Kabanata 29

27.2K 273 39
                                    

Kabanata 29


Side


"Nakauwi na ako. Ikaw, anong oras ka babalik dito bukas?" tanong ko sa kaniya sa kabilang linya.


Ginabi na rin ako dahil pinilit ko talagang matapos yung unang folder na pinag-aaralan ko kanina sa opisina.


"Aalis na rin ako dito mamaya," he answered.


"Gabi na, Kronus," kontra ko naman sa kaniya kaagad.


"But I miss you," he whined.


Natawa na lamang ako ng wala sa oras dahil para na naman siyang bata. Pinatay ko na muna ang mga ilaw bago ako tumaas sa kwarto ko.


"Ah, walang I miss you too," dagdag niya na naman na kinahalakhak ko na.


"I miss you too. Bukas na umuwi ha? Huwag ng makulit," natatawa ko pa ring sambit.


"Aabutan pa ba kita sa bahay mo o sa kompanya niyo na ako didiretso?" biglaan niyang tanong na nagpawala ng ngiti sa aking mga labi.


"Sa kompanya," nag-aalangan kong sagot.


"Hmm, okay," he replied.


"Galit?" mahina kong tanong.


"Why would I? You should sleep, Eris. Kung ano-ano na ang tinatanong mo," napailing na lang ako dahil alam kong apektado rin siya na isang linggo kong makakasama si Atlas sa iisang opisina.


"Ah, selos," kantyaw ko at narinig ko ng mahina niyang pagmumura.


"Just sleep, little devil. Uuwi talaga ako diyan sinasabi ko sayo," seryoso niyang utos.


"Goodnight, Kronus," paalam ko na sa kaniya.


"Goodnight," he answered.


Binaba ko na ang telepono at nahiga na ako. Tama si Kronus. Kailangan ko na munang matulog dahil kung ano-ano na naman ang naiisip ko.


Kinabukasan, nagising ako dahil sa napakaagang pagtawag ni Mommy.


"Bakit ba kasi hindi ka sumama kay Kronus? Ano bang ginagawa mo sa kompanya? Anong maiitulong doon? Wala ka pa namang diploma diba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin at napapikit na lang akong muli.


Napakagat ako sa aking labi dahil ang aga-aga ay ganito ang bungad niya sa akin. Ano na naman bang ginawa kong mali?


"Sumagot ka, Ayla Eris! Huwag mong sabihing nag-away kayo? Paano na naman ang kompanya kapag hindi natuloy ang kasal niyo, ha?" she added.

Enduring the Pain (Surigao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon