Kabanata 5
Chill
Matapos niyang mananghalian ay inaya niya akong bumalik sa mall. Hindi ko alam kung anong trip nito sa buhay.
"Aano naman tayo sa mall?" tanong ko sa kaniya pagkapasok namin sa elevator.
He just shrugged his shoulders as a response. Nasa bewang ko pa din ang kamay niya kaya't hindi ako malakayo sa kaniya.
"Isa," saway niya sa akin dahil hindi ako mapirmi.
"Stay still, Ayla Eris," dagdag niya at sinamaan ako ng tingin.
Natahimik na lang ako. Bumukas na ang pinto ng elevator at parang ayos lang sa kaniya na may makakita sa amin. Napatigil ang mga papasok sana dahil sa gulat.
"Hindi ba kayo sasakay?" masungit niyang tanong sa mga empleyado nila kaya't nag-unahan pa ang mga ito na sumakay. Napunta kami sa sulok at napansin ko ang pagkairita sa mukha niya.
"Ang sungit mo," bulong ko naman kaya't napatili ako ng bahagya ng bigla niya akong hapitin palapit sa katawan niya, halos nakayakap na siya ngayon sa akin.
Napatingin ang mga kasabay namin sa elevator sa amin pero nag-iwas sila kaagad ng tingin. Takot na lang nila kay Atlas.
Hindi siya nakuntento at ngayo'y yakap niya na nga ako. Nakasandal siya sa sulok habang ako'y nakahilig sa kaniyang dibdib.
"Atlas, bitawan mo ako," bulong ko sa kaniya pero imbis na bitawan niya ako ay iniangat niya pa ang aking baba.
"Ayoko," malamig niyang sagot.
Magsasalita pa sana ako pero bumukas na ang pinto at nag-unahan ang mga kasabay namin na lumabas. Bahagya ko siyang itinulak para makaayos ako ng tayo. May mga napasilip din at napaiwas na lang ako ng tingin sa mga ito.
"They are probably thinking that I am your girlfriend," walang preno kong pahayag at naramdaman ko lang ulit ang kamay niya sa bewang ko.
"Edi maganda 'yon," sagot niya at mas hinapit ulit ako.
Hindi pa ba sapat ang distansya namin ngayon? Kung tutuusin nga ay wala naman na talagang distansya sa pagitan namin.
"Gusto mo naman ako diba? Now, bare with my clinginess at sa mga issue na lalabas," dagdag niya pa at dinig na dinig ko ang pintig ng puso ko.
"Pero bata ka pa," pahabol niya na siyang kinapikit ko.
Ayos na sana kaso pinasok na naman niya ang tungkol sa edad ko. Nauna akong lumabas at narinig ko kaagad ang yabag niya papalapit sa akin.
"Galit ka na niyan?" tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/217525696-288-k300446.jpg)
BINABASA MO ANG
Enduring the Pain (Surigao Series #1)
Roman d'amourEngr. Atlas Maximus C. Del Prado