14

3 0 0
                                    

"Ano ba lubayan mo nga ako! Ang kulit naman!" sabi ko sa naka buntot na kabute saakin habang tinatahak ko ang daan papunta sa parking lot ng school. Kanina pako iniiwasan ni Ada e, dalawang araw na din ang nakalipas simula ng mag walk out siya saakin. Miss ko na bestfriend ko. Sumimangot naman ako ng maalala un.

"Tutulungan nga kita mag explain kay Ada e." sabi niya habang nakabuntot pa ren saakin. Iritado naman akong humarap sakaniya at nagsalita.

"Ano ngang gagawin mo aber????"

"Akong bahala sayo! I gotchu." sabi niya saakin at nag flying kiss bago tumakbo palabas. Ang gago na to! Bakit ba buntot ng buntot to! Diko na nga alam kung paano ako makakatakas dito sa kabute na to no!

Pag dating ko sa may parking lot ay nandun na silang tatlo, nagtatawanan. Nakita ako ni Ruan at itinuro, napaharap naman saakin si Ada at Andre. Nagulat ako ng ngumiti si Ada saakin at kumaway. Anong ginawa niya sa kaibigan ko? Totoo ang ngiti ni Ada saakin kaya ako nagtataka.

"Hi bff!" bati saakin ni Ada. Nag alangan ako kaya tumingin ako kay Ruan. Kumindat naman sakin ang kabute na to. Ano kayang sinabi niya rito?

Lumingkis bigla saakin si Ada at tinuloy ang pakikipag tawanan sa dalawang lalaki. Anong hindi ko nalalaman?

Hindi rin naman nagtagal nakasabay na rin ako sa pinag uusapan nila at nakitawa na rin. Uwian na din at nagbabalak na gumala ang tatlong ito.

"Ay nako hard pass ako jan. Madadali nanaman ako sa nanay ko." pag iling ko sakanila. Binawi ko naman ang kamay ko na hawak parin ni Ada para makawala ako sakanila. At saka baka sabihin ni nanang na puro gala ang inaatupag ko ng magsimula ang sem na ito.

"Hindi yann!! Sabi nga Tita Qleid mag enjoy ka daw e." epal nanaman ni Ruan, ngumingiti ngiti pa ang siraulo. Sa una hindi ako naniwala pero tumango tango si Ada at saka si Andre.

"Hoy!! Ano nanamang pang uuto ginawa nyo sa nanay ko!" pang aaway ko sakanila. Mamaya isipin na ni nanang na gala ako at nababarkada! Ayokong ganun ang isipin ni nanang sa mga kaibigan ko no!

"I called tita Qleid earlier, I asked her permission if we can stay at my house after our class." sabi naman ni Ada. "Sa house lang naman so Tita said yes agad so no worries bff!" nagagalak niya pang sabi.

Ano bang klaseng pang uuto nanaman sinabi netong mga to sa nanay ko! Talaga naman oh!

"Ay nako. Bahala kayo sa mga buhay nyo, basta ako mag aaral! Malapit na ang exam natin oh!" sabi ko at nag tangkang umalis na.

Napansin ko silang lahat ay natahimik. Di nila ako madadala sa kakaganto nila bahala sila. Basta ako uuwi.

Hindi na nila ako muling kinulit, nag offer pa nga si Ruan na ihatid ako e. Aba dapat lang! Siya tong ayaw ibalik yung susi ng motor ko. Parang siraulo e!

"Oh pano pare? We're going na. See you at Ada's okay?" sabi ni Andre kay Ruan habang pasakay ng sasakyan silang dalawa ni Ada. Pasakay na din kami ng sasakyan ni Ruan. Nakabusangot pa nga siya.

"Hindi ka talaga sasama Quin?" tanong nya pa. Bumelat naman ako sakaniya at umiling.

"Damot naman." mahina niyang sabi na sanhi ng pagtawa ko ng malakas. Nang napalingon naman ako sakaniya nakita kong mayroong maliit na ngiti sa kanyang mga labi.

"Tara na nga! ang dami mong sinasabi jan." sabi ko sakaniya, may tawa paring nakatakas sa bibig ko.

Pinaandar nya na ang sasakyan niya at lumabas na ng campus parking lot. Nauna sila Andre lumabas saamin. Binusinahan siya ni Andre at ganon din ang ginawa niya kay Andre. Matutulog nalang ako siguro pag dating ko ng bahay. Palusot ko lang naman yung mag aral e, syempre nextweek pa ako mag aaral matagal tagal pa naman ang exam ano! Ayoko lang talagang sumama dahil baka anong isipin ni nanang at baka anong ka baliwan gawin neto ni Ruan e.

