Natapos na kaming kumain ay nakabusangot pa rin ang isang yon. Nandito na ako ngayon sa gilid ng pool, my thighs were really exposed kasi maikli nga ang shorts ko at tumataas pa yun ng kaunti dahil nakaupo ako, nakalubog ang paa ko habang ang iba naman ay nag eenjoy na magtampisaw. Ada and her friends are enjoying the pool, may mga drinks din sila like beers, mamaya ata sila mag ha hard drinks. Mayroon namang punch sa mga hindi nag aalcohol. That's what Im having, wala din naman akong balak mag beer. Winawasiwas ko ang paa ko sa pool nang may lumapit saakin. Sheez he's topless.
"Quianna right?" The guy asked. Isa to sa mga bisita ni Ada. I smiled and nodded my head as an answer.
"Marcus." pagpapakilala niya. Naglahad pa siya ng kamay na siya namang tinanggap ko at ngumiti pa ako sakaniya. Siya din yung lalaking nakatingin saken kanina. Alam ko ang pangalan niya pero nagpakilala muli siya saakin. Nagsimula akong makarinig ng mga nanunukso sa likod niya, nasa gilid ko sa siya pero nakalublob parin ang katawan sa pool. Hindi naman siya umahon.
"Ayaw mo ba mag swimming?" tanong ni Marcus saakin. Bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi pa ako nag s swimming? I asked my self. Then eventually my gaze went to where Ruan was. I don't really know why i looked at him pero napatingin talaga ako sa gawi niya when Marcus asked me that question. Binalik ko ang tingin ko sa kausap ko at nagsalita.
"Maybe later." nagkibit balikat nalang ako. Biglang tumahimik at naging awkward, hindi ko din naman alam kung bat naging awkward. Akala ko magiging close agad kami. Nag decide ako na tumayo dahil hindi ko kinaya ang awkwardness, guilt creeped on his face when he saw me stand.
"Upo muna ako doon," yun ang sinabi ko pag ka tayo ko at hindi ko na nadugtungan dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. dinala ako ng mga paa ko kung nasaan si Ruan. Pag dating ko sa pwesto niya ay nakabusangot ang mukha niya. Sakto may stool sa tabi niya kaya doon na ako pumwesto. Hindi niya ako tinignan ng maka dating ako doon pati ng makaupo ako. My brows raised. Nagtataka ako ngayon bakit hindi niya ako inaasar at kinukulit ngayon. Nilagay ko ang baso na hawak ko sa may lamesa at tumayo para kumuha ng pwedeng makain. Pagkakita ko roon may kaunti pa na liempo, kumuha ako ng plato at isinalin na yon lahat doon. Wala naman na sigurong kakain nito. Umupo ulit ako sa pwesto ko at pumapak ng liempo.
Maya maya ay lumapit naman ang isa saakin at inagaw ang tinidor sa kamay ko para makakain din ng liempo.
"Hey! That's mine!" sabi ko at kunyaring masamang tumingin sakaniya. Tumingin lang siya saakin at bumalik sa pag lamon ng liempo. Tss sungit! Nakikikain na nga lang e susungit pa. Tumayo naman ako ulit para kumuha ng tinidor pero bago ako makatayo hinawakan niya ang braso ko para mapigilan ako.
"Where are you going?"
"Kukuha ako ng tinidor! Baka ubusin mo pa yung liempo ko e."
"Here." abot niya saakin ng tinidor kinuha ko naman yun agad at nagpatuloy sa pagkain. I smiled at him. Buti naman binigay niya pa yung tinidor saakin. Binibiro ko lang naman siya sa sinabi ko.
Lumapit si Ada saakin habang kumakain ako at niyayaya na ako mag swimming, Niyaya ko naman si Ruan na naka pangalong baba sa lamesa. As usual tumingin lang siya saakin, pero this time nadagdagan. Tumango siya saakin na agad namang ikinangiti ko. Tumayo agad ako sa pag kakaupo at excited na lumapit sa hose sa gilid para makapag shower na ng bigla naman akong sitahin ni Ada.
"Sis remove your shirt first!"
"Huh???" napa tanga naman ako sa harap niya.
"Remove this!" sabi niya at hinawakan ang laylayan ng white shirt ko. Handang handa na niyang iangat ito. "Come on Quin, hands up!" sabi niya ng hindi ko padin tinatanggal ang damit ko at nakatitig sakaniya.

BINABASA MO ANG
Dancing in the Rain
RomanceZebin Series 1: Quianna Mari Zebin "She's my rainbow in every storm" -Ruan