13

3 1 0
                                    

"Can we talk?" I didn't look at him when he said that.

Ruan said that with full authority. Na para bang hindi nya talaga ako papakawalan kapag hindi niya ako kinausap. Hindi ko alam ang gagawin ko ng bigla niya akong hablutin. Gusto ko nalang magpakain sa lupa o kaya maglaho nalang bigla para hindi na siya muling makausap pa. Kinakabahan ako baka bigla niya akong tanungin o biglang kumprontahin dahil nga sa pag iiwas ko sakaniya.

"Two days is enough Quianna. Talk to me please, baby." sambit niya saakin sa malambing na boses ngunit may pagkadiin.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Ano nang gagawin mo ngayon Quianna! Anong sasabihin mo sakaniya! Kelangan mong magpanggap na hindi ka tensyonado kapag kaharap at kausap siya. Kelangan mong gawin yon!!

"Two days?? Hah! A-anong sinasabi mo?" kabado kong sagot sakaniya. Ngumiti pa ako ng bahagya para hindi niya mahalata ngunit mukhang hindi siya nakumbinsi. Hindi ko talaga gustong humarap sakaniya dahil hindi ko nga alam ang sasabihin ko at ang gagawin ko.

"Don't play that game on me Quianna." mahina niyang sabi pero parang galit na siya. Hoy! Magagalit ba siya?? Anong sasabihin niya? Aawayin niya bako?? NAKO LUPA KAININ MO NA AKO! NOW NA!

"Huh?? Hindi naman ako naglalaro ah?? Anong lalaruin ko? M-mukha ba akong naglalaro sayo?" patay malisya ko paring sabi. Kinakabahan parin ako! Bakit kasi nakita niya pa ako! Eh ang awkward nga na kausapin ko siya e! Ano ba naman yan Quianna!

"Ano ba naman Quianna!" frustrated niyang sabi. "Can you please tell me a good reason kung kung bakit nag iba ang pakikitungo mo saakin? At bakit kailangan mo akong iwasan?"  habol niya pero hindi na sa frustrated na boses. Doon sumeryoso ang mukha ko at tumingin na sakaniya ng diretso. Sa mata niya to be exact.

"You really want to know?" seryoso kong sabi sakaniya. Tumango naman siya na parang batang excited na excited.

"Hala si Mrs Rabal hinahanap ka oh!!" bigla kong sigaw at itinuro ko ang direksyon sa likod kahit walang tao doon.Lumuwag naman ang hawak niya saakin at yun ang signal ko para maisagawa na ang plano kong pagtakbo sakaniya.

Nang tuluyan niyang mabitawan ang hawak sa kamay ko ay mabilis akong tumakbo. Tumakbo ako palabas ng parking lot. Hindi ko na pinansin ang motor ko at pupwede naman kuhain ito bukas at ipabantay sa gwardya. Isang text ko lang doon.

Nang makalayo layo ako sa school namin, minabuti ko nalang na lakarin pauwing bahay namin. Wala namang kaso saakin na maglakad. Maaga pa naman kaya't hindi ako malalagot kay nanang.

Nang makauwi ako ay agad akong nagtungo sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Dala dala ko parin ang shoulder bag ko. Natanaw naman ako ng nanang ko mula sa bakuran dahil nakabukas ang backdoor namin. Aba ano bang ginagawa neto palagi sa labas. Jan ko na kaya yan patirahin??? Joke lang hehe baka ako ang mapalayas rito.

"Oh bakit pawis na pawis ka basang?" nag aalalang tanong ni nanang. Ngumiti naman ako sakaniya at yumakap na rin ng makapasok siya sa loob ng tuluyan.

"Nag exercise ako." sabi ko at ngumiti ng pilyo.

"Ano nanamang kalokohan yan Quianna Mari!" saway saakin ni nanang. Natawa naman ako sakaniya.

"Hindi, naglakad ako pauwi nang. May nakita kasi akong multo e"

"Aba bakit ka naman naglakad aber? At nasaan ang motor mo? Tsaka anong multo multo, magtigil ka nga bata ka!" sunod sunod niyang bulalas saakin.

I bursted out a loud laugh. "Mahabang kwento nang, Wag mo nang alamin. Sige po aakyat na muna ako at magpapahinga saglit at saka maliligo." paalam ko sakaniya. Umakyat na ako, tinignan ko muna kung nasa kwarto ni nanang ang kapatid ko. Nang makita ko siyang mahimbing na natutulog ay napangiti ako.

"Ang laki na ni Qlein." bulong ko sa hangin.

Dumiretso na ako sa kwarto at inalis ang bag ko. Kinapa ko ang bulsa ko para sana hanapin ang susi ng motor ko ngunit hindi ko ito nakapa roon. Kinuha ko ang bag ko ng wala talaga sa apat na bulsa ko ang susi ng motor ko. Hinalungkat ko iyon ngunit wala parin!

"Ang susi ko!" sigaw ko ng maalala ko na isunuksok ko pala yun sa motor ko! Ang tanga tanga naman Quianna! Dali dali akong tumakbo sa baba ng mapag tanto ko na naiwan ko yun sa motor! Paano kapag nanakaw yun? Paano kapag hindi nabantayan yun nung guard?! AY ANTANGA TALAGA NAMAN QUIANNA!!!

Pag kababa ko nagulat ako sa nandatnan ko sa salas."A-anong gina--" naputol ang sasabihin ko ng bigla akong pingutin ni nanang.

"Ano nanaman ang ginawa mong kalokohan Quianna Mari!" impit na panenermon saakin ni nanang pero sapat narin na marinig ni Ruan. Napa aray ako ng malala pero nabitawan naman agad ni nanang ang tenga ko ng narinig niya ang mahinang pag tawa ni Ruan.

"Oh ayan bahala kayong dalawa!" sabi ni nanang saamin at umakyat na dala dala ang mga damit na ligpitin.

Pumunta ako ng kusina para iwasan parin ang lalaking kabute na to. Sumunod naman siya saakin. Alam ko dahil ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. e
e6666uha ako ng baso para ulit kumuha ng tubig na maiinom. Nang makakuha ako ay pumunta ako sa salas para umupo at manood ng tv. Ang isa namang to ay nakabuntot lang saakin. Umupo rin siya doon at lalo namang akong nainis doon.

"Ano ba wag mo nga ako sundan!" sabi ko ng mabwiset ako sa pag bubuntot niya saken. Nakangiti naman siya ng humarap ako sakaniya.

"Iniwan mo kasi ako doon e." sabi niya pero hindi ko naintindihan ng maayos. Kaya inangilan ko siya.

"Ano?!" angil ko.

"Sabi ko iniwan mo yung susi mo doon!" sabi niya at saka tumawa ng malakas. Inirapan ko naman siya at humarap na sa tv. Tambay nanaman to sa bahay namin! Parang walang bahay e.

"Bat mo ba kasi ako iniiwasan Quin?" seryosong tanong niya na pinambasag niya sa katahimikan namin. Ako naman ay walang naisip na isasagot kaya't nagpatay malisya nalang ulit ako. Wag! Baka mahalata nya na iniiwasan ko siya.

"Bakit ba ang kulit mo Ruan??." sabi ko ng masungit sakaniya.

"Bat ba ang sungit sungit mo na saakin. May dinadala ka no?!" makahulugang tanong niya saakin. Anong sinasabi neto! Siraulo talaga to!

"Anong dinadala? Baliw kana ba?"

Tumawa siya ng malakas sa sinabi ko. "Dinadalang sama ng loob! Galet ka kaagad e hmp!" pabebe niyang sabi.

Bat ba napaka kulet netong nilalang na to! Nako talaga naman san ba pinaglihi to!

"Osige na nga, hindi nako mangungulit sayo." tapos niyang sabi. At ngumiti nalang ng malambing saakin, kita ko padin naman siya sa gilid ko.

Hay buti naman at mananahimik na tong kabute na to. Pinagpatuloy ko nalang ang panonood ko at siya din ay humarap sa tv. Ilan sandali lang ay bigla nanaman siyang nagsalita.

"Basta hindi na ko papayag ulit na lumayo ka saakin. Baka magtuloy tuloy na e."

___________________________________________________________

A/N: hello!! hahahaha sorry natagalan ulet pero i'll try na every other mag update!! Thankyou for reading and nonstop support po! Enjoy reading and happy 200 reads pala and road to 300!! Thankyou ng madami!! 

Dancing in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon