I slept peacefully that night. Sama sama kaming mga girls dito sa room, the room was big enough to fit 6 girls. It has a queen size bed and one pull out mattress sa floor so nag kasiya kaming mga girls. The boys slept in the living room. Hindi ko alam kung paano nila napag kasiya ang mga sarili nila sa isang sofa bed at isa pang ni request nilang mattress.
When i woke up that morning, nakita kong may gising na din sa mga girls. Celine and Faye are awake, si Daria naman at ang bestfriend ko ay mahimbing pang natutulong sa kama sahig kasama si Aylan. Nag kukwentuhan naman ang dalawang dalagang gising ng magising ako.
"Hi goodmorning!" Bati saakin ni Faye. ngumiti ako ng matamis sakaniya at bumangon. Kaming tatlo naman ang magkakatabi ngayon.
"Sorry did we wake you up?" Nag aalalag tanong ni Celine saakin.
Umiling naman ako sakaniya at itinuro ang restroom. "Uhh rest room lang ako." paalam ko sakanila. Pumasok ako cr at nag hilamos, nakalimutan ko pa ang toothbrush ko kaya naman lumabas ako ulit at kinuha ang toothbrush.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Napalingon naman sila saakin at sabay na umiling, si Celine ay humawak pa sa tiyan niya para sabihin nagugutom na ito. Napatango nalang ako sa kanilang dalawa at saka lumabas ng kwarto.
Sinilip ko sa salas ang boys, napatawa ako ng mahina nung nakita ko kung paano ang pwesto nila doon. Ang iba ay mag kadantayan pa at magkakayakap. Parang mga sardinas eh! Pagtapos ko silang silipin tumungo naman ako sa kusina na hindi kalayuan sa salas.
Chineck ko kung anong pupwedeng iluto doon, nakita ko ang box ng groceries nila. Sakto naman ay may nakita naman akong isang tray ng egg doon, nilabas ko iyon at niready ang mga gagamitin panluto. Nung binuksan ko yung maliit na ref ay may nakita akong bacon doon, kinuha ko na din iyon at niluto.
Nang ang bacon naman ang niluluto ko may naramdaman ako presensya sa likod ko na para bang kanina pa ako tinititigan. Nang lingunin ko yun ay nagulat ako kung sino iyon!
"Marcus!" natatarantang tawag ko sakaniya.
He smiled at me, mukhang kakagising lang niya pero hindi nabawasan ang pagiging gwapo niya roon, Inaamin kong may itsura tong si Marcus.
"Hey goodmorning," sabi niya ng hindi pa inaalis ang ngiti sa labi niya. Tinalikuran ko nnaman siya para harapin iyong niluluto ko.
"Sorry maingay ba ako? Nagising ba kita?" Tanong ko ng naramdaman kong lumapit siya saakin para tignan ng malapitan ang niluluto ko.
"Hindi naman, nauuhaw na rin kasi ako kaya nagising na ako." sagot naman niya at tumungo sa ref para kumuha ng tubig. Narinig ko naman ang pagbukas sara ng pintuan ng kwarto ng girls pero walang lumabas doo kaya nag kibit balikat nalang ako. Baka narealize na mamaya nalang daw sila siguro lalabas.
"Sorry din nangialam na ako dito" sabi ko at tumawa ng mahina.
BINABASA MO ANG
Dancing in the Rain
RomanceZebin Series 1: Quianna Mari Zebin "She's my rainbow in every storm" -Ruan