Kabanata 32

20.6K 217 28
                                    

Kabanata 32


Pool


"This way, Ma'am," nakangiting sambit ng isa sa mga bellboy.


Napangiti na lang din ako at sumunod sa kaniya. Matapos kong makaidlip ulit sa kwarto ay tinawagan ako ni Atlas para ipaalala yung dinner namin kasama si Lucien. That's an oppurtunity to convince him again, pero mas mahihirapan ako dahil kasama rin namin si Atlas.


Napailing na lang ako. Sumasakit na naman ang ulo ko sa kakaisip kung paano ko makukumbinsi ang abogadong 'to.


Ngumiti sa akin si Lucien at siya pa mismo ang naghatak ng bangko para sa akin.


"Thank you," tipid ko namang pasasalamat.


"Where's Atlas?" panimula niyang tanong nang makaupo na kami parehas.


"Kayo ang huling magkasama diba?" tanong ko pabalik sa kaniya.


"Magkatabi lang yung suite niyo diba?" sarkatiskong tanong niya rin pabalik sa akin.


Ngumiti na lang ako para matakpan ng unti-unting inis na umaakyat sa mukha ko. Kumalma ka, Eris.


"He is probably busy with his fianceé," wala sa sarili niyang sambit.


"Baka hindi na 'yon makasabay sa atin kaya tayong dalawa na lang. Let's just consider this as our dinner date," tumaas naman kaagad ang kilay ko dahil sa sinabi niya.


"Dinner lang walang date, Atty. Griffin," sagot ko naman sa kaniya.


Natawa lamang siya at tinawag niya na ang mga waiter. Nagsimula ang mga ito na lumapit sa amin na may dalang mga pagkain.


"I prepared a dinner like this," sambit niya at tumango lang ako.


Hindi pala siya yung mayaman na mas gusto ang seven-course-meal.


"He told me that you are lactose intolerant so as much as my chefs can, they avoid dairy products today," napangiti naman ako dahil doon.


Binalot kami ng katahimikan dahil nagsimula na kaming kumain. Sobrang daming pagkain tapos dalawa lang kami ngayon.


"Sa tingin mo, anong ginagawa nila ngayon?" halos mabulunan naman ako sa biglaan niyang tanong.


Nawala na nga sa isip ko na kasama ni Atlas ng fianceè niya ngayon tapos pinaalala pa ng berdeng abogadong 'to.


"Hindi ko alam," simple kong sagot bago ako mapainom ng tubig.


"This is boring. Why aren't you convincing me again?" tanong niya bigla.


"Nag-iisip ako kung paano kita mapapayag saka nagugutom din ako. Uunahin ko pa bang mapapayag ka?"

Enduring the Pain (Surigao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon