19

4 1 0
                                    

Hindi ako mapakali at naghahanap ako ng tamang sasabihin ngayon. Pabalik na kami sa kila Ada. Bigla nalang siyang tumahimik kanina nung kumakain kami at nagmadali talaga siyang umalis. Ewan ko ba ang moody niya ngayon. Malapit na rin naman kami, pamilyar na saakin ang dinadaanan namin.


"Okay ka lang?" di ko na napigilang magsalita dahil hindi ko rin gusto ang katahimikan na nakapaloob samin. 


Napalingon naman siya saakin. Nagulat ako dahil maamo na ang mukha niya ngayon ng lumingon siya saakin. 


"Yes, sorry i was quiet." pag hingi niya ng paumanhin.


"Bakit ka ba natahimik?" hindi nanaman napigilan ang bibig ni Quianna Mari.


"May naisip lang." sabi niya at ngumiti. Bumalik na ang tingin niya sa road.


Napatango nalang ako at ngumuso. Hindi na ako muli nagsalita at humarap nalang sa labas.



"YOU go in first, I'll just call someone." sabi niya saakin ng makababa kami at napansin niyang hihintayin ko siya. Bakit ko nga ba siya hinihintay?? Baliw nanaman ako. 


Pumasok na ako ng tuluyan. Sumalubong naman ang mga maid nila Ada saakin. 


"Ma'am tumawag po si Ma'am Adelaine kanina. Hinahanap po kayo. Hindi daw po pala kayo ma kontak ma'am" Sabi nung isa sa mga sumalubong saakin. 


"Ah sige po ate salamat." sabi ko sakaniya. Tatawagan ko nalang si Ada, pero nagtatampo parin ako. Niyaya din nila akong mag dinner pero sabi ko ay kumain na ako. Umakyat ako para kuhain ang phone ko sa kwarto ni Ada at bumalik na din sa ma salas. Dito nalang muna ako siguro magpapalipas ng oras. Busy ako sa pagbabasa ng mga texts ni Ada saakin kaya nagulat ako ng bigla nalang sumulpot si Ruan sa likod ko.


"Ikaw ah may ka text ka na ah? tapos sakin minsanan ka lang mag reply." May halong pagtatampo sa kaniyang boses. Tumaas naman ang dalawang kilay ko sa sinabi niya.Mula sa likod ko ay puwesto naman siya sa tabi k kaya naman ibinaba ko ang paa kong nakataas at umupo ng maayos. 


"Si Ada ito ano ka ba. Nahimigan niya atang nagtatampo ako marahil hindi sila uuwi ngayon kaya siguro tinadtad ako ng text at mga tawag." sabi ko at iwinagayway ko pa ang phone ko sakaniya. Napatawa naman siya dahil sa pag wagayway ko nito.


"Andre texted me." Napatunganga pa ako sa kaniya ng sabhihin niya ito. Inaanay ko talagang sabihin niya kung ano ang sinabi sakaniya ni Andre.


"He said that they will stay in Vigan overnight." Lalo naman bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya saakin.


"Alam ko na yan eh." ngumuso ako at inalis sakaniya ang tingin. Binalingan ko nalang ngayon ang phone ko at kung ano ang kinalikot doon para kunyreng may pinag kakaabalahan. Hindi ko na muli tinignan si Ruan pero panay ang tikhim niya kaya't napaharap naman ako sa kaniya.


"Makati ba ang lalamunan mo?" Nag aalalang tanong ko sakaniya.


Dancing in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon