Kabanata 27

20.9K 226 55
                                    

Kabanata 27


Back


"Ma'am, nasa meeting pa po si Mr. Montemayor," bungad sa akin ng sekretarya ni Daddy.


"Ayos lang. Hihintayin ko na lang siya sa opisina niya," nakangiti ko namang sagot.


Tatlong buwan na ang nakakalipas kaya't nakabalik na si Daddy dito sa kompanya. He started to work again, kahit na pinagbawalan ko na siya.


The news about my marriage brought back our investors. Ngayon ay nasa matayog na lugar na naman ang kompanyang pinakamamahal ng mga magulang ko.


Dumagsa rin ang mga proyekto para sa amin. Hindi ako makapaniwala na sa simpleng balitang 'yon ay malaki ang magiging epekto sa buhay namin.


"Ma'am, teka lang po. May isa pa po kasing naghihintay sa Daddy niyo," kumunot naman ang noo ko at napatigil sa paglalakad.


"Sino? Nasaan?" tanong ko naman kaagad.


"Nasa loob na po," sagot niya at itinuro ang opisina ni Daddy.


Sino naman ang naghihintay kay Daddy? An investor? Kunot noo kong binuksan ang pinto.


Wala naman akong nakikitang tao dito. Nasa banyo ba siya o umalis na? Lalabas sana ulit ako para tanungin si Celine kung nasaan na ang sinasabi niyang naghihintay kay Daddy nang biglang may nagsalita.


"Ang tagal naman ng Daddy mo," sambit niya bago tumayo mula sa pagkakaupo.


Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon. Bakit hindi ko siya kaagad napansin? Kaya pala nakatalikod ang swivel chair. Kailan pa siya bumalik? Bakit pa siya bumalik?


"Anong ginagawa mo dito?" seryoso kong tanong sa kaniya nang makabawi na ako ng lakas.


Ngumisi naman siya at umupo sa lamesa na siyang kinakunot lalo ng aking noo.


"Why would I tell you?" malamig niyang tanong sa akin.


Nagtama ang mga paningin namin at halos mapaatras ako dahil sa dilim ng mga titig niya. Noong huli ko siyang nakita ay puno ng lungkot at sakit ang kaniyang mga mata at ibang-iba na 'yon ngayon.


Ayos na siya kaagad? Good for him! Oo, mabuti 'yon!


"D-dahil mukhang may masama kang binabalak," nauutal kong sagot na siyang kinataas naman ng kaniyang kilay.


"Hindi naman masama ang balak ko. Gusto ko lang namang maupo," sambit niya bago paglaruan ang isang ballpen na nanggaling sa lamesa ni Daddy.


"Iyon lang ba? Bigyan kita ng isang libong upuan, kung ganoon," sarkatiskong sagot ko sa kaniya.


Enduring the Pain (Surigao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon