Biglang tumunog ang phone ko pag katapos sabihin ni Ruan yon.
Mabuti nalang ay may tumawag sa phone ko dahil hindi ko kaya ang hangin na nakapalibot saaming dalawa ni Ruan.
Pag ka tingin ko sa phone ko ay tumatawag si Erold saakin.
"Wait lang ha." paalam ko sa kanilang tatlo at lumayo ako ng kaunti.
Nang makalayo ako ay agad kong sinagot ang phone ko.
"Hello Erold, Napatawag ka?" sagot ko sakaniya.
[Nasa plaza ka ba ngayon Quin? Sorry ngayon lang ulit ako tumawag ah? Busy kasi si Dad eh kaya kinailangan niya ng tulong ko.] sagot niya.
"Ah oo nasa plaza ako ngayon. Kasama ko si Ada tsaka si Andre." sagot kong muli sakaniya.
[Sorry hindi kita nasamahan jan ngayon. Promise i'll make it up to you. I'll go with you tomorrow.] tuloy tuloy niyang sabi.
Hindi ko naman sigurado kung makakapunta ako muli dito sa plaza bukas dahil may klase ako at baka kailanganin ako ni nanang bukas sa bahay.
"Uh sige, di rin ako sigurado kung makakapunta ako dito bukas. Pero sasabihan kita." sabi ko nalang sakaniya.
[Its okay kahit hindi bukas. Let me know when you're free okay?] sambit niya saakin.
"Sige Erold. Bye." sabi ko nalang sakaniya sa mababang boses.
Simula ng tanungin niya ako na kung pupwede ba siyang manligaw ay ganito na ka sweet at maaalahanin saakin si Erold. Hindi naman na bago saakin yon dahil matagal naman na kaming mag kaibigan. Lumayo nga lang ng kaunti ang loob ko sakaniya simula ng bastedin ko siya.
Bumalik na ako sa pwesto kung nasaan andun ang motor ko at sila Ada.
"Is that Tita Qleid?" Ada asked me.
"Ah hindi, si Erold yun niyaya ako bukas rito sa plaza." pag kibit balikat ko.
Hindi ko nalang sinabi na hindi ko talaga gustong sumama kay Erold bukas hehe.
"Ohh he's asking you out tomorrow night?" panunutya ni Andre.
Sinimangutan ko siya at sinabing " Niyaya niya lang ako dito sa plaza no. Hindi naman yon date!" masungit kong sabi sakaniya.
Andre bursted out a laugh.
Trip talaga ako netong mokong na to e. Lakas ng tama sa ulo, siguro nabagok ito nung bata. Hmp.
"Hindi ko rin naman ginugusto na sumama sakaniya e." mahina na ang pagkakasabi ko noon.
"Eh bakit ang defensive natin jan bff!" pang aasat muli ni Andre.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin at inirapan ng mata.
Nakita kong sumulyap si Andre kay Ruan at ngumiti. Wala namang kibot si Ruan at nakikinig lang din saken.
Pinandidilatan niya lamang si Andre. Ewan ko ba sa magkaibigang eto.
Hindi rin naman nagtagal ay nag paalam na saakin si Ada.
"We'll get going bff." paalam saakin ni Ada at ngumiti saakin.
"Oh sige bff mag iingat kayo ha?" sabi ko kay Ada at sumakay na siya sa sasakyan ni Andre.
Ngayon ko lang napagtanto na sasakyan pala ni Andre ang gamit nila. Akala ko nagpasundo si Ada sa driver niya.
Alis na lang din ako. Baka lumalim na lalo ang gabi.
Sumakay ako sa motor ko at pinaandar yun. Nagulat ako ng lumapit saakin sa Ruan para alalayan ako sa pag papaandar ng motor ko.
"Are you sure you can drive on your own?" tanong saakin ni Ruan.
BINABASA MO ANG
Dancing in the Rain
RomanceZebin Series 1: Quianna Mari Zebin "She's my rainbow in every storm" -Ruan