We were both quiet as we headed to Ada's house. Nagsalita lang siya nang makarating kami sa bahay ni Ada.
"Nagpunta ang mom mo sa Manila, She said she will take care some personal stuffs there, so hindi na ako nag tanong. And yes binilin ka niya saakin. Bantayan daw kita and you'll be staying here at Ada's in the next 3 days." tuloy tuloy niyang sabi saakin. Nagtaka ako dahil bakit hindi sinabi saakin ni nanang lahat yun, at bakit hindi niya ako tinawagan man lang? Higit sa lahat bakit niya ako iniwan?
"Eh bakit nila ako iniwan?" sabi ko sa malungkot at mahinang boses. Nalulungkot talaga ako. Hindi ko alam kung ibubuhos ko ba ang luha ko na nagbabadya ng tumulo o magpapakatatag ako sa harap ni Ruan. Pero nakakahiya naman kung dito ako sa harap niya mag iiyak na parang bata. Tumingin nalang ako sa may bintana para matanaw ang mga dinadaanan namin at nanahimik. Hindi na rin naman nagsalita si Ruan, mabuti nga yon walang madaldal.
Hindi ko parin talaga maiwasan na mag alala para sakanila, alam ko namang may alam si nanang sa Maynila pero Maynila parin yun! Sa kakaisip ko sakanila ay hindi ko na malayan na pumatak na pala ang mga luha ko. Agad ko naman din iyong pinunsan at suminghot singhot pako.
"Quin."
"Hmm?" sabi ko at humarap na sakaniya. Pagkaharap ko sakaniya ay nakita ko kaagad ang kanyang maamong mukha.
"I'm sorry." sabi niya at lumingon na saakin, habang nagmamaneho.
"For what?"
"Ang sungit ko?" he said unsurely. Agad naman akong natawa at inialis ang tingin ko sakaniya. Ganun din ang ginawa niya, binalik ang tingin sa daanan at ngumiti, Pinagpatuloy niya rin ang kanyang pagmamaneho at nanahimik. Hindi ko naman kasi pinansin ang pag susungit niya saakin. Wala rin naman siyang ginawang masama kaya't pinabayaan ko nalang yun.
" I thought she's not joining us bro?" pang aasar ni Andre ng makapasok kami sa living room ng bahay nila Ada. Nanonood na sila ng movie ng madatnan namin ni Ruan. Nakahanap naman agad ako ng maliit na unan kaya ibinato ko yun sa mukha ni Andre. Agad naman siyang nakaiwas at binelatan ako. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Ruan.
Tumingin ako kay Ada na nakatingin na din saakin ngayon habang nakangiti. "I am starting to hate this man Ada." sabi ko sakaniya at itinuro si Andre. He just laughed at me. I rolled my eyes at him and sat beside Ada. Sa kanyang kanan. Si Ruan naman ay umupo sa tabi ni Andre na tumatawa parin. Pabiro namang sinapak ni Ruan si Andre sa braso.
"Stop teasing my baby, Andre!" sabi niya ng bahagyang pasigaw.
"Ooohhh ghorl that was smooth!" Andre said and raised his right hand to give Ruan a high five. Ada giggled beside me. Siniko siko niya pa ako. Sa gulat ko ay napatingin ako kay Ruan, sakto namang nakatingin din siya saakin kaya't bigla niya akong kinindatan. Pinanlakihan ko naman siya ng mata at inirapan. He just gave me a low chuckle and turned his gaze on the television.
"Lets watch horror!" Suggestion ni Ada ng matapos namin ang unang palabas na pinanood namin. Maganda ang una naming pinanood dahil ang genre niya ay RomCom kaya nagustuhan ko. Hindi naman ako masyado nakakapanood ng ganon dahil bihira lang kaming manood ng sine at bumili ng mga tapes. Nakakapanood lang ako ng ganon dito madalas kila Ada.
"Sure!!" excited kong sabi. Isa rin sa mga gusto ko ang horror, hindi naman ako masyadong natatakot sa mga ganon kaya okay lang saakin.
Nagsimulang mamili si Ada ng horror na palabas at nagulat nalang ako ng biglang tumayo si Ruan at tinungo ang daan papunta sa storage room kumuha ng apat unan nila Ada at tumabi saakin. Nilagay niya ang isa sa gitna namin at dalawa naman sa kanyang gilid, at ang isa ay yakap yakap niya. Habang ginagawa niya yon ay pinapanood lang naming tatlo iyon.
