Kabanata 19
Talk
I spent almost three hours of my life crying in the bathroom. Hinang-hina ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. May igugulo pa ba ang buhay ko o sadyang ako lang ang nagpapagulo nito?
Pagkabihis ko'y walang gana akong nahiga sa kama. Paniguradong pulang-pula na ang nga mata ko.
I heard a couple of knocks kaya bahagya kong tiningnan ang pinto.
"Come in," malamig kong sabi sa sinumang kumakatok.
"Pumunta ka daw sa dagat," panimula niya kaagad at narinig ko ang pagsara ng pinto.
Hindi ko siya tiningnan at nanatili akong nakatingin sa kisame. I almost let out curse when he touched my hand.
"We should talk and fix our mess, baby," malambing niyang sabi.
"Can you please just leave me alone for now?" mahina kong tanong sa kaniya.
Hindi siya sumagot at unti-unti lang kaming binalot ng katahimikan. Hindi ko alam kung kaya ko bang makipag-usap sa kaniya ngayon.
"They are my co-workers," he suddenly said.
"Alam kong kahit papaano ay nabastos ka dahil ni hindi man lang kita pinakilala sa kanila," dagdag niya pa.
"Walang problema sa akin 'yon," I replied.
Pinili kong maupo at sumandal sa headboard ng kama. He quickly looked into my eyes.
"But still, I want to say sorry," he replied.
Tumango lang ulit ako at nanatiling tikom ang bibig. Wala naman sa aking problema kung ano ang ginawa niya o sino ang mga babaeng 'yon. Nanghihina lang talaga ako sa mga oras na 'to.
"Are we okay now?" tanong niya naman.
"Para sa akin, ayos lang tayo. Hindi ko na lang alam sayo," tipid kong sagot sa kaniya.
Inabot niya ang kamay ko at nagsimula siyang paglaruan ito.
"We're okay, baby. Naiintindihan ko naman kung bakit mo nasasabi 'yon. Kung bakit nagtataka ka pa din hanggang ngayon," malumanay niyang sabi.
"Pero hindi naman masama na masaktan ako diba? I'm a little bit hurt, but it's fine. Alam ko namang mas nahihirapan ka. Ang gago ko lang dahil pinagseselos pa kita," he added.
Umiling naman ako dahil sa sinabi niya.
"You don't need to be sorry, Atlas. Sinusubukan ko namang magtiwala sayo pero yung mga naaalala ko kasi at sa mga sinasabi mo ay hindi nagtutugma,"I replied.
BINABASA MO ANG
Enduring the Pain (Surigao Series #1)
Roman d'amourEngr. Atlas Maximus C. Del Prado