Kabanata 36

27K 284 20
                                    

Kabanata 36


Trust


"How about five little Atlas and one little Eris?" napasapo naman ako sa aking noo dahil sa sinabi niya.


"Masyadong marami," sagot ko naman.


Pagkauwi namin dito sa isa sa mga bahay niya ay nagpahinga muna kami hanggang sa mapunta na kami sa pag-uusap kung ilan ang gusto naming maging anak.


"Kaya ko naman kayong buhayin," he replied.


Napailing na lang ako ng wala sa oras. Kayang-kaya mo nga kahit ilang anak dahil namili silang tatlo nina Lucien at Azriel ng isang buong subdivision para lang pagtayuan ng mga bahay.


Binalot kami ng katahimikan habang parehas kaming nakatingin sa kawalan. Mas yumakap na lamang ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin.


"Where do you want to go first tomorrow? Sa inyo o sa amin?" mahina niyang tanong at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.


"Sa amin muna," I replied.


Siguro naman ay pwede ko na silang kausapin bukas.


"Alright," he answered.


Nanatili lamang kaming nakahiga hanggang sa makaramdam na kami ng gutom. Gabi na rin naman.


"I'm going to cook. Ligo ka muna," sambit niya at tinulungan pa akong tumayo.


"Ayaw mong tulungan kita?" tanong ko naman sa kaniya.


"Let's cook together then," he replied.


Napangiti naman ako at sabay kaming bumaba. We entered the kitchen together. Binuksan niya naman kaagad ang fridge na may mga laman ng pagkain.


"Kailan pa 'yan diyan?" tanong ko naman at sumilip pa ako.


"Kahapon lang. Inutusan ko si Azriel na punuin niya muna 'to bago siya pumunta sa Ilocos," sagot niya.


Namilog naman ang mga mata ko dahil pumayag si Azriel na utusan siya? Seryoso? Hindi ko alam kung ano yung iluluto pero naglabas lang ng mga rekado si Atlas.


"Suot mo," sambit niya at inabot sa akin yung apron na katulad ng sa kaniya.


"Binili rin 'to ni Azriel?" tanong ko naman.


"No. I bought it," sagot niya habang naghuhugas ng kamay.


"Aanhin mo naman ang dalawang apron e mag-isa ka lang naman diba dito dati?" tanong ko ulit at naghugas na rin ako ng kamay.

Enduring the Pain (Surigao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon