Wakas

43.7K 599 129
                                    

Wakas


Love is just another word for me until she comes along and gives it a meaning.


"You don't like the kid? She's cute," Apollo asked me.


Hindi ako nagsalita at pinanood lamang ang tinutukoy niya. Binalik ko na lang din ang atensyon ko sa ginagawa ko.


Days passed, I started to feel the strange feeling in my heart. Tuwing may pagkakataon ako ay kinukuhanan ko siya ng litrato.


"You found your muse," nanunuyang sambit ni Apollo kaya't itinago ko ang cellphone ko.


"Gusto mo yung bata?" dagdag niya pa na kinataas kaagad ng kilay ko.


It was too ridiculous to think that I am slowly liking a ten-year-old girl. I am seven years older than her for pete's sake.


"Hindi ako nagkakagusto sa bata, Apollo," I said with a cold voice.


Taon na ang lumipas at pinilit kong ituon sa ibang mga babae ang atensyon ko pero sa tuwing magbabakasyon siya sa mansyon ay hindi ko maiwasang sungitan siya. Tuwang-tuwa ako palagi sa mga nagiging reaksyon niya.


"Magpalit ka, Eris," utos ko sa kaniya dahil ang ikli ng suot niya.


"Ano bang mali sa suot ko?" iritado niyang tanong ngunit tiningnan ko lang siya ng masama.


Sa tuwing magsusuot na lang siya ng ganiyan ay naiirita ako. Masyado pa siyang bata para magpakita ng balat. Hindi ba siya nag-aalangan na puro lalaki kami?


"Quit it, Atlas. Hayaan mo siyang suotin ang gusto niya," sambit ni Linus ngunit hindi ko na lamang siya pinansin.


Apat na taon na ang lumipas simula noong una siyang bumisita sa mansyon at hanggang ngayon, hindi ko pa rin naiintindihan ang nararamdaman ko.


Sa bawat bakasyon niya dito ay hindi ko napipigilan ang sarili ko na kuhanan siya ng litrato tuwing hindi siya nakatingin. Nahihibang na ako.


Naging malapit na siya kay Kronus at sa tatlo ko pang pinsan na mas nagpairita lang sa akin.


"Manang, nasaan si Eris?" panimula kaagad ni Kronus pagkarating namin sa harap ng mansyon.


"Nasa dalampasigan pa yata. Pupuntahan ko," sagot naman ni Manang Pola.


She loves to stay in the seashore while staring at the night sky pero malamig na masyado baka magkasakit pa siya.


Nanatili muna kami dito sa labas habang hinihintay namin si Eris. Pagkabalik ni Manang ay mag-isa pa rin siya na kinakunot na ng noo ko.


"Manang, nasaan na si Eris?" tanong kaagad ni Eros.


Enduring the Pain (Surigao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon