Kabanata 1
Lactose Intolerant
In the middle of the night, I found myself sitting on the fine sand of Surigao. The sound of beach waves crashing to the shore keeps me awake. Ano nga bang ginagawa ko dito sa labas?
"Eris, nandiyan na ang mga señorito," napalingon naman ako kaagad dahil sa boses ni Manang Pola. Siya ang mayordoma dito sa mansyon ng mga Del Prado.
"Susunod na lang po ako," magalang kong sagot ngunit biglaan siyang ngumiti na siyang kinakunot ng aking noo.
"Ikaw ang bahala. Hinahanap ka na, baka siya pa ang pumunta dito," napangiti na lang din ako ng wala sa oras kahit hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin sa akin. Nauna na si Manang na umakyat sa hagdan patungo sa mansyon kaya't nahiga na muli ako sa aking sarong.
Sampung taon lang ako simula noong nagsimula akong bumisita dito tuwing bakasyon. Malapit ang pamilya ko sa kanila kaya't sila Mommy mismo ang nag-uudyok sa akin na bumisita at manatili dito. Tila ako ang naging bunso ng pamilya nila, tuwang-tuwa ang Senyora Ambrosia at Senyor Maximus sa akin, sapagkat nais nila ng babaeng anak o apo. Lima ang naging anak nila Senyora at Senyor at lahat ito'y mga lalaki. Noong mga nagsipag-asawa ang mga ito ay lumaki ang tyansa na magkakaroon sila ng babaeng apo ngunit limang lalaki din ang naging supling ng kanilang mga anak.
The blood of Del Prados are not a joke. Simula ulo hanggang paa, biniyayaan sila. Hindi naman ako nahirapang makipagkaibigan sa kanilang mga apo kahit na malaki ang agwat ng edad nila sa akin.
Kuya Apollo, Kuya Linus, Kuya Eros, and Kuya Kronus treated me like their own sister. Halos gawin na nila akong prinsesa dito pero ang sabi nga nila, may maliligaw talagang isa. Isa sa magpipinsan ang ubod ang kasungitan. Kahit mas bata ako ng pitong taon sa kaniya ay pinapatulan niya ako. Palagi niya akong kinokontra sa lahat ng gusto ko kahit na suportado naman yung apat sa akin. Kahit sa simpleng pagsusuot lang ng maiiksi na damit, ayaw niya.
"The sand is not your bed, Ayla Eris. Tumayo ka na diyan," napatayo kaagad ako nang marinig ko ang kaniyang boses.
He looked out of place wearing this kind of outfit. Nakasuit and tie siya, mukhang galing sila sa isang meeting. Nakaayos din ang kaniyang buhok at malamlam ang kaniyang mga mata, sinamahan pa ng makakapal niyang mga kilay at mahabang pilikmata. He looks like a greek god. Nagtama kaagad ang aming mga paningin at naramdaman ko kaagfad angh bolta-boltaheng kuryente na biglang dumaloy sa aking mga ugat.
Kahit anong sungit niya sa akin, I cant stop my heart from admiring him as a man. I just woke up and found myself attracted to someone who is older than me. Napansin niyang nakatitig na ako sa kaniya kaya't minabuti niyang tumalikod pero nahablot ko kaagad ang dulo ng kaniyang suit.
"Kuya Atlas," mahina kong tawag kaya't tumingin siya kaagad sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/217525696-288-k300446.jpg)