He smiled when i said that i love the rain.
"Me too." ang sagot niya.
Hindi na niya dinugtungan ang kanyang sinabi kaya hindi na ako nagtanong.
Nanahimik kami ng dalawang minuto pag katapos non ay may tumawag sakaniya.
Sinagot niya ito.
"Hello Dre" sabi niya.
Sino kaya iyon?
"[Hello man! Where the hell are you? Man ang lakas ng ulan!]" rinig kong sabi ng kausap niya dahil ini loudspeaker niya ito.
Si Andre pala.
"Hey man I am with Quianna, sa may sari sari store, We dont have an umbrella so hindi pa kami makakaalis rito!" sagot niya.
"[Okay man tell me how far that store is I 'm gonna pick you up.]" sagot naman ni Andre.
Sinabi ni Ruan kung kaninong tindahan yun at kung gaano kalayo yun mula sa bahay, hindi naman ito kalauyan mga limang bahay lang ang agwat nito.
Pero hindi talaga kami makatakbo dahil sobrang lakas nito at baka may madulas pa saamin.
Wala pang limang minuto ay dumating na si Andre. May dala siyang dalawang payong. Isa sakaniya at yung isa iniabot niya kay Ruan.
Lumingon naman saakin si Ruan.
"You should use this." pag aalok niya saakin nung payong.
"Eh paano ka? mababasa ka rin!" pag tataas ko ng boses sakaniya.
"Im fine Quianna just use that already." kalmado niyang utos.
"Ayoko. Gagamitin natin to parehas," patapos kong sabi.
Binuksan ko na ang payong at humakbang paharap ng kaunti papalapit sa kotse ni Andre.
Lumingon ako sakaniya, halata mo ang gulat sa mukha niya.
"Iiwan na ba kita jan o sasama ka?" tinaasan ko siya ng kilay.
Humakbang rin siya at kinuha ang payong dahil hindi siya kasya. Siya na rin ang humawak ng payong. Pinasakay niya ko sa passenger seat.
"Man you can seat here". turo ni Andre sa shot gun seat "Mas mahirap mag linis ng basa sa likod." nahihiyang sabi niya at saka kumamot ng ulo.
Napangiti ako doon.
"Tss asshole." sabi ni Ruan sakaniya.
Tumawa nalang si Andre sa sinabi ni Ruan.
Hindi naman ako gaano basa, ang buhok ko lang at ang balikat ko.
Nang makarating ako sa bahay agad akong sinabihan ni nanang na bigyan ng tuwalya si Ruan.
Napansin ko ang oras at mag aalas syiete na pala!
Umakyat ako at kumuha ng tuwalya para mabigay kay Ruan.
"Uh maligo ka may cr doon." turo ko malapit sa kusina.
"I dont have a spare clothes." sabi niya at nagkibit balikat.
"Man i got you." singit ni Andre sa gilid at kumindat pa.
"Kukuhain ko nalang sa sasakyan at iaabot sayo sa cr man, Sige na at baka magkasakit kapa dude!" sabi ni Andre at bumalik sa pag gawa ng plates niya.
Pumasok na si Ruan at naligo na.
Nako hindi ko na natulungan si Andre sa plates niya!
"Uy Andre sorry ah! Hindi na kita natulungan jan." sabi ko sakaniya.

BINABASA MO ANG
Dancing in the Rain
RomanceZebin Series 1: Quianna Mari Zebin "She's my rainbow in every storm" -Ruan