"Ruan what the fuck..??" Andre said with a laughing voice. Siniko naman ito ni Ada at biglang natahimik.
"A-anong ginagawa mo..?" Ada asked also. She was literally confused.
"We're gonna watch a horror movie right?" Nang sabihin niya yon ay lahat kami ay naglabas ng malakas na tawa. Sumimangot naman ang mukha ni Ruan.
"What?! Why the fuck are you laughing Andre?" Si Andre lang ang sinabihan niya pero sinamaan niya ako ng tingin. Lalo lang akong natawa doon. " I just need many pillows to survive a horror movie!" sabi niya na sanhi nanaman ng malakas naming pagtawa.
"Give me that!" Inagaw naman ni Andre na parang bata ang remote kay Ada at siya na ang namili ng horror movie sa netflix. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang ganitong side ni Ruan.
I kept staring at him while he was finding a movie to watch. Ada and Andre's laugh subsided seconds after Ruan snatched the remote control in Ada's hands. Naririnig kong may ikinukwento si Ada sa kanyang nobyo ng tuluyan paring namimili si Ruan ng palabas. Hindi na pumalag ang dalawa sakaniya dahil nga sa inakto niya kanina. Kaya't siya nalang ang namili ng palabas.
"Stop staring at me, i might melt baby." Sabi ni Ruan ng bigla siyang humarap at mahuli akong nakatitig sakaniya. Mabuti nalang at may unan sa gitna namin at hindi ganun kalapit ang mga mukha namin. I saw his lip rose from its normal position. I was shocked to i immediately turned my stare at the television in front of us.
I heard a low chuckle, and i guess i'm not the one who heard it, dahil biglang nagsalita si Andre.
"Ang tagal mo naman pumili pare, Are you really that scared?" Tanong ni Andre sa seryosong boses ngunit mapanutyang ekspresyon ng mukha.
"Are you gonna shut your mouth or I'm gonna skin you alive?" Inis na inis na sagot naman ni Ruan ng humarap siya kay Andre. Tumawa si Andre at may ibinulong kay Ada. Tumuloy naman si Ruan sa paghahanap ng mapapanood.
Tumayo naman ako para kumuha pa ng chips sa kusina ng mapansin kong wala na pala kaming makakain habang nanonood.Napatingin din ako sa orasan at sakto malapit na palang magdinner. Tumungo na ako sa kanilang kusina at makita ko naman ang maid ni Ada na nagluluto na.
"Hi Ate Melda!"
"Oh Andyan ka pala Quianna." bati niya saakin at nilingon ako. Binigyan ko naman siya ng ngiti. "May kailangan ka ba?" tanong niya saakin. Agad ko namang itinuro ang chips sa may counter top at tinungo iyon. Isinalin ko iyon sa container na dala ko, Akmang lalapit sana saakin si ate Melda ng biglang may tumawag sa kanyang phone. Sinenyasan ko naman siyang sagutin nalang iyon at ako na ang bahala dito.
Matapos kong lagyan ng refill ang mga container na dala ko ay nagtungo ako sa ref para kumuha ng maiinom. Pili ko doon ang strawberry yogurt drink, kumuha ako ng dalawa para saakin at isang malaking bote ng Softdrinks para sakanilang tatlo. Sigurado namang hindi ko mabubuhat ang lahat ng iyon ng isahan kaya hinanap ko ang tray na madalas naming ginagamit ni Ada. Nakita ko iyon sa loob ng kitchen cabinet pero masyado itong mataas. Sinubukan iyong abutin, tumingkayad pa amo ngunit hindi ko talaga iyon abot.
i screamed a little when i felt someone held my waist and lifted me, hindi ko alam ang gagawin ko ng mga panahon na yon lalo naman ng mapagtanto ko na si Ruan pala ang may gawa nun. Madali lang para sakaniya ang itaas ako gamit ang mga kamay niya dahil maliit lang akong babae kumpara sa tangkad niya at magaan lang naman ako.
"Are you still gonna get the tray or not? My arms are getting tired baby."
____________________________________________________________________
Sinulat ko to ng madaling araw HAHHAAHHA since hindi ako makatulog and mas nakakapag isip ako ng magandang scene kapag madaling araw. Enjoy Reading!!

BINABASA MO ANG
Dancing in the Rain
RomanceZebin Series 1: Quianna Mari Zebin "She's my rainbow in every storm" -Ruan