Kabanata 23

22.6K 245 49
                                    

Kabanata 23


Fault


Pagkababa namin sa helicopter ay mabilis akong naglakad palayo sa kanila. Gusto ko na munang umuwi para makita ang mga magulang ko.


"Slow down," sambit ni Azriel sa akin at hinawakan niya ang braso ko.


Nasa likod niya naman yung tatlo na pinagmamasdan din ako. Nagpaiwan si Apollo sa Surigao at hinayaan na lang namin ito.


"I want to see my parents, Azriel," may diin kong sagot sa kaniya bago ko tanggalin ang hawak niya sa akin.


Teka, nasaang building ba kami ngayon?


"Calm your ass down, little devil. Iuuwi ka namin," biglaang sambit ni Creed na kakalapit lang.


"Kailan pa kayo naging malapit sa isa't-isa?" putol ko naman sa kaniya kaya't nagkatinginan silang apat.


Bumuntong hininga si Kronus at siya naman ang lumapit sa akin.


"Pumunta muna tayo ng hospital. We need to be sure that you're totally fine now," malambing niyang sambit at marahang inayos ang mga takas kong buhok at inipit niya ito sa aking tenga.


"I'm fine, Kronus," pambabasag ko sa kaniya.


"Hindi na natin kailangang pumunta sa hospital," I added.


"Sadly, yes. Nandoon ang mga magulang mo," sabat ni Sebastian na nagpakunot sa aking noo.


Nakaramdam kaagad ako ng kaba dahil sa sinabi niya. Anong sinasabi niyang nasa hospital ang mga magulang ko? Ang akala ko ba ay ayos lang sila?


"Azriel? Kronus?" tanong ko sa dalawang nagsabi sa akin na ayos lang ang mga magulang ko.


"Akala ko ba ay ayos lang sila? Anong ginagawa nila sa hospital!" halos pasigaw kong tanong at bahagya kong itinulak palayo sa akin si Kronus.


"Your father suffered from mild heart attack," Kronus said.


"He suffered from what? You told me that they are fine!" galit kong putol sa kaniya.


"Calm down, Eris!" saway sa akin ni Creed ngunit tiningnan ko lamang siya ng masama.


"Bakit hindi niyo kaagad sinabi sa akin?" bumaling ako kay Azriel na malamlam na ngayon ang mga mata.


"Dahil ayaw namin na mag-alala ka," sagot naman ni Kronus.


"Tama na. Kronus, dalhin na lang natin si Eris kayla Tita," singit ni Sebastian.


Nauna akong sumakay sa elevator at sumunod rin naman sila sa akin kaagad. Pagkalabas namin ay napakaraming bumabati sa magpipinsang Montegrande.

Enduring the Pain (Surigao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon