Kabanata 17

28.3K 315 17
                                    

Kabanata 17


Kronus


Hindi ko alam kung anong nangyayari sa katawan ko pero hindi pa sumisikat ang araw ay nagising na ako at ngayo'y papunta ako sa dalampasigan.


"Ma'am, saan po kayo pupunta?" napatigil naman ako paglalakad dahil sa tinig ng nagtanong sa akin.


Napalingon ako sa kaniya at mukhang isa siya sa mga bantay.


"Maglalakad-lakad lang ako sa dalampasigan," sagot ko naman.


"Nagpaalam po ba kayo kay Engineer?" kumunot naman ako dahil sa tanong niya.


Bakit kailangan ko pang magpaalam kay Atlas kung lalabas ako, at saka paano ako magpapaalam sa tulog?


"He's still asleep," I answered.


"Ma'am, mamaya na lang po kayo pumunta sa dalampasigan kapag maliwanag na," tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.


"May problema ba kung ngayon ako pupunta doon?" tanong ko ulit.


Nakabantay sila sa buong paligid at hindi naman ako lalayo kaya't makikita naman nila ako.


"Ma'am, iyon po kasi ang bilin ni Engineer na huwag kayong hahayaang pumunta sa dagat mag-isa,"


Kinalma ko ang sarili ko at ngumiti na lang ako para matakpan ang iritasyon sa aking mukha.


"Paulo, sasamahan ko na lang si Ma'am," napatingin kami parehas sa nagsalita. Si Manang Flor pala. Ang aga naman ata niyang magising?


"Pero Manang," pagpoprotesta nito ngunit sinamaan lang siya ng tingin ni Manang.


Napailing na lang ako dahil sa huli'y pumayag din siya at mukhang itinawag niya sa lahat ng bantay na pupunta ako sa dalampasigan ngayon.


"Halika na, Ma'am," aya naman ni Manang sa akin kaya't napangiti naman ako.


Nakasunod lamang si Manang sa akin at hindi siya nagtatangkang kausapin ako o ano. Siguro'y nararamdaman niyang gusto ko lang talagang magmuni-muni muna pero may nag-uudyok sa akin na kausapin siya.


"Manang, matagal niyo na po bang kilala si Atlas?" biglaan kong tanong at natigil kami parehas sa paglalakad.


"Oo naman, Ma'am," magiliw na sagot sa akin nito.


"Eris na lang po," putol ko naman sa kaniya. Nahihiyang napatango na lamang siya dahil sa sinabi ko.


"Kung ganoon po ay nasubaybayan niyo siyang lumaki? Anong klase pong bata si Atlas?" sunod-sunod kong tanong.


Enduring the Pain (Surigao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon