Simula
Wala sa sarili kong nilagok ang alak sa aking baso. Malalim na ang gabi at ang buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong kalangitan. Napabuntong hininga na lamang ako bago ko ibaba ang baso. Malamig ang tubig kaya't tamang-tama upang mapakalma ang buo kong sistema.
Napatigil ako sa paglangoy nang marinig ko ang paglagasgas ng tubig, mukhang may gustong sumama sa paglangoy ko ngayong gabi dito sa pool.
"Gabi na. Bakit nandito ka pa?" napabuntong hininga na lamang ako dahil kilala ko ang boses ng nagsalita. Humarap ako sa kaniya at nakita ko si Azriel na kalmadong nasa tubig ngayon. He is topless at hindi na ako nagtataka kung paano siya nakapasok dito sa bahay ko. Binigyan ko siya ng susi noon dahil palagi siyang dumidiretso dito kapag ginagabi na siya sa opisina niya.
"I can't sleep, so I decided to take a dip for a while," sagot ko sa kaniya. Ilang buwan na din simula noong sinabi nila sa akin na huwag ko na silang tawaging Kuya dahil pakiramdam nila'y ang tanda na nila sa akin. Mas naging malapit ako sa kanila simula noong sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako bibisita sa mga Del Prado.
"Namumutla na ang labi mo. Kanina ka pa nandito sa labas," usal ni Azriel. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.
"I'm fine. Anong sadya mo? Bakit pumunta ka yata bigla dito sa bahay ko?" tanong ko pabalik sa kaniya kaya't sinimangutan niya na kaagad ako.
"Pinapapuntahan ka sa akin ni Tita Elizabeth. Hindi ka daw sumasagot sa mga tawag niya," dahil sa sinabi niya ay ako naman ang sumimangot. Hindi ko sinasagot ang mga tawag ni Mommy dahil sinasadya ko. Naririndi na ako sa paulit-ulit na pangungulit niya.
"Don't mind her. Saka na lang ako makikipag-usap sa kaniya kapag nakalimutan niya na ang tungkol sa pagpapakasal," walang gana kong sambit at lumangoy na ako papunta sa gilid ng pool. Naramdaman ko namang nakasunod din siya sa akin. Tinulungan niya din akong makaupo at pumagitna siya sa mga binti ko.
"Pagpapakasal? Sinong magpapakasal?" seryosong tanong niya sa akin kaya't napatingala ako sa kalangitan.
"I'm asking you, Ayla Eris. Sinong magpapakasal?" napayuko na akong muli at nagtama ang aming mga paningin. Tinaasan niya ako ng kilay habang hinihintay ang magiging sagot ko sa kaniyang katanungan.
"They want me to marry a Del Prado," mahina kong sagot sa kaniya na siyang kinakunot ng kaniyang noo.
"I already offered my help to your Mom pero tinanggihan niya ako dahil ayos na daw, nasulusyunan na," nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Pinagbawalan ko na sila nina Creed na huwag na kaming tulungan dahil nakakahiya. Halata naman kasi na mas pabor pa din si Mommy sa mga Del Prado. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakalimutan na ang mga Montegrande ang may pinakamalaking naitulong noong unang beses na nagkaproblema ang kompanya namin.
Gustong-gusto ko na talagang makapagtapos ng pag-aaral para mas makatulong ako sa mga magulang ko pero halos dalawang taon pa ang kailangan kong bunuin para maging ganap na Engineer.
"Azriel, sinabi ko na huwag niyo na kaming tulungan. Nakakahiya na," usal ko sa kaniya na siyang kinangiti niya lamang.
![](https://img.wattpad.com/cover/217525696-288-k300446.jpg)