsasabi mo. Di kita maintindihan." nagtataka pa rin siya sa mga pinagsasabi ko.
"Pangalawa, sorry kasi mukhang hindi ko matatapos ang pang limang librong sinusulat ko." mahinahong sabi ko.
"Bakit? Di talaga kita gets seaanemone." may pagkairita na sa kanyang boses.
"Sa iyo kasi nakasalalay Ysabelle ang happy ending ng story ko." sabi ko sabay tanggal ng kamay ko sa pagkakatakip ng kamay niya.
Napansin ko na tinanggal niya ang kanyang salamin at hinawi ang bangs niya. At dahan dahang umikot. Nanlaki ang mga mata niya at laglag ang panga niya ng makita niya ako.
Nagtagal ng ilang segundo ang katahimikan sa paligid.
"M-Max, ikaw?" mahinang sabi nito.
Tumango ako at inabot sa kanya ang apat pang notebook na katulad nung napulot niya.
"Ako nga Ysabelle. Sorry di ko agad nasabi sa iyo." sabi ko sabay yuko
Kinuha niya ang apat na notebook at inilapag sa mesa. Hinawakan niya ang aking baba, at dahan dahan itong inangat.
"Alam mo bang napaka swerte ko?" mahinahing sambit nito. "Napakaswerte ko kasi sa milyon milyon na followers mo, ako lang Max.....ako lang ang nakaka kilala sayo." sabi nito sabay yakap sa akin.
"Salamat Max...." halos pabulong na sabi nito. " Hindi ko maipapangako na matatapos natin kaagad ang pang limang libro mo, baka abutin natin ang dulo ng walang hanggan." sabi nito at lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
Sinuklian ko siya ng isang mahigpit na yakap na puno ng pagmamahal.
"Oh...Max" sambit nito.
"Ysabelle" sabi ko sabay hawak sa magkabilang pisngi niya. "Mahal na mahal kita." Titig na titig ang aming mga mata na tila ba nangungusap ang mga ito.
"Max, mahal din kita." mahinahon ang kanyang pagsabi habang nakatitig pa rin sa aking mga mata.
Nagtagal pa ng ilang segundo ang aming pagtititigan. Tanging tibok lang ng aming mga puso at paghinga ang aking naririnig. Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang muha hanggang sa nagdikit ang aming mga noo at mga ilong. Pinikit ko ang aking mga mata at ganon din siya. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Naglapat ang aming mga labi at lalong humigpit ang pagkakayakap sa isat isa.
"I love you, Ysabelle." halos pabulong na sabi ko.
"I love you too, Max." sabi nito at isinandal ang kanyang ulo sa aking dibdib.
*****
Pagtingin ko sa aking relo, halos lunch time na.
"My love, kain tayo sa cafeteria" yaya ko kay Ysabelle.
Tumango lang siya at ngumiti.
Sabay kaming naglakad papuntang cafeteria. Gustong gusto kong hawakan ang kamay niya para HHWW pero di ko ginawa. Bawal kasi PDA (Public Display of Affection) dito sa campus. And I am the SSG president, dapat role model ako.
Pagpasok namin sa cafeteria, nakita ko sila Yves, kasama ang team mates namin nakaupo sa favorite spot namin. Kinawayaan ako ni Troy, napalingon naman ang iba naming team mates.
"Woooaahh...may chicks si Max." sigaw ni Jerome na siya namang nakaagaw ng atensiyon ng mga tao sa loob. Umalingawngaw ang bulungan ng mga chismosa sa paligid.
"Ysay, what's the meaning of this?" nangaasar na tanong ni Yves.
"Kami na kuya" walang kagatol-gatol na wika niya.
Pumalakpak ang tainga ko sa narinig ko. Talagang hindi siya nahihiyang ipagsigawan sa buong mundo na kami na.
Lumaki ang ngiti sa bibig ni Yves.
"Congrats bro! Dapat i celebrate natin yan" masayang sabi nito. "Kain na!" dagdag pa nito.
Dumoble naman ang alingawngaw sa paligid.
Don't forget to vote, comment and share😊😊😊

BINABASA MO ANG
Wattpader and the Writer
TeenfikceMadalas happy ever after ang ending ng kwento sa mga wattpad books ng wattpader na si Ysay. At dahil sa mga nabasa niya, umaasa siya na magkakaroon siya ng mala-fairytale na lovelife. Yung may happy ever after. Magkakaroon din kaya siya ng happy ev...