Kabanata 12
Accident
Maliwanag na paligid ang bumungad sa akin pagkamulat ko ng aking mga mata. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa biglaang kirot. This place is too unfamiliar for me. Nasaan ba ako?
Natanaw ko ang dagat sa nakabukas na bintana. Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga pero napatigil ako dahil sa dami ng nakakabit sa akin.
Napatingin ako kaagad sa pinto dahil bumukas ito. A lady wearing a white uniform immediately went to my side. She's checking my vitals.
"Miss, can you hear me?" tanong niya sa akin kaya't kumunot kaagad ang noo ko.
"Of course, mukha ba akong bingi?" iritado kong sagot at pinilit ko na talagang makaupo.
"Miss, humiga ka po muna," hindi ko siya pinansin at sumandal lamang ako sa headboard ng kama.
Mukhang nahalata niyang wala akong planong pakinggan ang mga sasabihin niya kaya't may tinawagan siya. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at kahit anong gawin ko'y wala akong makitang pamilyar na bagay.
Napayuko ako at napatingin sa aking mga kamay, but two rings suddenly caught my attention. Kailan pa ako nagkaroon ng mga singsing? Ang isa'y may malaking dyamante sa gitna samantalang ang isa naman ay nakapalibot lang ang maliliit dyamante sa singsing.
Muling bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang lalaking doktor at isang lalaking nakasuot ng hapit na puting polo. Who are they?
"Mrs. Del Prado, you're finally awake!" bungad sa akin ng may katandaang doktor. Kumunot naman ang noo ko.
Mrs. Del Prado? May asawa ako?
"Wait, I'm so confused. Bakit ako nandito? Sino kayo?"
Nagkatingin silang tatlo kaya't mabilis na lumapit sa akin ang doktor upang tingnan ang lagay ko. Ang huli kong naaalalang nangyari sa akin ay pagtama ko sa isang bagay habang nalulunod ako sa dagat, iyon lang.
"Anong huling naaalala mong nangyari sayo?"
"I am drowning in the sea, but I can't remember why," natataranta kong sagot sa kaniya.
"When's your birthday?" he suddenly asked me, but I just shook my head as a response. Hindi ko maalala kung kailan ang kaarawan ko.
He asked me more personal questions pero ni isa doon ay hindi ko masagot.
"In your case, you're suffering from traumatic amnesia, Mrs. Del Prado. I already warned your husband about this, but we still need to do MRI to find out whether there is any physical damage or brain abnormality. Kaya bukas na bukas, kailangan niyong pumunta sa hospital,"