5

21 2 0
                                    

Hindi ko talaga alam kung bakit ganun nalang ang epekto kay nanang nung makilala niya ang mga magulang ni Ruan.

Pag kagising na pagka gising ko yun agad ang pumasok sa isip ko.

Sabado ngayon ngunit may klase pa rin ako. Dalawang oras lang naman iyon kaya ayos lang din. Simula 1 hanggang 3

Si Ada ngayon ay walang pasok kaya ako lang mag isa ang papasok.

Ito ang mga dagdag na units na kinuha ko. Half day lang naman ang pasok ko kaya makakauwi rin ako agad at makakatulong kay nanang sa pag ta trabaho niya sa palayan.

Nang makapasok ako nakasalubong ko ang mga engr students.

Pumasok na ulit ako sa room namin. Buti nalang at dito ang klase namin hindi sa ibang silid.

Isang oras lang nag lecture ang prof namin at may iniwan ng gawain.

Kung tutuusin pu pwede na ngang umuwi dahil nakapag attendance naman na at pwede naman ituloy sa bahay ay pinagagawa niya e.

Natapos ko ang ginagawa ko ng mas maaga. 30 minutos pa bago mag uwian, kakaunti nalang naman kami rito umalis na ako.

Sumakay ako sa motor ko at umalis na sa school.

Dumaan ako sa bayan para bumili ng empanada. Binilihan ko si Qlein at si nanang. At dalawa saakin syempre.

Pag kakuha ko ng binili ko sumakay ako sa motor ko at umuwi na.

Pag ka rating ko sa bahay ay nadatnan ko si nanang sa hapag kainan nakaupo sa may kabisero at mukhang malalim ang problema dahil sa kausap nito.

Nang makita niya ako agad siyang nag paalam sa kausap niya. Nilapag ko ang dala dala kong empanada at binigay sakaniya ang isa.

"Sino yun nang?" tanong ko kay nanang ng may pag aalala.

"Ahh eh wala yon anak. Na mali lang ng tawag saakin." sabi ni nanang ngunit hindi ako nakumbinsi.

Tinignan ko si nanang ng makahulugan at umiwas siya ng tingin saakin.

Hindi ko na siya kinulit. Tumayo ako para kumuha ng maiinom namin dalawa habang kumakain ng meryeda.

Gumawa ng palamig naming dalawa.

Nang mailapag ko ang inumin nagtanong agad si nanang.

"Kumusta naman ang pag aaral basang?" tanong ni nanang saakin.

"Ayos lang naman nang, nalalapit na ng prelims namin kaya mas kailangan mag sipag." sabi ko nalang. nagtataka pa rin sa inaakto niya.

Hindi ko na kukulitin si nanang tungkol ron dahil kung gusto niyang sabihin sakin, sasabihin niya iyon. Ngayon kung hindi niya ito sasabihin.

Iisa lang ang dahilan at ayaw na ayaw niya na malaman ko ito.

"Aba sige Quianna at pag igihan mo! Dalawang taon pa at sa Maynila ka na mag aaral para sa pipiliin mong field sa pagdodoktor." sabi ni nanang.

Ngumiti na lang ako sakaniya at pinagpatuloy ang pagkain.

Tumayo na si nanang at pumunta sa bakuran namin. Siguro para manguha ng may mga bungang tanim.

Umupo ako sa single sofa sa salas.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may mga messages ba doon.

Nang nakita kong wala binuksan ko ang fb acc ko. Nakita kong mayroong dalawang notifications.

Ang isa ay nag message saakin si Ada.

* Adelaine Kyle Carmen *

Hi bff, ask ko lang sana if okay na yung presentation natin. Need natin yun sa monday ha! Ngayon ko lang narealize na may pasok ka pala dapat ako na nag tuloy niya bff sorry :<

Dancing in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon