Kabanata 40

31.7K 358 48
                                    

Kabanata 40


Home


"Come on, baby. Stop eating that. Ang pait-pait niyan," saway niya sa akin ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang pagkain ko sa ampalaya.


"Nagugutom ako, Atlas," sagot ko naman sa kaniya.


Pinauwi na rin naman kami kahapon ng doktor dahil ayos naman na daw ang lagay ko at wala naman ng dapat ipag-alala pa. Kailangan ko lang daw alagaan ang sarili ko at kumain ng masusustansiyang pagkain.


"Pwede ka namang kumain ng matinong pagkain. Bakit kasi ampalayang hilaw ang pinagdidiskitahan mo?" reklamo niya at naglagay ng iba't-ibang prutas sa harap ko.


"Ito nga ang gusto ko," malungkot kong sagot na kinapungay kaagad ng kaniyang mga mata.


"Hmm, alright," suko niya at tumabi na sa akin. Kaagad naman akong humilig sa kaniya. Mas naadik yata ako sa amoy niya ngayong buntis na ako.


Tumungo ako at nagtama naman ang aming mga paningin. He is staring me like I am the most beautiful girl in this world. Marahan niya ring hinahaplos ang aking buhok.


"Tikman mo," biglaang sambit ko na kinakunot naman ng kaniyang noo.


Kumuha ako ng isang piraso sa mga nahiwang ampalaya at tinapat ko ito sa kaniyang bibig.


"Baby, hindi ako kumakain niyan," seryoso niyang sagot kaya't napanguso ako at sinubukan ko pa ring isubo sa kaniya pero hindi ako nagtagumpay.


Binalik ko na lang yung ampalaya at umupo na lang ako ng ayos at tinuon ang atensyon ko sa palabas.


"Eris," tawag niya kaagad sa akin pero hindi ko siya pinansin.


"Baby," suyo niya at marahan akong binuhat para maiupo niya ako sa kaniyang kandungan.


"Sige na. Subuan mo na ako ng ampalaya na 'yan," anunsyo niya kaya't napatingin na ako sa kaniya.


"Huwag na," pagmamaktol ko.


"She's throwing a fit now," bulong niya sa akin bago halikan ang aking pisngi.


Siya na mismo ang kumuha ng ampalaya at pinanood ko lamang siya na nguyain ito kahit na kitang-kitang napapaitan siya.


"Tama na," pigil ko naman sa kaniya dahil nakasampung piraso na siya.


"Isa," may pagbabanta na sa boses ko kaya't tumigil na nga siya.


"Ayoko lang na nalulungkot ka dahil sa simpleng bagay," he said softly.


Napairap na lang ako pero yumakap naman ako sa kaniya na siyang kinatawa niya. Napapikit na lamang ako habang dinadama ang init na nanggagaling sa kaniya. Noon, pinapangarap ko lang na huwag niya na akong sungitan pero ngayon, higit pa doon ang nakuha ko.

Enduring the Pain (Surigao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon