"Ruan!" gulat kong sabi nang mapagtanto kong andito talaga siya.
"Hi." maikling bati niya saakin.
Ngumiti nalang ako sakaniya dahil hindi ko alam ang gagawin ko! Ngayong wala si Ada ay hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko!
"Nasaan na ba si Ada." bulong ko sa sarili ko.
"There were actually looking for you, Sabi ko ako nalang ang maghahanap sayo dahil masikip at madaming tao. And then i found you here." sabi niya saakin ng marinig niya ang bulong ko.
Lumingon ako muli sakaniya at ngumiti.
"Ah eh nasaan nga ba sila?" tanong ko sakaniya.
"Nandoon sila sa likod. Hindi na sila makasingit rito e" sagot naman niya muli saakin.
Napatango tango nalang ako sakaniya habang naghahanap ako ng salitang pwedeng sabihin sakaniya.
"Uh tapusin nalang natin itong huling sumasayaw at puntahan na natin sila Ada doon." sabi ko at sabay turo ko sa likod.
"Okay." maikling sagot ni Ruan saakin. Hindi parin inaalis ang titig niya saakin.
Nako Lord tulungan niyo po ako!!
Inalis ko ang tingin sakaniya at humarap sa mga nagsasayaw sa stage.
Hindi parin ako mapakali dahil sa tingin ni Ruan saakin. Hindi parin niya inaalis ito saakin!
Nako kelan ba matatapos ang pagsasayaw sayaw nila rito!
"Gusto mo na bang umalis dito?" tanong ni Ruan saakin.
Bakit naman nya natanong yun? Nahalata na ba niya na nahihiya ako sakaniya??
Teka bat ba ako nahihiya sakaniya! Eh nung nagkita naman kami noon hindi naman ako nahihiya sakaniya!
Ano ba tong mga iniisip ko!
"Uy Quianna." he chuckled. "You're spacing out again." sabi niya sabay sa pagtawa.
"Ay! Hindi mamaya na. Tapusin na natin ito, huli naman na ata e." sabi ko sakaniya at ngumiti.
"Okay po." sagot niya saakin ng pang aasar at sinamahan niya pa ng tawa.
Sinimangutan ko siya at siniko.
"Bat mo ba ako tinatawanan." pag susungit ko sakaniya.
Iniling niya ang ulo niya at pinalig ito sa mga nagsasayaw pero tumatawa pa rin siya ngunit mahina lang ito.
"Hmp sige tawa ka lang." nakasimangot parin ako.
Humarap na ako sa mga nagsasayaw at pinanood sila.Hindi ko na pinansin ang pagtawa ni Ruan.
After 5 minutes natapos na rin ang pagsasayaw nila. Madaming transitions ang nangyare pero maganda parin ang kinalabasan ng mga sayaw nila.
Nang matapos ang sayaw nila, nagsi alisan na ang mga tao sa plaza.
Gusto ko ng umalis kaya nakisabay ako sa mga tao na maglakad palabas ng plaza. Ngunit biglang may pumigil saakin at hinawakan ako sa kamay.
"Its too crowded. Lets just stay for awhile, palabasin muna natin sila." sabi ni Ruan.
Bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming kamay. Agad kong binawi ang kamay ko at sumang ayon nalang. Ngunit hindi niya binitawan ang kamay ko.
Ayaw niyang makipag sabayan sa mga tao dahil marami ito at masyadong siksikan.
Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Hayaan mo muna silang umalis. Kapag kakaunti nalang saka tayo lumabas okay?" malambing na sambit niya.
Tumango nalang ako dahil wala naman akong magagawa.
Muntik na akong masubsob dahil sa lakas ng pagkabangga saakin ng mga dumadaan mula sa likod namin.
Buti nalang mahigpit ang hawak saakin ni Ruan at nasalo niya ako kung hindi bagok na ang ulo ko dito!!
"Hey can you watch where you're going!" sigaw ni Ruan sa lalaking naka bangga saakin.
"Hayaan mo na." sabi ko kay Ruan at sinusubukan bawiin sakaniya ang kamay ko.
"No do not let go of my hand." mariin niyang sabi at hinila na ako papunta sa gilid ng plaza dahil doon ang mas onting tao. Ngayon kasi ay nasa gitna kami.
Napatianoid nalang ako at napasunod sakaniya dahil mas onti nga ang tao roon at mas maganda maghintay na maubos ang tao roon.
Hindi rin naman nagtagal ay kumonti na ang tao doon at pwede na kaming lumabas.
"Tara na uy, kakaunti nalang oh. Mainit na dito e" yaya ko sakaniya sa pag labas.
"Are you sure? Mamaya mabangga ka nanaman jan oh!" sabi niya saakin.
Natawa ako sakaniya. "Hindi na ako mababangga jan! Konti na ang tao oh. Halika na!" paghihila ko sakaniya.
Suminangot siya pero sumunod din siya saakin. Nang sumunod siya saakin ay binitawan ko na ang kanyang braso dahil nahiya ako bigla. Hindi ko na siya nilingon dahil alam ko naman na nasa likod ko lang siya.
Nang makita ko na ang labas ng plaza mas lalo kong binilisan ang lakad ko dahil gustong gusto ko nang makita sila Ada.
Kinuha ko ang phone ko para matawagan ko si Ada. Ni dial ko ang number ni Ada sa phone ko at nag ring iyon.
"Quianna!" tawag sa pangalan ko pero hindi ko makita kung na saan ang tumatawag saakin.
May humawak ulit sa kamay ko! Aba namumuro na to kakahawak ng kamay ko ah! Hinila ako ni Ruan papunta sa kabilang banda.
"Andon sila oh!" sabi saakin ni Ruan at tinuro niya banda sa malapit kung saan naka park ang sasakyan nila Ada.
Nakita ko si Ada doon at kumaway siya saakin.
Hindi binitawan ni Ruan ang kamay ko hanggang sa makarating kami kila Ada.
"Iniwan niyo ako roon!" simangot ko kay Ada.
Tumawa lang si Ada saakin at bumaba ang tingin nilang magjowa sa magkahawak na kamay namin ni Ruan.
Sinubukan kong bawiin ang kamay ko kaya lang ayaw niya talagang bitawan!!
May magnet ba kamay niya saakin! Ano bang meron sa kamay ko at gustong gusto na hinahawakan!
"Ohh you found her dude!" malisyosong sabi ni Andre
Nagtawanan sila mag jowa at lalo akong sumimangot.
Sa gitna ng tawanan nila ay biglang nagsalita si Ruan.
Tumingin siya saakin at sinabing "Yes, i found her, finally..."

BINABASA MO ANG
Dancing in the Rain
RomanceZebin Series 1: Quianna Mari Zebin "She's my rainbow in every storm" -Ruan