Kabanata 28
Endure
After what happened yesterday in Dad's office, umuwi na ako at hindi ko na hinintay si Kronus.
Pinuntahan niya na lang ako sa bahay kagabi para tanungin kung anong nangyari at umuwi ako ng wala pa siya. I told him that his cousin is back. Mukhang wala pala talagang nakakaalam sa pamilya nila na umuwi si Atlas kahapon.
"Ma'am, ito na po yung mga projects ng kompanya na hindi pa po naasikaso dahil nagkasakit ang Daddy niyo."
"Salamat, Celine," sambit ko naman.
Halos sampung folder ang nasa harap ko ngayon at sana ay may matapos ako dito dahil hindi ko alam kung paano magsisimula.
"Anak," napatungo naman ako at nakita kong nasa pinto si Daddy.
"Yes po?" nakangiti ko namang sagot at kaagad akong tumayo mula sa swivel chair ko.
"Ayos ka na ba dito sa opisina niyo?" kumunot naman ang aking noo dahil sa huling salitang sinabi niya.
"Sir, saan po ilalagay?" binukas naman ni Daddy ang pinto at pumasok ang ilan sa mga maintenance na may dalang isa pang lamesa, swivel chair, at ibang pang mga gamit na mukhang kay Atlas.
"Good morning, Mr. Montemayor," halos malaglag ang panga ko dahil sa nakikita ko ngayon.
"Good morning, Engineer," bati naman pabalik ni Daddy sa kaniya.
Magkasama kami sa iisang opisina? Hell no. Lumabas na ang maintenance at naiwan na lang kaming tatlo dito sa loob.
I remained standing on my spot while staring at him. May pinag-uusapan sila ni Daddy at hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa inis.
"Hija, are you alright? Hindi ko pala nasabi sayo na magkasama kayo ni Engineer dito. Wala na kasing bakanteng lugar na pwede niyong maging opisina," paliwanag ni Daddy na mas nagpakuyom sa aking kamao.
"Maiwan ko na muna kayo. Ikaw na ang bahala sa anak ko," pagbibiro pa ni Daddy bago tuluyang umalis.
"Daddy, teka lang!" sa wakas ay nakapagsalita na ako pero huli na.
Bahagya pang natawa ang gago na 'to bago siya pumunta sa kaniyang lamesa. Sinundan ko siya ng tingin habang paupo siya. Kapag minamalas ka nga naman.
"Bakit hindi mo kasama ang mapapangasawa mo?" baritono niyang tanong sa akin habang inaayos niya ang kaniyang lamesa.
Nagtama ang mga paningin namin at kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ano bang nangyayari sa puso ko? May sakit ba ako? Peste.
![](https://img.wattpad.com/cover/217525696-288-k300446.jpg)