Kabanata 16

30.7K 325 31
                                    

Kabanata 16


Surigao


Kumunot naman ang noo ko dahil sa dami ng bantay sa paligid pagkababa namin sa helicopter. Isang modernong bahay ang natatanaw ko at napakalayo noon sa naaalala kong ancestral home.


Nauuna siyang maglakad at nakasunod lamang ako sa kaniya. Kahit anong gawin kong libot ng aking paningin, hindi pa rin ito yung lugar na naaalala ko.


"Eris!" napatingin naman ako kay Atlas dahil sa biglaan niyang pagsigaw sa pangalan ko.


Nagulat naman ako dahil ilang metro na din ang layo niya sa akin. Napatigil ba ako sa paglalakad habang tinitingnan ko ang paligid?


Pagkalapit ko sa kaniya'y sinalubong kaagad ako ng mapagtanong niyang mga mata.


"What's the matter? You're remembering something?" he asked me seriously.


Umiling naman ako sa kaniyang tanong dahil imbis na may maalala ako dito ay parang wala din naman. Bagong-bago ang lugar na ito para sa akin. Alam ko sa sarili kong ngayon pa lang ako nakapunta dito.


Pagkalingon ko sa kanang bahagi ng isla ay napukaw ulit ang pansin ko ng mga nakaitim na lalaki na nakatayo lamang sa paligid at kapwa mga armado.


"Who are they? Your men in black?" biglaan kong tanong sa kaniya.


"They are our security," tipid na sagot niya sa akin.


"Pumasok na muna tayo sa bahay," dagdag niya at sumang-ayon lang ako.


Pagkarating namin sa bahay ay namangha ako dahil sa ganda nito. Halos salamin ang ginamit bilang pader kaya't makikita mo ang disensyo ng bahay sa loob.


"Welcome to our little home," usal niya pagkatapos bumukas ng pinto.


"Our home?" tanong ko naman sa kaniya pagkatapak ko sa puting-puting sahig.


He just hummed as a response. The living room is spacious, kumpleto na din ang mga kagamitan. Dumiretso siya sa dining area kaya't sumunod naman ako.


"Kailan mo pinatayo?" tanong ko naman sa kaniya bago ako maupo sa isang stool.


He looked at me and I was surprised to see the sadness in his eyes. May mali ba sa tanong ko?


"Sinimulan kong idesign pagkatapos noong unang beses kitang halikan," mahina niyang tugon.


Napakurap-kurap naman ako dahil sa sinabi niya.


"Kailan?" nahihiya kong tanong. Napangiti lang siya ngunit mabilis din itong nawala.


"When you're just seventeen," diretso niyang sagot sa akin na siyang nagpainit ng aking mga pisngi.

Enduring the Pain (Surigao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon