10

11 1 0
                                    

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa mga food stall. Hindi ko parin siya pinapansin.

Naghanap ako ng mabibilhan ng hotdog dahil ito ang gusto ni Qlein at mga biscuit.

Nang makabili kami ay tsaka ko nilingon si Ruan na mukhang buntot na sunod ng sunod saakin.

"Tara na." aya ko sakaniya at nginitian ko siya ng pang asar.

Inirapan niya ako at tumawa lang ako dahil naiinis siya saakin.

Naglakad na kami papunta sa plaza para manood ng mga variety shows at kung ano ano pa. Nakahanap din kami ng bakanteng upuan ngunit dalawa lang iyon.

"You two sit down. Ayos nako ng nakatayo." sabi ni Ruan at tinuro niya ang upuan.

Nauna na agad umupo si Qlein at sumunod na rin ako. Pumwesto siya ng tayo sa likod ng upuan namin, na para bang ginagwardya na kami sa mga tao na pwedeng makabangga namin.

Tumingin ako sakaniya at sinabi. "Pwede ko naman ikandong si Qlein. Umupo ka na lang." pinatayo ko si Qlein at ikinandong sa mga kandungan ko.

Inilahad ko sakaniya ang upuan pero hindi siya sumang-ayon.

" Wag na. Just let Qlein sit there. Hindi pa magiging kumportable sayo na kandong siya. Hindi naman na siya 5 years old e. Hayaan mo na." pag babaliwala saakin.

Tss okay,, ako na nga nag mamagandang loob e. Hmp sunget!


"Ate ang gaganda ng mga damit nila ano!"

Palabas na kami ng sinabi ni Qlein yun saakin. Katulad ng ginawa namin kahapon, inantay namin na kumonti ang tao rito sa loob ng plaza bago kami lumabas.

Hawak ko si Qlein sa kaliwang kamay ko at nasa harap ko naman si Qlein. Nang nasa exit na kami ay may tinanong saakin si Qlein kaya't napalingon ako sakaniya at napahinto kami.

"Ate uuwi na ba tayo?"

"Kakain muna tayo jan sa lomihan sa kanto tapos uuwi na tayo ha?" sabi ko sakaniya.

Nang natapos kong sabihin yun ay magpapatuloy sana ako sa paglalakad ng mawala sa paningin ko ang sinusundan namin na si Ruan.

"Teka asan na ba si Ruan." pag hahanap ko sakaniya.

Hindi ko siya mahagilap dahil madaming tao ang naririto sa exit ng plaza at hindi pa nag sisiusad.

Naramdaman kong dumulas ang kamay ng kapatid ko saakin dala ng siksikan at dahil pinipilit kong hanapin si Ruan.

"Qlein!!" sigaw ko dahil hindi ko narin makita ang kapatid ko.

Ang kapatid ko!! Hindi iyon pwedenh mawala! Hindi niya kabisado ang mga daan dito dahil malaki ang bayan!

"Excuse me!" pag sigaw ko sa nasa harap ko kung na saan nabitawan ko ang kapatid ko.

Nang maging maluwag ang pwesto at nakalayo na ako sa mga nagsisiksikan ay hindi ko nahanap ang kapatid ko.

"Qlein nasaan kana ba!!" sigaw ko.

Tumulo na ang luha ko dahil hindi ko mahanap ang kapatid ko!

Tinakbo ko mula rito papunta sa loob ng plaza at inikot ko narin ang loob ngunit hindi ko parin nakita ang kapatid ko.

"Saan naba nag punta si Qlein." hagulgol ko habang tumatakbo palabas ng plaza.

Ngayong maluwag na ang exit neto ay nakita ko kaagad si Ruan nakatayo sa gilid at nakatingin sa phone niya.

Binilasan ko ang  papunta sakaniya at humagulgol ng mas malakas.

"Ruan! Ruan!" tawag ko sakaniya para makita niya ako.

Tumigil ako sa paglalakad dahil doon na nanlambot ang tuhod ko at napaluhod na lamang ako habang humahagulgol.

Nang makalapit siya saakin ay agad niya akong inalo.


"Hey what happened?" tanong niya saakin ng may pag aalala. Nakita kong luminga linga sya sa paligid. "Where is Qlein?" nagtataka niyang tanong.

"R-ruan." humihikbi kong sabi sakaniya. Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa pag iyak ko.

"Hey... Hey what happened? Bakit ka umiiyak and where is your--" hindi niya natuloy ang sinabi na dahil tumingala ako sakaniya at umiling.

Binitawan niya ako saka tumayo. Narealize niya na din na nawawala ang kapatid ko. Lumingon sa sa kaliwa't kanan at tinitignan baka makita ang kapatid ko ngunit wala parin siya.

Lumuhod din siya at inangat ang baba ko mula sa pag kakatungo.  "Hey,, Calm down... Please stop crying okay?? Hahanapin natin si Qlein okay? Just calm down." pag aalo niya saakin.

Tumango tango ako habang humihikbi parin.

Then he hugged me. Niyakap niya ako na para bang kinukuha nya ang lahat ng pag aalala na nararamdaman ko. My heart started racing.

Nang napakalma niya na ako inalalayan niya ako patayo para simulan muling hanapin si Qlein.

Pagkatapos ng isang ikot muli naming lakad ay  bigla kaming napatigil ng may biglaang tumawag saakin.

"Ate Quianna!" sigaw ng maliit na boses.

Nang lumingon ako sa likod ay nakita ko ang kapatid ko. Napalingon din si Ruan kaya tinakbo niya ang distansya nila ng Qlein.

I can't help but to cry again.

Bumitaw ang kapatid ko sa hawak ng lalaking kasama niya at tumakbo rin papalapit kay Ruan.

Nagulat ako ng makita ko kung kanino bumitaw si Qlein.

Si Erold!

Dali dali kong pinunasan ang luha ko at lumapit na kila Ruan. Nakita kong buhat na ni Ruan si Qlein at kausap niya na si Erold.

"Im with them." rinig kong sagot ni Ruan kay Erold nang makalapit ako.

Binaba niya si Qlein sa tabi at ng ginawa niya yun ay niyakap ko ang kapatid ko ng mahigpit.

"Sorry Qlein. Sorry." iyak kong muli sa kapatid ko.

"Ate wag ka ng umiyak, nahanap naman ako ni kuya Erold e, pupunya na sana ako sa lomiha." sabi niya saakin.

"Dito ka lang kay ate ha." sabi ko nalang ng makaramdam ng malaking ginhawa ngayon at nahanap na siya.

Hinawakan ni Ruan ang ulo ng kapatid ko at hinaplos ito.

Ngumiti ang kapatid ko kay Ruan ng lumingon ito sakaniya.

Lumipat na ang tingin saakin ni Erold at nang makita ko yun, pagtataka ang nakita ko sa mukha niya.

"Im sorry, who are you?" Balik muna ni Erold kay Ruan.

"Ruan Ezikiel Cascante." sabi niya pero pinapanatili pa rim ang mariin na expression.

Hindi na siya sumagot ng nagsalita si Ruan.

Bumaling siya saakin. "Come on Quin. Lets get you and Qlein home." hinawakan niya ako para sana igaya sa sasakyan niya ngunit hinawakan ni Ruan ang kamay ko.

"I can take them home. They are my responsibility, not yours." pirming sabi ni Ruan.

Pagkasabi niya noon ay tumalikod na siya kay Erold at naglakad na kami papalayo sakaniya. Habang hawak hawak niya parin ang kamay ko.

*****************************

Dancing in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon