"Quianna, gumising kana! Mag mangan tan!". Gising sakin ni nanang.
"Opo nang!" sabi ko nalang.
Bumangon na ako sa kama ko at dinaluhan si nanang kumain.
"Ay apo diyos aya Quianna! Sabi ko naman maaga ka magising dahil sasamahan ka na ni Erold mag enroll sa school nyo! Pag igihan mo basang ha, nang malayo ang marating mo." sermon saakin ng nanang ko.
Sobrang bait ng nanang ko. Inalagaan niya ako at pinalaki ng maayos. Hindi niya kami pinabayaan ni Qlein. Kahit na maagang nawala ang papang namin ay nakaya niya parin kaming itawid.
"Wen nanang ah! Mag aaral ako at dadalin kita sa ibang bansa! Kayong dalawa ni Qlein, tatandaan mo yan!"
Ngumiti na lamang si nanang ko saakin.
Naligo ako at nagbihis marahil ako ay mag eenroll na, sa susunod na linggo na ang aming pasukan at kailangan ko na rin mamili ng mga gamit. Wala akong problema sa gastusin dahil isa akong skolar sa paaralan sa bayan ng Santa Catalina.
Nagbihis ako ng pantalon at isang tshirt na sakto lang saakin. May design itong paru paro sa gitna, Kulay asul din ito kaya maganda.
Tumawag na saakin si Erold at sinabi na nanjaan na siya sa labas namin.
Bumaba na ako at sinalubong si Erold. Bago iyon nagpaalaam muna ako sa nanang ko.
"Nanang! Apan nakon! Mag ingat kayo dito ha! Dadaan muna ako ng bayan upang makabili ng mga gamit, makakabalik ako bago mag alas sais nang!" paalam ko.
"Osige Quianna Mag iingat kayo ha! Umuwi bago mag alas siyete!" sigaw ng nanang ko na naglilinis ng bigas.
Lumabas na ako at sinalubong si Erold. Tumingin ako sa cellphone ko dahil may nag text saakin.
Ada:
Quin, nakapag enroll kana ba? Sinabay na ako ni Andre dahil kinita niya ako sa may bayan.
Binasa ko yung text ni Ada bago lumapit kay Erold.
"Goodmorning Quin, Sinong ka text mo? I told you to throw that phone and accept my gift for you." Pag rereklamo niya saakin.
"Si Ada nagtatanong lang saakin. Ay nako Erold wag na, hindi ko matatanggap ang ibinibigay mo. Ayos na ako sa cellphone ko at hindi pa naman napaglulumaan e." sabi ko na lang sakaniya.
Napairap na lamang siya at sumakay kami sa raptor niya.
Matagal na kaming mag kaibigan ni Erold, at matagal niya nadin akong gustong ligawan ngunit hindi ako nagpa unlak. Dahil mas gusto kong makatapos muna ng pag aaral at maibigay kila nanang ang lahat.
Isa siyang anak ng isa sa mga mayayaman dito sa Santa Catalina. Kaya rin hindi ko gusto na maging nobyo siya dahil mas mahalaga ang pagkakaibigan namin at ayaw kong isipin ng tao na pera lamang ang habol ko sakaniya.
Nag drive na siya papunta sa Northridge Colleges. Yun ang pangalan ng aming paaralan.
Nakarating kami sa paaralan namin at pumunta sa admin ng school.
Nag enroll ako sa admin at sinabi kong 3rd year na ako sa kursong pagdodoktor.
Hinintay ko matapos si Erold mag enroll dahil pasasabay din kaming bibili ng gamit sa bayan.
"Tapos kana agad Quin?" tanong sakin ni Erold ng makalabas siya ng admin office.
"Ah e oo, ikaw na lang ang inaantay ko." Sagot ko sa kaniya.
Pagtapos namin mag enroll namili kami ng mga gamit para sa aming kurso at kumain saglit ng meryenda sa bayan. Bumili siya ng tatlong empanada.
Dalawa saakin at isa sakaniya.
"Alam na alam mo na Erold ah!" Bati ko sakaniya habang tumatawa.
"Tss." sabi niya at inirapan na lamang ako.
Tinawanan ko na lamang siya at kinain na ang pagkain na binili niya para saakin.
Hindi rin nagtagal lumubog na ang araw at kailangan na naming umuwi, Binilihan ko rin ng empanada si nanang at Qlein.
Hinatid niya na ako at nagpaalam na siya saakin.
Pagka baba ko ng sasakyan nya ay sinalubong agad ako ng kapatid kong Qlein. Na pitong taong gulang pa lamang.
"Manang!" sigaw niya at tumakbo papalapit saakin.
Niyakap niya ako at niyakap ko siya pabalik saka hinalikan sa pisngi
"Hi Qlein! Nagpakabait ka ba kay nanang?." tanong ko sakaniya.
Tumango siya at ngumiti lang saakin.
Inilabas ko ang empanada at iniabot sakaniya.
"Ito ang uwi sayo ng ate oh. Empanada! ang paburito natin dalawa." maligayang sambit ko sa kapatid ko.
"Sige at pumasok kana, ibigay mo kay nanang ang isa ha." sabi ko at hinarap si Erold sa likod ko.
"Pasok ka muna." alok ko.
"Hindi na Quianna, hinahanap na rin ako ng Dad ko." sabi niya.
Tumango na lamang ako sakaniya at ngumiti.
Bago siya sumakay ay sinabihan ko siya na mag iingat siya.
Ngumiti na lamang siya saakin.
Nang makaalis si Erold ay dumeretso na ako sa bahay.
Si Qlein ay nakaupo sa salas at si nanang naman ay naghahanda ng hapunan, pasado medya na ng alas sais.
"Oh andyan kana pala Quin! Oh siya maghanda na at tayo'y kakain na!" sabi ng nanang.
"Siya nga pala Quianna, iyan bang si Erold ay nililigawan ka?" tanong niya saakin.
"Hindi ako nagpaligaw nang, wala pa sa bokabularyo ko iyon, at saka kaibigan ko lang siya nanang." sabi ko
"Aba bakit basang? wala namang masama kay Erold." sagot ni nanang
Ang buong akala ko ay pag babawalan niya ako mag nobyo marahil ako ay nag aaral pa.
"Aba Quianna malapit ka ng mag 19, pupwede naman na iyon!" sibat niya
"Hay nako nang, ayoko, sige na mag hain na tayo." sabi ko at ngumiti.
Tinulungan ko maghanda si nanang at kumain na kami, kinain niya rin ang dala ko sakaniya na empanada.
Pagkatapos kumain ay nagpag desisyunan kong maligo lamang ng katawan at magsuot ng pantulog.
Kalaunan ng maayos na ang lahat at nakatulog na ang nanang ko at si Qlein, pumunta na ako sa silid ko at natulog na.
*********
mangan tan - kakain na tayo /lets eat
apan nakon - aalis na ako / im going
wen - oo/ yes
BINABASA MO ANG
Dancing in the Rain
RomansaZebin Series 1: Quianna Mari Zebin "She's my rainbow in every storm" -Ruan