Kabanata 11
Present
Ilang minuto na lang at sisikat na ang haring araw bago nakalapag ang eroplanong sinasakyan namin dito sa Surigao. Bahagya kaming natagalan sa airport kanina kaya inabot na kami ng madaling araw bago makaalis sa Maynila.
We waited for Levi for almost 3 hours. Ang sabi nila'y may inaasikaso daw kasi o baka tuluyan na ngang naloko sa babae niya.
Papikit-pikit akong naglalakad palabas, hindi man lang kasi ako nakaidlip kahit saglit dahil sa kakaisip ko kung anong lagay ni Daddy.
Mukha lang akong kalmado ngunit nababahala na talaga ako. I learned to control my emotions, so no one can see my weakest points. Mahirap na, baka masaktan lang ulit.
"Gusto mo bang magdala tayo ng doktor?" tanong sa akin ni Sebastian.
Umiling naman ako sapagkat alam kong may doktor na panigurado doon na tumitingin sa lagay ni Daddy. My dad is probably okay right now, but I still need to see him.
Pagkasakay namin sa van ay napansin kong kulang kami. Nasaan na naman yung tatlo? Binuksan ko ang bintana para tingnan kung nag-aano sila.
Nakatingala si Azriel habang kinakausap siya ni Creed at Zack. May nangyari ba? Ayos lang naman sila kanina sa loob ng eroplano.
"What happened?" tanong ko kay Sebastian na may kung anong ginagawa sa kaniyang cellphone.
"Azriel's girl came back," nanlaki naman ang mga mata ko.
"May girlfriend siya? Bakit hindi ko alam?" nagtataka kong tanong.
"We're not the right people to tell you about their story. Stay quiet, papunta na sila dito," sagot sa akin ni Levi kaya't napairap na lang ako sa kaniya.
Pagkapasok nung tatlo'y sinabi kaagad ni Creed sa driver kung saan kami pupunta. Tumahimik ang buong van at hinayaan ko na lang sila. Azrael's eyes are bloodshot. Sa palagay ko'y pinipigilan niyang umiyak.
"You should sleep, Eris," narinig kong payo niya pa sa akin.
Napalingon ako sa kaniya sa likod at nakapikit na siya. Hindi na lang ako nagsalita pa at humilig na lang ako kay Sebastian.
I can feel it. Something's wrong with him, ngunit sa palagay ko'y wala na ako sa posisyon para itanong kung bakit siya nagkakaganyan.
Love is the most mysterious thing in this world. Hindi mo alam kung kailan dadating, kung kailan aalis o kailan ka sasaktan.
Tama na nga, kailangan ko pang magkaroon ng lakas bago kami makarating sa lupain ng mga Del Prado. Hinayaan ko na lamang na lamunin na ako ng antok at pagod.