Kabanata 18

30.6K 367 31
                                    

Kabanata 18


Almost


Buong araw kahapon ay nagkulong lamang ako sa kwarto. Ni hindi ako kumain at itinulog ko na lang ang gutom ko. Sila Manang ay nag-alala at walang humpay ang pagkatok sa kwarto ko pero hindi ko sila pinagbuksan.


"Ma'am, magandang umaga po," bati sa akin ni Manang Rosa at tumango na lamang ako.


Napagpasiyahan ko na bumaba na at kumain. Ayoko namang mamatay sa gutom.


"Manang, dalawang kape daw po sabi ni Engineer," napalingon naman ako sa kakapasok lang.


Nag-iwas naman siya kaagad ng tingin sa akin. Mukhang nahihiya pa din siya dahil nangyari noong isang gabi.


"Dalawa? May bisita ba si Engineer, Nica?" tanong naman ni Manang Rosa.


"Opo, may babaeng architect po sa opisina niya e,"


Kumunot ang noo ko dahil sa sinagot niya pero ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. I don't need to make a big fuss about it. Ano naman kung may babaeng architect sa opisina niya ngayon? They are probably working with each other.


"Manang Rosa, may gatas po tayo?" tanong ko naman para maiba na ang usapan dito sa kusina.


"Ikukuha ko po kayo, Ma'am!"maagap niyang sabi at ibinigay na kay Nica ang mga natimpla niyang kape.


Pagkabigay sa akin ng gatas ay ininom ko kaagad ito. Nauhaw yata ako bigla. Napansin kong wala si Manang Flor dito sa kusina. Nasaan kaya siya?


"Manang Rosa, nasaan po si Manang Flor?" biglaan kong tanong kaya't napalingon naman siya sa akin.


"Namalengke po yata para sa pananghalian," nakangiti nitong sagot sa akin kaya't napatango na lang ako.


"Salamat po sa umagahan," sambit ko at masaya niyang inayos ang pinagkainan ko.


"Pupunta po muna ako sa labas," paalam ko at lumabas na ako sa kusina.


Natanaw ko ang maliit na garden sa labas kaya't dumiretso ako doon. Nakita din ako ng mga bantay at mukhang mas naging alerto sila dahil nasa labas na naman ako.


Naupo na lamang ako sa bench na hindi ko mawari ang disensyo. Hindi ko na pinansin ang mga nagmamasid sa akin.


I just need some fresh air. Kinulong ko ba naman kasi ang sarili ko kahapon. Napabuntong hininga na lamang ako at sumandal.


Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ng tungkol kay Kronus. Sinusubukan kong alalahin ang lahat ng tungkol sa kaniya pero sumasakit lang ang ulo ko at hanggang ngayon ay wala pa ring doktor na pumupunta dito para tingnan ang lagay ko.

Enduring the Pain (Surigao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon