Kabanata 21

29.6K 299 30
                                    

Kabanata 21


Ancestral Home


Nakatanggap ulit siya ng tawag kaya't inaya ko na siyang bumalik na sa loob, noong una'y ayaw niya pang pumayag pero kalaunan ay napilit ko rin naman. 


Dumiretso ako sa kwarto ko para makapagbanlaw at makapagpalit. Mag-aayos sana ako ng mga damit ko kaso naalala ko yung sinabi niya kanina pagkapasok namin dito sa bahay.


He told me that he needs me in his office while he's working. Napaisip na lang ako kung ano namang gagawin ko doon.


Pagkabukas ko ng pinto ay kaagad kong nakita ang seryoso niyang mukha habang may kausap pa rin sa telepono. Mukhang hindi niya napansin ang pagpasok ko.


"Call my secretary then," iritado niyang sambit sa kausap.


"Kung gusto nila akong makita, puntahan nila ako dito. I am freaking busy right now, and this business shit is ruining my quality time with my wife," napailing na lang ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.


Nang mapansin niya na ako ay kaagad siyang tumayo sa kinauupuan niya.


"Oh, shut up. I'll call you again," paalam niya bago ibaba ang telepono at pagkatapos ay kaagad na humawak sa aking bewang.


"Marami ka atang kailangang gawin," bungad ko at itinuro ko pa ang mga papeles sa kaniyang lamesa.


"That's the reason why I need you here, baby," he replied.


"May maiitulong ba ako sayo?" tanong ko naman at isang matamis na ngiti lamang ang isinagot niya.


"Ngingiti-ngiti ka diyan, sagutin mo ang tanong ko," sermon ko sa kaniya na mas kinatawa niya lamang.


"Kahit umupo ka lang sa tabi ko. Makakatulong na sa akin 'yon," nakangiti niyang sagot bago halikan ang noo ko.


Napanguso na lang din ako ngunit sinunod ko naman ang gusto niya. Naupo na siya sa swivel chair niya at kinuha ko naman ng bakanteng upuan sa harap ng table niya.


"That's not your chair, baby," biglaang puna niya kaya't kumunot naman ang noo ko. May iba pa ba akong pwedeng gamitin dito?


"Where is it? Kukuha pa ako sa labas?" seryoso kong tanong sa kaniya.


Ibinaba niya ang kaniyang binabasa at tumingin sa akin.


"Here, this is your chair," sambit niya at tinapik ang sariling kandungan.


Napailing na lang ako kaagad dahil sa sinabi niya.


"I'm not going to sit on your lap, Atlas. Do your job, and I'll stay on your side. Wala kang matatapos kapag nasa kandungan mo ako," masungit kong tugon sa kaniya at naupo na ako sa kinuha kong upuan.

Enduring the Pain (Surigao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon