18

5 0 0
                                    

"What?! Bakit hindi mo siya pinayagan!" pagalit na sabi saakin ni Ada. Ikinuwento ko ang sakaniya nangyare kagabi. Ang pag amin at pag halik saakin ni Ruan.


"Hindi ko alam." nag aalangang sagot ko.


"Are you crazy? That's Ruan Cascante bff! Ruan Cascante!" ulit niya sa pangalan ni Ruan. Hindi ko alam kung bakit niya binanggit yun.


Si Ada pa lang ang kausap ko ngayon dahil tulog pa ang iba pa niyang kaibigan. Kahit papaano ay nagkukwento rin ako sakanila at ganun din sila saakin. Dito ako natulog sa kwarto ni Ada dahil sa apat lang ng kasya sa guestroom na tinuluyan ng apat na dalaga. Ang mga lalaki naman ay sa kabilang guestroom natulog ng sama sama.


"What if he's only drunk! Kaya niya nasabi yon?" naguguluhang sabi ko sa kaibigan ko.


"Alam mo for a smart girl, you're dumb." makahulugang sabi ni Ada. Natawa ako ng bahagya. Wala naman talaga akong alam. At malay mo lasing lang talaga siya nun kaya niya sinabi yun.


Tinignan lang niya ako, maya maya ay nag aya na din siyang lumabas ng kwarto niya para makakain na kami sa baba.


Masaya kaming pumunta sa hapag kainan, nakita ko na nandoon na pala ang mga kaibigan ni Ada at mukhang kaming anim na dalaga na lamang ang hinihintay na bumaba.


"Oh ayan na pala sila e!" Nagagalak na sabi ni Rico. Tumayo siya at nagsandok ng kanin, hinampas naman bigla ni Kenji ang kamay niya.


"Napaka pg talaga neto, Umupo ka nga jan!" tinignan siya ng masama ni Kenji pag katapos sungitan. Si Rico naman ay biglang umupo at sumimangot. Ipinaikot  ko naman ang tingin ko sa mga binata na nakaupo sa hapag, tila ba mayroon akong hinahanap,


"Upo kana bff." doon natauhan ako at napatigil sa paghahanap ko sakaniya. Umupo nalang ako sa tabi ng kaibigan ko at hinintay bumaba ang iba pang dalaga na nasa taas. 


Hindi din naman nagtagal ay bumaba na sila at nag umpisa na kaming kumain, Habang kumakain ako ay hindi pa rin ako mapakali. Tila bang may hinahanap na presensya ang katawan ko.


Natapos na kaming kumain. At mukhang may pinaplano na pag gala ang mga kaibigan namin. Oo kaibigan na ang turing ko sakanila. Ang bilis no ?


"Why don't we go to Calle Crisologo? I've never been there tsaka nasa Ilocos na tayo! Lets enjoy this weekend vacay!" suhestyon ni Daria. Nandito na kami ngayon sa living room area nila Ada.

Ang iba naman ay nagtanguan, si Yukev at Marcus ay tumutol.

"I want join, pero nakakapagod mag drive." sabi ni Yukev. Nagtaas naman ng kamay si Marcus at tinuro si Yukev, sumasang ayon sa sinabi ng binata. Medyo malayo nga ang Calle Crisologo dito saamin. Sa Vigan pa kasi yun e.


"Uhh we have drivers naman...." sabi ni Ada sa nahihiyang boses.

"Oh no girl, Hindi tayo mag papadrive no. Eh di kung ayaw nila mag drive, maiwan sila. Marami naman satin ang marunong mag maneho, including us girl." masungit na usal ni Daria at inirapan ang dalawang nagrereklamo.


Dancing in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon