2

35 4 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas at pasukan na namin.

Naghanda na ako dahil maaga naman akong nagising, mas nauna pa akong nagising kay nanang. Ako na ang nagluto ng aming agahan.

Kumain na ako at tumingin sa oras. 9 am palang. 11 am pa ang pasok ko, 7:30 ako nagising dahil sa alarm ng phone ko.

Inayos ko ang uniform ko, pinlantsa ko bago ko naisipan na maglinis muna ng salas at kusina para taas na lamang ang lilinisin ni nanang.

Nakita ko si nanang bumaba galing sa taas.

"Aba e ang aga mo naman atang nagising Quianna." sabi niya.

"Ah opo nanang! Nakapaglinis na po ako ng salas at kusina nang." ngiti ko sakaniya.

"Nako salamat naman anak ko." sabi saakin ni nanang.

Nakita kong kumakain si nanang, nilapitan ko siya at sinamahan.

"Masarap ba ang luto ko?" ngiti ko sakaniya.

Tumawa siya. "Aba't akala mo naman ay magarbong ulam na ang iyong iniluto Quin! Prito lamang ito ano. " sagot niya.

"Nanang naman!" sagot ko

Tumawa siya at nagpatuloy sa pagkain.

Makalipas ang ilang kwentuhan namin ay napag pasiyahan ko ng maligo at mag ayos, ang uniporme ko ay polo ang pantaas at pantalon ulit ang pinili ko ngayon. Dahil gawa ng nagmomotor lamang ako papuntang paaralan.

Hindi kalapitan ang paaralan ko rito sa aming bahay. Isang  barangay ang layo nito sa bahay namin.

Ang napapalitan lamang sa aking uniporme ay ang pantaas dahil nag iiba ang kulay nito sa balikat kada lilipat ka ng taon.

Ang kulay na meron ako ngayon ay berde, puti ang buong polo shirt kaya bagay naman ito. Ang pantalon naman ay itim parin.

Makalipas ang isang oras ay kinakailangan ko ng umalis.

"Nanang! Aalis na po ako, 11 po ang simula ng klase ko, mag iingat ka rito ha?" sigaw ko mula sa labas.

Si nanang naman ay lumabas mula sa loob ng bahay.

Humalik sa pisngi ko si nanang at nag paalam na.
"Oh siya mag iingat ka Quianna ha? Sa gilid lang ang daan, mag aral ng mabuti anak ko. Mahal ka ni nanang." sabi niya saakin.

Ngumiti ako sakaniya at pinagana na ang motor ko.

30 minutes ang byahe kapag naka sasakyan ka, sakto lang ang dating ko.

Mayroon pa akong sampung minuto bago mag 11 ng umaga.

Pinark ko ang motor ko ng maayos at umakyat na sa building namin. Malaki itong school na ito.

Mayaman lamang ang nakakapag aral dito.

Pag ka akyat ko sa room namin. Marami rami na din ang mga tao dun. Nakita ko na magkaklase parin kami ng kaibigan ko na si Ada.

Lumapit ako sakaniya ng makita ko siya.

Sa palaging pangyayare kasama nanaman niya ang nobyo niya na si Andre.

"Quianna Mari!!!" sigaw niya saakin ng makita ako.

Natawa nalang ako sakaniya at sinalubong siya.

"Babe you're too loud." sita sakaniya ng boyfriend niya.

"Shush!" yun na lamang ang nasabi niya.

Her boyfriend chuckled a little bit.

"Hii!!" sagot ko nalang.

She hugged me and kissed my cheek. Namiss niya talaga ako, we didn't see each other for like 3 months straight.

Dancing in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon