Hanggang ngayon iniisip ko parin ang sinabi saakin ni Ruan sa chat.
Bakit ko ba masyadong iniisip yun e nagpasalamat lang naman siya saakin sa pag accept ko sa friend request niya!
At tinawag niya ako sa second name ko! Second name basis na ba kami? Kelangan ko na din ba alamin ang second name niya??
"Urgh! Ano bang iniisip mo Quianna!!" sita ko sa sarili ko.
"Miss Zebin are you with us?"
Tsaka nalang nawala sa isip ko ang pangyayare na yon ng sitahin ako ng prof ko.
"Uh opo sir." i smiled awkwardly.
Bumalik siya sa pagtuturo niya at sinikap kong makinig ng mabuti.
Kelangan ko makinig! Nalalapit na ang pre lims namin!
"Girl ano bang iniisip mo ha? Kanina ka pa tulala jan? kumain naman tayo ah?" tanong saakin ni Ada. nagtataka talaga siya saakin dahil alam niyang may bumabagabag talaga sa isip ko.
"Ah wala to, makinig na tayo." sabi ko nalang sakaniya. Binaliwala nalang ang tanong niya.
Nakita kong nagkibit balikat nalang si Ada.
Mukhang hindi naman niya pinagtuunan ng pansin ang pag katulala ko.
Nagpatuloy sa pag lelecture ang prof namin at pinilit kong intindihin ang lesson ng prof namin.
Lunch came and so dismissal. Sabay kaming naglalakad ngayon ni Ada papunta sa cafeteria. Parehas kaming nagugutom kaya tinext ko siya.
Habang naglalakad kami ay tumunog ang phone ko.
Nagulat ako na galing iyon sa messenger.
Naka connect pala ako sa hotspot ni Ada.
Nakita kong si Ruan ang nag message sakin sa messenger.
*Ruan Cascante*
Hi Mari ;)
Yun ang message niya saakin.
Hindi ko pinansin yun at hindi ko rin binuksan ang message niya.
"Bff gusto mo sumama? Pupunta kami sa bayan mamaya ni Andre, ngayon na mag sisimula ang pista sa plaza!." pag yaya niya saakin.
"Dont worry papaalam ulit kita kay tita" sabat niya pa at ngumiti siya.
Mayroong kasiyahan mamaya sa plaza dahil pista ngayon sa bayan. Ngayong araw ang unang araw ng pagdiriwang sa 3 araw na piyesta rito sa Vigan.
Muntik ko na ding makalimutan iyon! Hindi pwedeng hindi ako sasama sa pista sa bayan!
"Oh siya sasama ako. Ako na rin ang magpapaalam kay nanang wag lang mag alala." sagot ko ng nakangiti kay Ada.
Maaga palang naman kaya makakapag paalam pa ako kay nanang. 5:30 pa naman ang simula ng pagbukas ng ilaw. At 4 palang ng hapon ngayon.
"Yeheyyy!!" pag tatalon ni Ada sa saya.
Ngumiti nalang ako sakaniya at nang makarating kami sa sa cafeteria ay bumili lang ako ng sandwich at ng bottled water.
Nang makabili kami ay agad akong umuwi at umuwi na din si Ada.
Lumabas na kami sa may parking lot ng aming school at sumakay sa kanya kanyang sasakyan.
Pinaandar ko ang motor ko at umalis na bumusina muna ako kay Ada bago ako umalis.
Napag usapan naming sa plaza nalang kami magkikita. Hindi na ako magpapasundo sakaniya dahil mas lalayo pa ang destinasyon niya.
Nang makauwi ako ay dumiretso ako kung nasaan si nanang, Kundi ang kusina.
BINABASA MO ANG
Dancing in the Rain
RomanceZebin Series 1: Quianna Mari Zebin "She's my rainbow in every storm" -Ruan