Dalawang araw na makalipas ang kaarawan ni Ruan. Hindi ko alam kung bakit ganun ang ginawa niya, imbis na ako o kami ang susurpresa sakaniya ay ako pa ang kanyang sinurpresa.
Dalawang araw na kami hindi nag uusap ni Ruan dahil simula nung araw na yon ay nag iba ang pakiramdam ko sakaniya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Hindi ko ito mawari at ayokong mag assume lang dahil don sa araw na yon. Dalawang araw ko ng iniiwasan si Ruan.
Balik klase na ulit ako ngayon at isang subject nalang muli bago mag lunch at di parin mawala sa isip ko ang nangyare noong araw na yun.
Tumawa siya sa mga tanong ko at saka sa sinabi ko at nagsalita. "It is special 'cause you are here. Your smile made it more special for me Quianna."
Nagulat ako sa sinabi niya na yun. Hindi ko alam ang sasabihin kaya ngumiti na lamang ako sakaniya at hindi pinahalata na nagulat ako. Maya maya naman ay biglang narinig kong tinatawag ni Ada ang pangalan ko. Andito pala sila, Aba syempre kaibigan nga pala ni Andre si Ruan.
"You stay with Ada first okay? I'll just go to my manila friends." sambit niya saakin sa malambing na tono at ngumiti rin siya. Napatango naman agad ako sa sinabi niya. Medyo hindi ko rin alam kung saan ako papanig dahil sa sinabi nya. Lumapit nalang ako sa gawi nila Ada at mukhang napansin naman ni Ada na balisa ako. Ngunit hindi nalang siya nag tanong dahil alam naman na niya na ayoko itong pag usapan.
"I'll go get you something to drink" pag p prisinta ni Andre. Tumango nalang ako sakaniya at hindi nagreklamo, buong akala ko ay hindi ako tatanungin ni Ada ngunit mali pala ako. Saktong pag alis ni Andre lang ay nagsalita kaagad siya.
"Anong problema bff? Bat parang dika masaya?" tanong niya saakin at lumingon naman ako sakaniya.
"Huh? walang problema Ada! Ayos lang ako ano kaba." sabi ko sa maligayang boses. Pero halata sa mukha nya na hindi ko siya nakumbinsi.
"Nako Quianna, Hindi mo ako madadala sa mga ganyan ganyan mo. Are you bothered?" tinitigan ko lang siya ng sabihin niya ang huling pangungusap na iyon.
Bothered saan?? Bakit ko naman mararamdaman yun? Bothered nga ba ako??
"Here's your cocktail Quin." biglang sulpot ni Andre sa gilid ko. Nakita ko namang sinamaan siya ng tingin ni Ada. "I'll go get you two some snacks hehe." biglang paalam muli niya.
Matagal ang katahimikan na bumalot saamin ni Ada.
"Bakit niya kelangan maging ganon ang trato saakin?"
"Sa wakas nagsalita ka din Quin!" Ada's voice sounded relieved. "Paanong ganun?" habol naman ni Ada.
"Yung ganito. He became nice to me." malungkot kong sabi. "Alam mong ayaw ko ng ganun diba? Kasi iniisip ko palagi na baka may kapalit sila na hingiin saakin o kaya naman may kapalit na hingin ang tadhana saakin Ada." habol kong sabi.
Umakbay saakin si Ada at kinuha saakin ang drink na binigay sakin ni Andre at nilapag sa mesa na malapit saamin.
"Bakit ba na bobother ka?" tanong niya saakin.
"Eh diba nga ayaw ko nga ng ganon? Paulit ulit naman tayo Ada. Unli kaba?" pangungutya ko sakaniya.
"I mean oo alam ko na ganun ka pero lahat ng tao mabait sayo! At alam ko namang nagbago kana at hindi ka na ganun so don't use that excuse in me girl. Hindi mo ako mauuto jan." sabi naman niya. Eh anong ibig sabihin niya doon? Na may iba akong nararamdaman? Para saan nga ba itong mga to? Eh hindi ba para sakaniya?

BINABASA MO ANG
Dancing in the Rain
RomanceZebin Series 1: Quianna Mari Zebin "She's my rainbow in every storm" -Ruan