Nakatulala lang ako the whole time ng panonood namin ng movie dahil sa ginawa niyang pagbuhat at pagtawag niya saakin ng 'baby' ng dalawang beses! Ganun pa man ay hindi naman nabago ang pwesto namin kanina at saakin parin siya nakasiksik.
"Is everything okay sis?" Tanong ni Ada saakin ng makalabas siya sa cr niya. Kakatapos lang niya mag half bath. Nandito na kami ngayon sa kwarto niya at naghahanda ng matulog. Ang dalawang makulit naman ay umuwi na dahil hindi nakapag paalam si Ada na kung pupwede pang magdagdag ng mag sleep over dito sa bahay nila.
"Oo naman!"
"Are you sure..??" sagot niya ng may pagdududa. Hindi ako sumagot sa halip ay binigyan ko siya ng isang malaking ngiti, Napangiti naman din siya dahil sa ginawa ko.
Umupo siya sa vanity chair niya at habang ako naman ay nasa kama niya na. Malaki ang kama ni Ada, kaya okay lang sakaniya na magkatabi kaming matulog. Tsaka hindi naman namin ito first time gawin kaya sanay na din kami.
"Uh, Ruan." she said in a low voice.
"Hmm..??"
"He called you, uhmm,, He called you 'baby' earlier. Is that what's bothering you now?" natapos niya din ang tanong niya habang naglalagay ng mga kung ano ano sa mukha niya. I was caught off guard. I let out a laugh, an awkward laugh i guess?????
"So?" i said, trying to be cool.
Humarap siya saakin at tinaasan ako ng kilay. "Anong so?" sabi niya, at humarap ulit sa salamin ng vanity niya.
"So what kung tinawag niya akong baby??? At hindi naman ako na bobother don e! Ganon lang talaga siya diba?" i sounded so defensive in that second sentence.
Tumawa si Ada. "Oo nga naman. Ganon lang pala si Ruan." sabi niya at inalis ang pagkakatali ng buhok niya at tumabi na saakin sa kama niya. Bumalik na din ako sa pag higa ko dahil bumangon ako ng inopen niya ang topic na yon.
"Oo nga pala sis, Let's invite them again tomorrow!" pahabol ni Ada at pumihit paharap saakin.
I also looked at her and give her a "????" face.
"Them! Ruan and my baby!" maligaya niyang sabi.
"uhh??? Why?"
Tumawa siya bigla at nagsalita. " Don't give me that look sissy, Well kung mo edi wag kang sumali saamin, magsi swimming kami!" sabi niya at bumelat pa saakin.
"Wala naman akong sinasabi no, nagtatanong lang ako." bawi ko sakaniya. Gusto ko magswimming no! Pake ko kay Ruan.
Tumawa siya muli, i stared her with my long face.
"Hay nako matulog na nga tayo Quianna Mari! Bukas nalang natin pag usapan." sabi niya at inabot na ang lampshape nya para patayin, she leaned to me and gave me a kiss on my cheek. Ganon naman talaga si Ada, she is sweet and very clingy sa mga taong malapit sakaniya. Pero you don't really wanna see her mad, kaya kinabahan ako nung time na nagtampo siya saakin.
Nakatalikod saakin si Ada, ako naman ay nakatihaya at tumititig sa kisame. Anong oras na ay hindi ko parin mahuli ang antok ko. Kanina pa rin ako paikot ikot dito sa pwesto ko. Nag decide ako na lumabas muna sa may veranda ni Ada, umupo muna ako at binuksan ang maliit na ilaw dito sa nightstand sa tabi ko, bago pa ako tumayo ay tumunog ang phone ko, hudyat na mayroong nagtext. And then the name 'Ruan' popped out on my lockscreen. Ruan sent me a message in messeger. Ano nanaman gagawin netong panggugulo saakin.
*Ruan Cascante*
Hey.... You still up?
Sa totoo lang nagulat ako kasi yan lang ang message nya saakin, mukhang wala siyang balak na inisin ako ah. Nagdadalawang isip pako kung magrereply ako, At saka Alas dos na ng madaling araw gising pa din siya? Ano kayang pinagkaka abalahan nito.

BINABASA MO ANG
Dancing in the Rain
RomanceZebin Series 1: Quianna Mari Zebin "She's my rainbow in every storm" -Ruan