Habang nagmamaneho si Ruan papunta sa bahay namin ay may tumawag sakaniya. Nagkatinginan naman kami, tumingin agad ako sa bintana para kahit papaano ay mayroon siyang privacy kahit na nasa iisang sasakyan kami. Sinagot niya ang phone niya. Habang ako tahimik paring nakatingin sa labas.

"No. Wala ako sa Manila. You dont have to know where the hell I am. Stay out of my life! Its my business not yours!" sunod sunod niyang sabi. Nagulat naman ako ng marinig kong ibinato niyang ang cellphone niya sa passenger's seat, Napatingin naman ako sakaniya agad. Nakita ko na hindi siya ang Ruan na usual kong nakikita,  nag iba ang kanyang aura, diretso ang tingin sa kalsada ko at mahigpit ang pag kakahawak niya sa manibela. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya't nanahimik nalang ako. Natakot den ako na baka mabulyawan ako pag kinausap ko pa,, Ako pa mapagbuntungan nako.

Hindi rin naman nagtagal, nakarating din naman kami sa bahay namin. Inalis ko ang seatbelt ko at bumaba na. Sumilay sa mukha ko ang pag tataka ng ganon din ang ginawa ni Ruan. Lumipat siya sa pwesto ko kanina (shotgun) pero hindi naman siya pumasok sa loob, sumandal lang siya, tinignan nya muna ako bago kinuha ang phone sa bulsa. Ngumiti naman ako sakaniya at tumango. Senyas ko na pwede na siyang umalis. Nang tumalikod ako ay tuluyan niya ng ibinaling sarili sa pag ce cellphone. Sinusian ko naman ang gate namin at pumasok na sa loob, kinuha ko ang isa pang susi para dito sa isa pa naming gate. Wooden door, papasok ito mismo sa loob ng bahay.

Teka? bat nga ba naka lock ang pinto na ito? E hindi naman ito ni lolock ni nanang ah?? Sinusian ko din ang pinto ngunit ayaw bumukas. Ibig sabihin naka lock ang mga lock sa loob, mukhang nilock ito sa loob at sa likod pa ng bahay dumaan. Humarap ako sa gawi ni Ruan. Natanaw ko siya na nandoon parin at hindi pa nakakaalis, nakita ko rin ang bakas ng pag tawa sa mukha niya. Siraulo ata to e? Pag katapos magsungit kanina tatawa tawa? Naglakad ako papunta sakaniya ng sumuko ako sa pag bukas ng pintuan namin sa bahay. Bakit nga ba naka lock iyon! Habang papunta ako kay Ruan ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si nanang. Nang idial ko ang number niya ay bigla naman itong nag busy tone, kasabay ng pag kapunta ko kay Ruan.

"Oh paano? Aalis na ako ha?" paalam ni Ruan ng sakto nakadating ako sa gawi niya. Nataranta naman ako bigla dahil hindi ko alam ang gagawin ko bat naka lock ang bahay namin! Paano ako makakapasok niyan!

"T-teka sandali!" pigil ko kay Ruan na pasakay na dapat ng sasakyan niya. Tuloy naman siya sa pag bukas ng kanyang sasakyan kaya hinawakan ko ang kanyang pala pulsuhan. Hinarap

"Eh kelangan ko nang pumunta doon?" sabi niya habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa pulsohan niya. Binitawan ko naman agad yun ng makasigurado na hindi muna siya sasakay sa sasakyan niya.

"Paano ako?" sabi ko sa maliit na boses at saka yumuko.

"What about you?"

"Wala akong kasama e!" sabi ko at humarap na sakaniya. Nakita kong natatawa siya kaya sumimangot naman ang mukha ko.

  "Bahala ka nga. Sige na alis kana, aantayin kona sila nanang dito" sabi ko at nagtangkang lumapit muli sa gate namin.

Hinawakan niya naman ako sa braso para mapigilan sa paglalakad. Bigla rin naging seryoso ang hitsura niya. "Hindi ko hahayaan na mamuti ang mga mata mo kakaantay sakanila, Sumakay kana, ibinilin ka saakin ni Tita Qleid." tapos at pirmi niyang sabi. Hindi niya ko binitawan, Iginaya niya ako papunta sa may shotgun seat at pinagbuksan ng pinto.

I was left there dumbfounded.

Dancing in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon